Kabanata 13

61 38 0
                                    

"Long time no see"

Nagising naman ako dahil sa may kung anong dumadampi sa mata ko dahan dahan kong iminulat ang mata ko nakita ko ang buntot ni Snow na nasa mukha ko.

Kaya pala.

"Good morning Snow." antok na bati ko sa pusa ko. Bumangon naman ako hindi na gaanong masama ang pakiramdam ko kumpara kahapon kaya kayang kaya ko nang gumala. Dahil wala namang pasok ngayon napag-isipan kong gumala muna para naman makapag relax relax kahit sa totoo lang tinatamad akong gumala pero need ko kasi ng stress revealer. Dahil kapag natapos ang weekend tapos na rin ang maliligayang araw ko minsan nga napapaisip paano ko ba iiwasan 'yong lima? kahit anong iwas ko wala nagtatagpo pa din ang landas namin.

Pinaglalaruan yata kami ng oras. May parti sa 'kin na sinisisi ko ang sarili ko dahil bakit ko pa ba sinampal si Travis? nakita ko naman sa pangitain ko ang mangyayari pero bakit ko pa ginawa? Parusa ko talaga siguro 'to gusto ko lang naman kasing ipagtanggol si Eunice. Ang kaso, ginusto din naman pala iyon ni Eunice.

Pati tuloy ako naguguluhan sa dalawang 'yon. Si Eunice panay ang habol si Travis ayaw na sa kanya sakit sa ulo ako tuloy ang problemado kahit labas naman ako sa issue nilang dalawa.

Gano'n ba talaga ang pag-ibig? kapag mahal mo talaga 'yong tao maghahabol ka para lang 'wag ka niyang iwan? Wala naman kasi akong alam when it comes to love dahil hindi pa naman ako nagmahal.

Wala pa nga akong first love, eh.

Kaya wala akong alam sa ganyan, bumangon ako sa kama ko para maligo at magligpit na. Pagkatapos no'n ay bumaba ako para mag-almusal. "Nga pala..." napahinto ako sa pagsubo dahil kay mama.

"Ang papa mo mukhang matatagalan pang makauwi." malungkot na sabi ni mama kaya pati ako ay nalungkot na rin.

Kailan pa siya uuwi? buong akala ko makukumpleto na kami kaso mukhang matagal tagal pa madami akong gustong isumbong kay papa kasi alam kong hindi niya hahayaang may manakit sa 'kin. Kumain nalang kami ng sabay sabay pagkatapos no'n ay napagdesisyunan ko na umalis na ng bahay balak ko kasing maglakad lakad sa buong subdivision para makapag exercise ilang weeks narin kasi akong stress sa mga kaganapan ko sa buhay. Nagpaalam din ako kay mama na maglalakad lakad lang ako pumayag naman siya dala dala ko rin si Snow buhat buhat ko ang pusa ko kasi baka mawala nalang siya.

Sayang kaya yo'ng buwis buhay kong pagliligtas sa pusang 'to kung mawawala lang basta basta. Tirik na rin ang araw kaya ginaganahan akong maglakad may mga iilang tao na rin sa labas ng bahay.

"Ang ganda ng langit 'no?" tanong ko sa pusa ko. "Tapos ang tahimik rin ng paligid." dagdag ko pa alam ko namang hindi siya sasagot sa mga tinatanong ko kasi hindi naman kami magkakaintindihan dahil pusa siya tao ako.

"Nandito ka pala." halos mapatalon ako sa gulat muntikan ko na ring mabitawan si Snow inis naman akong lumingon sa likuran ko para alamin kung sino ba 'yong nagsalita. "Sorry nagulat ba kita?" tanong niya tamad akong tumingin sa kanya. "Ay hindi, hindi ako nagulat oo...nahulaan ko nga na dadating ka tapos magsasalita ka sa likuran ko." may inis na sabi ko natawa naman siya.

"Ang ganda ganda ng panahon tapos bad mood ka. Weekend naman ngayon ah? bakit bad mood ka?" takang tanong niya ibinaba ko si Snow. "Joke lang! hindi ako galit binibiro lang kita ginulat mo kasi ako." ngumiti ako ng malapad. "Ano nga palang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. "Dumaan ako sa bahay niyo sabi ng lola mo umalis ka raw balak mo raw maglakad lakad sa buong subdivision." paliwanag niya kaya tumango tango ako.

"Oo, balak ko nga para naman makapag relax ako stress kasi ako this past few days. Ikaw kaya araw araw may nang-iinis sa'yo." napanguso ako. Bigla naman siyang napangiti ng malapad na mukhang may naisip siya na kung ano.

(Time series #1) Past and Future Where stories live. Discover now