Chapter 43: Victor Meet The Owner Of Other Company

100 56 1
                                    

Synopsis Of This Chapter: Victor meet the owner of the company who wants to cooperate with them.On the other side it shows some part that Xia, Scarlet, Miguel and Gian are talking about the two

THIRD PERSON

Habang sina Victor at Nicole ay tuluyan ng nagkakalabuan dahil sa mga kilos ni Nicole na hindi maintindihan. Sina Scarlet naman ay patuloy pa rin sa pagpaplano kung paano tuluyang mapapabagsak ang kanilang relasyon

Nakaupo ngayon ang lima sa upuan na nasa bahay ni Scarlet. Prente silang nakaupo habang pinag-uusapan ang mga susunod nilang hakbang

“Ano kayang ginagawa ng dalawang yun ngayon? Lalo na ng lintang yun kay Victor” mataray na sabi ni Xia sa mga kasama

“Bobo ka ba? Natural nasa business trip” sarkastikong sagot ni Gian

Nang marinig ni Scarlet ang sagot ni Gian na kanya ng boyfriend ngayon ay napapantastikuhan syang tumawa

“Business Trip? Sa loob ng limang buwan? Natural hindi lang business trip ang inaatupag ng mga yun. Pwede rin silang---"

“Ano ba!” malakas na sigaw ni Miguel rito, dahilan upang tumikhim sila

Tumingin si Xia kay Miguel na tila ba may nais ipahiwatig."Nagagalit ka? Bakit? Gusto mo pa rin ba si Nicole?” pang-aasar nito

“Wag mong sabihin naiinis ka sa dalawa? O naiisip mo… na sana kayo na lang ni Nicole ang magkasama?” dagdag pa ni Scarlet

Hindi naman mapagkakaila na pagdating sa kalokohan ay etong dalawa ang magkasundo

“Basta! Manahimik kayo!” sigaw nito. Huminga sya ng malalim, tumayo at tumabi kay Timothy. “O ikaw, simula kanina nandito ka. Ni isang ambag wala ka” seryosong ani nito

Ngunit sinamaan lamang sya ni Timothy ng tingin na busy pa rin sa pagtutuplok ng kanyang cellphone. Ni wala naman talaga syang ambag simula kanina, eh anong inaarte ng mokong na to?

“Ano ba! Magtatalo at magtatalo na naman ba kayong dalawa? Isipin nyo muna kung paano---“. Naputol ang pagsasalita ni Xia ng magsalita si Scarlet

“Manahimik na muna kayo dyan. At ikaw Timothy” tumingin ito sa binata. “Susuntukin kita sa oras na di ka pa tumigil kaka-cellphone dyan. Kanina ka pa nandito, pero ni hininga mo e di namin maramdaman”

Binagsak ni Timothy ang kanyang cellphone sa upuan kung nasaan sya ngayon. Nagpakawala ng malalim na hininga at sumagot. “Sige na. Ano bang plano?”

VICTOR

Nandito na kami ni Nicole sa kompanya na aming pinuntahan rito sa Singapore. Masasabi kong mas maganda at mas malaki ang kompanya nila kesa sa amin. Mas maganda ang mga design na nasa kanilang kompanya

Sa aming pagpasok ay inaalalayan kami ng isang babae na nakasuot ng pang-office attire. Naka putting damit ito at nakapatong ng itim na blazer. At may maiksing palda sa ibaba at nakasuot ng stockings na talaga namang bumagay sa maputi nyang balat at mapupungay na mata

Sa aming pagdating sa floor kung nasaan ang may-ari ng nasabing kompanya ay iniwan na kami ng babaeng nag-assist sa amin

“Just wait for Mr. Bridge, Sir Smith” paalam nito sa amin. I smiled at her. “Sure, thank you” I said at mabilis na syang umalis

“Love dyan ka muna sa labas.Hintayin mo na lang ako” sabi ko sa kanya at hinalikan sya sa noo bago tuluyang pumasok sa loob. Pero wala akong nakuhang tugon mula sa kanya

Pero bakit?

Sa aking pagpasok sa loob ng opisina ay agad na bumungad sa akin ang malaking loob nito. Hindi ko lubos maisip na ganon kalaki ang loob nun, dahil para isang maliit na pinto lamang ang naroon

Best Love:The Start of Love StoryWhere stories live. Discover now