KABANATA 10

1.4K 39 2
                                    

KABANATA 10: Plans

NALA

Unti-unti kong binuksan ang mata ko dahil may narinig akong nabasag na siyang gumising na natutulog kong diwa. Kasunod nito ang malutong ngunit mahinang mura na nagmumula sa pamilyar na tinig.

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga sa malambot at puting kama nang mapagtanto na nakatulog pala ako habang hinihintay si Hugo na makabalik galing sa five-star hotel na nagkakagulo pa rin bago kami umalis. Pagkaakyat namin sa rooftop ng five-star hotel kanina ay sumakay kaagad kami sa chopper at binaba kami sa helipad ng isang yate. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang ay nasa dagat kami ngayon.

Sa kadahilanang nakapatay ang ilaw kaya hindi ko malinaw na maaninag si Hugo pero base sa nakikita kong pigura ay nakaupo siya sa sofa na hindi kalayuan sa kama kung saan ako.

"Hugo?" tawag ko sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin sa direksiyon ko. Tila naging glow in the dark ang kakaibang kulay ng mata niya nang magtamang muli ang paningin naming dalawa sa dilim.

Tumayo ako. Maglalakad na sana ako papunta sa direksiyon niya ngunit nagsalita siya, "Stay put. Don't come near me," mariing utos niya pero hindi ako nakinig. May kakaiba sa boses niya, hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.

Naglakad ako papunta sa may switch ng ilaw at walang pag-aalinlangang pinindot 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang basag ang flower vase na nasa gitna ng lamesa kanina habang si Hugo naman ay maraming dugo ang nasa braso't pilit niyang pinipigilan ang pag-agos ng mga ito sa pamamagitan ng puting tela na nakaharang doon.

"Ano'ng nangyari?!" bulalas ko pero wala akong narinig na kahit na anong tugon mula sa kaniya.

Wala siyang suot na pang itaas pero wala akong pakialam doon.

"Fuck those bastards!" mura na naman niya habang malalim ang paghinga.

Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa niya dahil nasa kabilang bahagi niya ako pero ang nasisiguro ko lang ay may tinanggal siya sa balat niya.

"Ano ba'ng ginagawa mo, Hugo?! Pwede bang sabihin mo naman sa 'kin para alam ko ang gagawin ko!" nagpa-panic na sabi ko.

Isang malakas na mura ang kumawala mula sa bibig ni Hugo at kasunod nito ang pagbato niya ng kung anong bagay sa sahig. Tila naubusan ako ng dugo sa muka nang mapagtantong bala iyon na punong-puno ng sariwang dugo mula sa kaniya.

Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay punong-puno siya ng pawis sa noo maging sa dibdib niya. Mabibigat din ang paghingang kumakawala sa bibig niya na para bang guminhawa ang pakiramdam niya nang matanggal niya ang balang iyon na nakabaon sa braso niya. Nakapikit ang mata niya at umiigting din ang perpektong panga niya habang nakasandal ang likod sa sandalan ng couch.

Kusang humakbang ang paa ko papalapit sa kaniya. Pagkatapos ay umupo ako sa katabi niya. Nanginginig ang kamay na inalis ko ang kamay niyang may hawak na tela na nakaharang sa kaniyang sariwang sugat. Ang puting tela ay naging pula na dahil sa dugo niyang bumalot doon.

Nabaril ba siya dahil bihigay niya sa akin ang bulletproof jacket na suot niya kanina?

Napalunok ako. Kinuha ko ang bulak na nakalagay sa ibabaw ng lamesa at nilagyan iyon ng alcohol. Hindi ko na muna nilinisan ang mismong sugat niya dahil alam kong hindi pa siya nakakapag-adjust sa sakit.

Wala siyang ginamit na kahit na ano'ng anesthesia kaya sobrang hirap ma-imagine ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Seryoso akong tumayo at pumasok sa banyo para kumuha ng maligamgam na tubig at malinis na pamunas. Maaaring maimpeksiyon ang sugat niya kapag hindi ito nilinisan kaagad.

Craving Pleasure (Hunk Omega Society 1)Where stories live. Discover now