CHAPTER 30

1.1K 25 0
                                    

30th Chapter

 

Ashmiya Michaella

Hindi ako pumasok ngayon kasi papunta kami ngayon sa South Cemetery. Dadalawin namin sila Mommy, Daddy at saka si Euka. Death anniversary kasi nila ngayon.

"Ayos lang na di ka pumasok?"

Tumingin ako kay Kuya Vin na nagdadrive. "Ayos lang. Hihiram na lang ako ng notes kila Shai."

"Baka magwala si Calyx kasi wala ka ngayon sa university niyo, ah. Mukhang patay na patay pa naman yun sayo," namula ako sa sinabi ni Kuya Vin. Epal talaga.

"Di yun. Katext ko siya ngayon. Dadaan na lang daw siya sa bahay mamaya pag maaga tayo nakauwi."

Nakakatuwa nga dahil tanggap na tanggap ni kuya si Calyx eh, gising pa kasi si kuya nang ihatid ako ni Calyx samin kagabi. Kaya ayun, nagkwentuhan muna sila. Feeling ko nga sila ang magkapatid imbis na kami eh. Close na kasi agad sila.

Nabalik naman ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang isang malakas na buntong-hininga na pinakawalan ni Kuya Vin. Napatingin tuloy ako sakanya. "Problema mo, Kuya? Naiinggit ka 'no?"

"Nang-aasar ka ba? Malamang, oo! Nakakainis naman kasi. Bakit lagi akong naaagawan ng girlfriend? Gwapo naman ako, ah? Sweet pa!" napangiti na lang ako. Nagrereklamo ang kuya ko. Hahaha!

"Kuya, makikita mo rin ang babaeng para sayo. Wait ka lang," nakangiti kong sabi.

"Wow ha! Parang ikaw ang mas matanda satin, eh. Ikaw ba talaga yan o si Euka? Imposibleng mag-advice ka sakin ng ganyan, eh."

Nalungkot naman ako. Namimiss ko na si Euka, ako dapat ang namatay—hindi siya.

∞ © ∞ © ∞ © ∞ © ∞

Nandito na kami sa musileo nila Euka.

Ang sarap sa feeling kapag nandito kami ni Kuya Vin. Parang kahit ganito, nabubuo ang pamilya namin. Nararamdaman ko na kasama pa rin namin sila.

"Mom, Dad, Euka. I have something to tell you," napatingin ako kay Kuya Vin na kakatapos lang sindihan yung mga kandilang dala namin.

"Ano sasabihin mo?" bulong ko.

Nginisihan  niya ko. "May boyfriend na ang bunso natin! Di ko akalain na magkakaboyfriend siya, eh. Sobrang choosy ba naman? Hahaha!"

"Kuya naman, eh!" sabay hampas ko sakanya.

"Ako rin! May sasabihin rin ako sainyo," sabi ko. "Naagawan na naman si Kuya Vin ng girlfriend! Hahaha!"

"Ha ha, funny," narinig kong sabi ni Kuya. Nagpeace-sign lang ako sakanya. Inirapan ba naman ako? Bading talaga 'to!

Her First and Last Love (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora