CHAPTER 65

1.1K 27 0
                                    

Vin Dylan on the multimedia.


65TH CHAPTER


Myka Kreschel


Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa hang over sa pag-inom namin kagabi. Naparami pala ako ng inom di ko namalayan kaya heto parang pinupukpok ang ulo ko sa sobrang sakit.


Nandito pa ko sa bahay namin at umiinom ako ng kape na pinatimpla ko pa kay manang. Maaga pa naman kaya ayos lang kahit maya-maya na ko magpunta sa D.H.U.


Nakatanggap rin ako ng message galing kay Shailyn.


Good morning, guys! Thanks for the last night! I really had lots of fun!


Napangiti na lang ako dahil bakit naman hindi siya mag-eenjoy eh siya nga 'tong huling natulog kagabi at puro daldal. Hangga't hindi bulagta yung tao, kinakausap niya. Ako ang pangalawa sa huli na nakatulog at ang panghuli ay si Nathan. Alam ko rin na medyo nagka-LQ si Layner at Shailyn dahil masyadong malapit si Shailyn kay Nathan kagabi. She also keeps on calling him "cute". Sana okay na sila ngayon.


Napabuntong-hininga ako nang maalala ko rin yung nangyaring pag-uusap naming dalawa ni Hans kagabi. Bago pa man ako tuluyang malasing, nagpunta kami ni Hans sa may likod ng bahay nila Ella at binabad namin ang mga paa namin sa may pool nila at dun nagkwentuhan.


He even asked me to tell about my feelings for him. Grabe 'no? Di ko alam kung paano ako nakasurvive that time, kasi feeling ko naubusan ako ng hininga non. Hindi ko alam paano ako mag-uumpisa at paano ko sasabihin na hindi ko siya masasaktan. But i guess... i can't do that dahil kahit anong sabihin ko he will still blame himself for what happened kahit na ayaw kong gawin niya 'yon.


"Ma'am Myka, may bisita po kayo."


Napatingin ako kay manang dahil sa sinabi niya.


"Sino daw po?" tanong ko sabay tayo at lakad paikot para pumunta sa may hagdanan.


"Yung pinakagwapo niyo daw pong kaibigan."


Napangiti ako bigla. Ano naman kayang ginagawa ni Earl dito nang ganito kaaga?


Bumaba na ko at nakita ko siya na nakaupo sa may sofa.


"Aga mo naman ata? Early bird ka talaga no? Hahaha!" pagbibiro ko pa.


"Hindi ako makatulog eh. Gusto kitang makita."


Napakurap naman ako dahil sa sinabi niya.


"Ahaha. Aga namang banat 'yan, Earl Oxel ha. Gusto mo ba ng kape? Baka naman hinahang-over ka pa?" pag-iiba ko ng usapan at umupo ako sa sofa sa may gilid malapit sakanya. "Paghahanda kita if you want."


"Myka, i'm serious. Hindi ako makatulog dahil iniisip kita. Narinig ko ang usapan niyo ni Hans kagabi. And i saw you again...crying because of him."

Her First and Last Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon