Chapter 32

1.1K 78 114
                                    

AN: As much as possible gusto kong maging makatotohanan ang kwentong ito gaya ng mga totoong karanasan nina Jane at Janella but I have to finish this story na so I'm gonna add my own flavor na lang. But still hoping that in real life, they will end up together! <3

————

Florence's POV

Naiiling na lang ako sa labis na kakulitan ni Kim. Kanina pa siya yaya nang yaya sa akin na lumabas ngunit paulit-ulit kong tinatanggihan dahil wala talaga akong gana na lumabas.

"Sige na. Wala namang masyado na tao dun. Kahit sandali lang tayo, Florence", pagpupumilit nito.

"Kim, ayoko nga. Saka ipapahinga ko na lang sa bahay kaysa lumabas pa ako", nakasimangot kong turan.

"Anong gagawin mo sa bahay? Magmumukmok ka? Akala mo ba hindi ko napapansin na ilang araw ka ng malumbay", biglang seryosong saad nito.

"K-Kung ano ano ang napapansin mo. Basta hindi ako sasama", hindi makatingin kong tugon.

"Ako naman magdadrive. Sa Alabang lang naman", pangungumbinsi pa rin nito.

"Kulit mo, Kim. Ayoko nga", nahihirapan kong pagtanggi.

"Sige na, Florence? Please?", pakiusap nito.

Nagpakawala muna ako nang malalim na hininga bago muling tiningnan ang babaeng nasa harapan ko. Mukhang hindi niya ako pakikinggan.

"Sige na nga. Basta uuwi rin tayo agad", pagsusuko kong sagot.

"Ayun! Promise mag-eenjoy ka dun", masayang saad nito at bigla akong niyakap.

Alanganin na lang ako napangiti at hinayaan si Kim na yakapin ako.

"Tama na! Nasasakal na ako", saad ko ngunit imbes na bumitaw ay lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Kung nakamamatay lang ang tingin, panigurado patay na tayong dalawa. Hahaha", biglang bulong ni Kim.

"Ha?", takang tanong ko.

"Wala. Sabi ko pagkatapos ng taping natin, alis na agad tayo para di tayo abutan ng traffic", wika nito.

"Okay", tanging sambit ko.

Nang bumitaw si Kim ay may napansin akong pigura na nakatayo at tila nakatingin sa amin.
Ngunit nang lingunin ko ay wala na akong nakita.

Pagkatapos ng taping ay agad na akong pinuntahan ni Kim. Nagtataka man sina Torie ngunit hindi sila nagsalita.

Papunta na kami ni Kim ng parking lot nang makita ko si Max kasama si Mark. Mukha atang sinundo siya.

Tatalikod na sana ako nang makita ko siyang tumingin sa aking direksyon kaya naman kumaway na lamang ako sa kaniya at nginitian siya. Kita ko ang pagkunot-noo nito kahit medyo malayo.

"Gusto mo bang pagselosin natin?", rinig kong saad ni Kim kaya naman napalingon ako sa kaniya na katabi ko.

Ngunit halos manlaki ang aking mga mata dahil isang galaw ko na lamang ay maglalapat na ang aming mga labi sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Agad akong lumayo kay Kim at hinampas siya sa balikat.

"Ano bang pinagsasabi mo!? Saka wag ka ngang lumapit", inis kong turan.

"Sayang! Hindi mo nakita ang reaksyon", natatawang saad nito.

"Ha?", maang kong tanong.

Ano bang ibig niyang sabihin?

Sino ba ang tinutukoy niya?

Hindi naman siguro si Max diba? Dahil wait. May alam ba siya?

"Hatdog", saad nito dahilan para mawala ang agam-agam ko at hampasin siyang muli sa balikat. Tawa naman nang tawa si Kim.

Taking All The RiskWhere stories live. Discover now