Chapter 25

1.1K 86 119
                                    

Florence's POV

Nakakunot-noong tiningnan ko sina Torie dahil bakas sa mukha nila ang pag-aalala, pagtataka, at tila may nais silang sabihin.

Kanina pa sila ganyan simula nang matapos ako sa unang eksena ko. Tuwing hahawak naman ako ng phone ay agad nila akong pinagbabawalan.

"May sasabihin ba kayo?", nakataas ang kilay na tanong ko.

"W-Wala", nauutal na sagot ni Torie habang si Chie naman ay umiwas ng tingin.

"Yung totoo? Sabihin ninyo na. Mangungutang ba kayo? Naghiwalay na kayo ng mga jowa ninyo?", pagbibiro ko sa kanila dahil ang seryoso ng mga pagmumukha nila.

Nakakapanibago.

"Sana nga ganun na lang", pabulong na sabi ni Chie ngunit narinig ko naman.

"Bakit ba? Kanina pa kayo ganyan? Sabihin ninyo na sakin", nagtataka kong wika.

Katatapos lang ng taping namin. Nakaupo ako ngayon habang hinhintay ang next scene. Hindi namin kasama si Max dahil nasa ibang location ito kasama si Josh.

Ilang araw na rin simula nang makabalik kami galing Batangas. Masasabi ko naman na may pagbabago sa namamagitan sa aming dalawa. Kumbaga may improvement.

At dahil dito'y masaya ako nang labis. Maliit man o malaki ang improvement still improvement pa rin.

Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi nito na nahuhulog na siya. Handa naman akong saluhin siya.

Ay mali.

Hindi pala.

Paano ko siya sasaluhin kung una pa lang ay nahulog na ako sa kaniya?

"Grabe ang ngiting yan. Halatang inlove na inlove", alanganing saad ni Chie.

"Halata ba? Masaya lang ako", nakangiti kong tugon.

"Masaya? Bakit? Sinagot ka na ba niya?", nanlalaki ang mga mata na tanong ni Torie.

"Sira! Hindi. Masaya ako kasi kahit papaano alam kong may pag-asa", masayang sagot ko sa kanila.

"Sinabi niyang may pag-asa ka?", gulat na tanong ni Torie.

"Hindi literal pero sa tingin ko naman meron", agad kong sagot.

"Meron? Bakit sinabi ba niyang mahal ka niya?", pag-uusisa ni Chie.

"Hindi. Pero batay sa sinabi niya kasi alam ko na kahit papaano ay may nararamdaman na rin siya sa akin", sagot ko.

"Sure ka bang may pag-asa? Baka mamaya nag-aassume ka lang", tanong nito.

"Kayo yung mga tanong ninyo ha parang sinasabi ninyo na wala akong pag-asa sa kaniya", nakanguso kong pahayag.

"Hindi naman sa ganun. Dapat makasigurado ka dahil baka mamaya masaktan ka", seryosong saad naman ni Chie.

"Yes aclaaa. Ship ko kayo ni Maxine pero kung sasaktan ka lang niya at paglalaruan ay wag na", saad naman ni Torie at umirap pa.

"Hindi naman ugali ni Max na manakit ng tao. Huwag kayong mag-alala", pagpapanatag ko sa kanila.

"Ilan ba ang pinayagan niyang manligaw sa kaniya?", curious na tanong ni Chie.

"H-Hindi ko alam. Wala naman siyang sinasabi. Wala rin naman akong nakikita dahil madalas kaming magkasama. Ang nakikita ko lang ay si Mark", pagtatapat ko.

"Mark? Baka mamaya nagkabalikan na pala ang dalawang yan", diretsong sabi ni Chie kaya nahampas ko ito nang wala sa oras.

"Baliw ka ba? Manliligaw ba ako kay Max kung nagkabalikan na sila", natatawa kong saad.

Taking All The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon