Chapter 21

31 3 0
                                    

The birthday party will happen at seven o'clock in the evening and it's already five fifty now in the afternoon. Gusto sanang mag hired ni grandma ng make up artist ko pero sinabi kong huwag na dahil dagdag gastos lang at si Shantal nalang ang magmi-make up sa akin.

I was just looking at the big mirror while Shantal is busy putting make up on my face. She's really good into make-ups. Busy siya sa boutique at pag-aasikaso sa dalawang kapatid niya pero pinaglaanan pa din niya ako ng oras kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

"Nginingiti ngiti mo diyan?" tanong niya na halatang nag-aalala pa din.

Kanina pa niya sinasabi sa akin na huwag nalang akong pumunta at kong pwede ay sumama nalang siya kaso busy siya.

"Shan, kaya ko nga." sabi ko pero inirapan lang niya ako habang patuloy pa din sa paglalagay ng make up sa mukha ko.

"Pag ikaw umuwing luhaan, ewan ko nalang." sabi niya at umiling iling pa kaya natawa ako ng bahagya para hindi niya mahalata na kinakabahan din ako.

"Hindi ako tulad mo na iyakin." sabi ko pero inirapan lang niya ako ulit.

Matapos niya akong make-upan ay tuluyan na akong nagbihis at sinuot ang dress na susuotin ko para sa party. Tinulungan naman niya ako at pinatayo sa tapat ng salamin at inayos ang mahaba kong buhok. She then made me wear a necklace with a heart pendant on it partnered with heart shaped earrings. Matapos lahat ng pag-aayos ay tuluyan na akong hinatid ni Shantal sa gate ng bahay namin. I saw Jaxson now who is waiting for me. When he see me, he smiled. He was wearing a tuxedo that was look good on him.

"You look so beautiful and stunning." puri niya sa akin kaya nginitian ko siya.

"Okay lang ba ang suot ko?" tanong ko at tinignan saglit ang dress na suot ko, nag-thumbs up naman siya.

"It looks so good on you." sabi niya at sinuklian ko ulit siya ng ngiti.

Lumingon naman ako kay Shantal na ngayon ay nasa likuran ko, she still look worried. I hugged her and she immediately hugged me back.

"Thank you, Shan." pasalamat ko sa kanya para sa pag-aayos sa akin sa gabing ito.

"You're always welcome, beshywap." sabi niya at ng kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya ay hinawakan naman niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya.

"Mag-enjoy ka beshywap. Kapag kailangan mo ako ay tumawag ka lang ha, palagi akong available para sayo." sabi niya at tumango naman ako at niyakap ulit siya bago ako tuluyang inalalayan ni Jaxson pasakay sa shotgun seat dahil nakasuot ako ng heels.

Ng tuluyan na akong nakapasok ay may sinabi pa si Shantal kay Jaxson na huwag daw akong pababayaan doon sa party at tumango naman si Jaxson bago tuluyang umikot papunta sa driver's seat. Ng tuluyan ng umandar ang kotse ay napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa daan. I needed to get myself ready for the visitors or guests dahil sigurado akong may mga gustong kumausap sa akin doon.

The venue is just in their mansion. Ng tuluyan na kaming makarating sa mansion nila ay kita ko kaagad ang iba't ibang mga mamahaling kotse na naka parking sa labas. Parang may parade ng mga sasakyan dahil sa sobrang dami. Jaxson immediately went out of the car and open the car's door for me. Hindi pa din ako maka get over sa sobrang daming sasakyan. Mabuti nalang at private ang lupa na ito na pag-aari lang nila Jaxson at malayo sa mga kabahayan kaya walang mga masyadong kotse na dumadaan dahil kong nagkataon ay sobrang traffic talaga.

Sa tuwing nakikita ko kong gaano kalaki ang mansyon nila ay hindi ko maiwasang paulit ulit talaga na mamangha. Their home is shouting abundance. Ng makapasok kami sa loob ng mansyon matapos kaming pinagbuksan ng dalawang guard ng malaking gate ay nakakapit lang ako sa braso ni Jaxson. Parang gusto ko nalang na lumabas ulit ng makapasok kami sa malaking pinto ng mansyon dahil kitang kita ko ang mga taong base sa mga itsura at mga suot nila ay mga mayayaman din.

He's Iglesia I'm Catholic (Bestfriend Series #2)Where stories live. Discover now