"Anong nararamdaman mo?"
Upon hearing what happened, I went here at the hospital. Si Caela muna ang pinapalit ko sa akin sa bakery, sana lang ay alam niya ang gagawin.
Kinabahan ako sa pagkakasabi nila Caela ng kung ano ang nangyari. Akala ko ay madadatnan siyang walang malay. Guminhawa nang kaunti ang paghinga ko nang makitang gising na siya, pero dumami ang pasa at sugat.
"Nothing hurts," aniya. "Walang masakit."
Paano ko 'yon paniniwalaan kung walang lakas ang boses niya? Panay ang paggalaw ng panga ko sa inis. I love his vulnerable part but not this.
"I'm sorry, babe," he uttered, fondling my hand on his cheek. "It might be Mom."
He's still thinking ang talking about the exams, samantalang kalagayan niya ngayon ang iniisip ko.
"Please stop this, Rad." Patuloy ang mga daliri ko sa paglandas sa pisngi niya. Natatakot ako na sa susunod, hindi lang ito ang abutin niya.
"I promise I didn't cheat." He's eager to make me believe he didn't.
Ako na lang ang sarado ang isip dahil hindi ko matanggap na malayo ang agwat namin. Maybe if I aced the exam and got the same score as he did, I won't be making a bigg fuss out of it.
Sa 'kin may mali. Hindi ko dapat sinisisi o ibinunton sa kaniya ang halo-halo kong emosyon.
"Naniniwaa na ako, Rad. Nadala lang ako ng . . . ewan ko nga kung ano 'to." I chuckled with tears. "Kung inggit ba, inis, pagkabigo. Ayaw ko naman maramdaman 'to, e. Ayaw kong pagdudahan ka. Ayaw kong matalo ako. Gusto ko rin naman na makuha mo 'yung gusto mo. Pero . . . wala, e. I have this selfish part of me that I couldn't get rid off."
"You're not selfish, Ammy. You still feel like you're running out of time, you're running out of chances. You're chasing something to change your life. I understand, life was unfair to you."
Pero hindi lang naman sa akin. Sa kaniya rin. At hindi siya makasarili na katulad ko. There's nothing else I can feel right now but guilt.
"Sigurado ka, ayos ka lang? Saan masakit?"
He shook his head. "I missed you."
I neared him for a warm embrace. Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo niya. "Don't put yourself in trouble again. Please, Rad."
"I won't."
Nalaman ko na sila Caela lang din ang nagdala sa kaniya sa hospital. At baka kung hindi nila ito nakita ay napuruhan siya. Pinadalhan ko ng mensahe si Mrs. Lilibeth para ipaalam ang nangyari. Hindi ko inaasahan na magulang niya ang pupunta.
Tumayo ako mula sa kama niya nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Sir Donato.
"What happened? Where is his doctor?" Nanlilisik ang mga mata sa akin ni Sir Don. Hindi ko mawari kung galit ba siya o hindi niya lang gusto ang nangyayari.
"Tatawagin ko po," ani ko.
Rad took my hand to stop me. "Don't leave me."
I was lost for words to say since his father is watching us. "Tatawag ako ng doktor, Rad." Pinilit kong alisin ang pagkakakapit ng kamay niya sa akin.
Nakasalubong ko ang nagpa-panic na si Talitha sa pintuan. Bumati lang ako at lumabas na para tumawag ng doktor. Isang nurse ang nilapitan ko para magtanong. Pupuntahan niya raw ang doktor at sasabihan kaya maaari na akong bumalik sa kuwarto pero bigo akong makapasok kaagad dahil nagtatalo ang pamilya sa loob.
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...