Kabanata 2

169 130 10
                                    


"First day, worst day"

Pinatay ko naman ang alarm clock ko umupo ako sa kama ko habang nakapikit pa din ang mga mata ko halos isang linggo na nakakalipas simula ng tumira ako sa bahay na'to. Kinusot kusot ko ang mata ko sabay dilat. Halos masilaw ako sa liwanag ng araw na galing sa bintana.

Pagkatapos kung maligo ay agad akong bumaba galing sa kwarto nakita si manang na naghahanda ng pagkain. "Si lola po?" tanong ko.

"Namalengke lang iha," tumango naman ako agad kong inubos ang pagkain ko.

Walang pang ilang minuto ay nakarating agad ako sa university nasa harapan na ako ng gate ngayon masasabi ko lang na napakalaki nito kumpara sa dati kong pinapasukan gustuhin ko mang pumasok na agad sa loob ay hindi pa pwede dahil aantayin ko daw muna si Tristan sa tapat ng gate.

Habang inaantay ko siya ay pinapanood ko naman ang mga estudyante habang tahimik lang akong nag-aantay kay Tristan ay may isang kotseng itim na nakapukaw ng atensyon ko napaka bilis nitong magpatakbo may lalake namang bumaba mula sa loob lahat ng estudyante ay napatingin sa kanya.

Napailing nalang ako, hindi ko nalang sila pinansin. lumipas ang ilang minuto ay wala pa din si Tristan masakit na din ang mga paa ko sa pagtayo tinignan ko ang relo ko masasabi ko na 30 minutes nalang ay magsisimula na ang klase inagahan ko talaga ang pagpunta dito dahil sabi ni Tristan ay agahan ko daw pero siya naman itong wala pa din.

Ito na naman tayo sa Filipino time...

Sa pagka inip ko ay pumasok nalang ako sa gate ng school pinapasok na ako ng guard kahit wala pa akong ID at uniform siguro naman alam niyang transfer lang ako dahil sa kanya ako nagtanong no'ng nag-e-enroll ako.

Lahat ng estudyanteng dumadaan ay napapatingin sa akin ang iba naman ay sinusundan ako ng tingin napayuko nalang ako habang naglalakad.

Siguro ay nagtataka sila dahil parang ngayon lang nila ako nakita dito. O baka naman gets na nila na transfer ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad para hanapin ng principal's office para kunin ang uniform ko.

"Sino naman kaya 'yang babaeng naglalakad? hindi siya nakasuot ng uniform siguro transferee lang sya dito."

"Kung transferee siya ako na nagsasabi sa kanya good luck nalang."

Napahinto ako sa paglalakad ko sabay lingon sa babae umiwas naman ito ng tingin. Nagkibit balikat ako at nag patuloy sa paglalakad.

I suddenly bumped into someone na nakapagpahinto sa'kin nakatingin lang ako sa paa niyang nasa harapan ko at masasabi ko lang na lalake siya.

Nag angat tingin naman ako sa kanya. I gulped, may katangkaran siya at may magandang pangangatawan, I admit he's cute and handsome at the same time. He looks at me Innocently ngumiti siya sakin napapalibutan kami ng mga estudyante lahat sila ay pinag-uusapan kami para tuloy akong nasa k-drama.

Lahat sila ay nagtutulakan para maka-singit at makita ang kaganapan akala mo kung sinong Kpop idol ang dumating para magkaganyan silang lahat, pakiramdam ko sikat siya rito.

Well, hindi na dapat ako magtaka gwapo siya kaya sikat siya. Daig niya pa si Jungkook eh!

I awkwardly smiled at him "I'm sorry—"

He cute me off, "It's ok," seryoso niyang saad.

"P-pasensya n-na talaga hindi ko sinasadya na mabunggo kita hinahanap ko lang kasi 'yong principal's office."Napakagat ako ng labi ko sa sobrang kabang nararamdaman ko.

Narinig ko naman ang bulong-bulungan sa paligid siguro ay sikat 'tong lalaking 'to?

"Swerte naman no'ng girl napansin agad siya ng bebe ko kahit na baguhan siya."

(Time series #1) Past and Future Where stories live. Discover now