Chapter 2 : Hunter

2 0 0
                                    

Gwapo ang lalaki, e ano naman! May pangarap siya sa buhay, iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral, maghanap ng mabubuting kaibigan. Hindi manghunting ng poging lalaki kagaya ng kaniyang kaibigan.

Joanna Paola a.k.a JP

☆☆☆

MATAPOS ipakilala ni JP ang sarili sa harapan ng kaniyang guro at mga kaklase'y agad na siyang humakbang pabalik sa inukupang upuan. Nilingon niya ang katabing si Johayra saka kinindatan, na agad namang tinugunan ng babae at mahinang tumawa. Kung bakit sila magkakilala'ymalamang magkaklase na sila ni Johayra noon sa Grade-6, kaya ang babae ang napili niyang katabi— este, si Johayra nga pala ang naunang nakarating sa klasroom nila, naitabi na nito ang katabing upuan bago pa man siya dumating.

Sa katinayan tatlo ang naging  kaklase niya ngayon na naging kaklase niya na rin noon sa elementarya, iyon ay sina Johayra, Michelle at Shiela, pero mas malapit siya kay Johayra kaysa sa dalawa. Siguro dahil magkapareho ang takbo ng utak nilang dalawa at magkasundo sila sa lahat ng trip nila sa buhay. Hindi niya kasi masakyan ang trip nina Michelle at Shiela na animo'y mga dalaga na kung umasta.

"JP, mamaya sa recess punta tayo sa cafeteria ng school, mang-hunting tayo ng pogi," kinikilig-kilig pa nitong sambit.

Agad na napaangat ang kilay ni JP sa sinabi ng kaibigan. Ito ang ugaling ayaw niya pero kahit papaano'y tanggap niya sa kaibigang si Johayra, medyo hunter kasi ito ng mga pogi, pakiramdam niya'y nag-aaral lamang ito para sa ganoong bagay, hindi para matuto sa klase.

"Ewan ko sa'yo. First day na first day, landi na agd iyang nasa isip mo," aniya saka inirapan ang kaibigan.

Isang malakas na tawa ang itinugon ni Johayra sabay palo sa kaniyang balikat.

"Ito naman... 'di ka na talaga mabiro," natatawa-tawang wika ng babae. "Pero seryoso, punta tayo doon mamaya, ililibre naman kita, kaya dali na," pamimilit pa nito.

Nang marinig ang salitang libre ay agad na nagningning ang mga mata ni JP... nilingon niya ang kaibigan saka sumenyas ng thumbs-up. Mabilis naman siyanb kausap, hala sige mang-hunting ito nang mang-hunting, basta siya busog ang bulate sa pagkain.

Gaya nang inaasahan ay wala pa namang pormal na klaseng nagaganap. Ipinakikilala pa lang ng kanilang mga adviser ang lahat ng magiging subject-teacher nila at syempre, nakikiramdaman at nagkakapaan pa ang lahat sa kaniya-kaniyang ugali ng isa't-isa. Basta sa ngayon, si Johayra pa lang ang nag-iisa niyang kaibigan, sino-sino kaya ang may potensyal na maging kaibigan niya sa susunod na mga araw. 

Nilinga niya ang labas ng klasroom, maraming estudyante ang masyadong abala sa paghahanap ng kani-kanilang section, may mga parents din na masyadong abala sa pag-aasikaso sa kani-kanilang mga anak, mga teachers na aligaga sa unang araw ng klase at mga estudyanteng papitiks-pitiks lang sa labas ng klase. Iba't-ibang itsura, iba't-ibang ginagawa.

"Hi, pwede bang makiraan?" anang boses ng isang lalaki.

Nakaharang na ba ako sa daan at naging istorbo sa dadaanan niya? Kausap ni JP sa kaniyang sarili.

Sa pagkakatanda niya'y nasa tamang linya pa naman ang kaniyang upuan, at higit sa lahat nasa mismong tamang kinauupuan pa naman siya. Umangat ang kaniyang mukha upang tingnan ang poncho-pilatong nakikiraan na animo'y kaniyang naiistorbo ang dinaraanan nito.

"Maliit na lang kasi ang space, miss, kaya pwede bang makiraan?" muling wika ng lalaki.

Ang salitang nais niyang ibato rito kanina'y nanatili na lamang sa kaniyang lalamunan. Totoo ba ang nangyayari ngayon? Wala naman siguro sila sa isang palabas 'di ba? Hindi naman siguro siya nananaginip, malabo naman kasing nakatulog siya kaagad. Saang langit ba nanggaling ang lalaki at mukha itong anghel na naligaw sa lupa?

Past and Gone (On-Going) Where stories live. Discover now