The Flashback

656 7 1
                                    

"Congratulations! I now pronounce you...Husband and Wife! You may now kiss your bride!" masayang sabi ni Mayor Robredo.

"Wooh!!! Congratulations!!!" -Sati

"Sa wakas kinasal din ang OTP ko!!!" -Carly

"Nice one, Kuya Beau!!!" -Deanna


Tinitigan ni Beau ang babaeng hindi nya kahit kailanman nakalimutan. Isa lang ang nagbago sa babaeng matagal nya nang minamahal...mas gumanda si Jhoana mula nung huli silang nagkita. Natatandaan nya pa iyon dahil highschool graduation nila yon at yun din ang araw na binusted sya ni Jhoana para makapagfocus sa career nya bilang isang college student-athlete. Naintindihan naman nya ang dahilan ng dalaga. Hindi sya kailanman nagalit o sumama ang loob sa babaeng minamahal nya. Hindi nya din naramdaman na pinaasa lang sya ni Jhoana. Dahil ramdam na ramdam nya kung gaano din sya kagusto ng dalaga.


Dahan-dahan nyang ipinikit ang mata habang unti-unting nilalapit ang mukha kay Jhoana. Sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman nyang muli ang labi ng dalaga. Hindi naman naging sila noon pero natatandaan nya kung paano nila naging first kiss ang isa't isa. Tulad din nung unang halik nila nung highschool pa lamang sila ay kinakabahan pa rin syang halikan sa labi ang dalaga.


Hindi nya maitatanggi na pare-parehas na silang lasing ng mga kasama dahil nakaisip na din sila maglaro ng kasal-kasalan na larong pambata. Tuwang tuwa sya dahil kahit dito man lang sa laro na ito ay naranasan nyang makasal sa babaeng matagal nya nang pinapangarap. Hindi nya maitatanggi na kahit na may mga nai-date syang mga babae ay hindi nya talaga nakalimutan ang first love nya.


Lasing na ang lahat at nagdesisyon na silang magsi-uwian. Ibinilin ni Sati at Carly ang kaibigan kay Beau dahil mas malapit ang condo nila sa isa't isa. Lasing na lasing na din sya kaya nagdesisyon syang magbook na lamang ng Grab para maging ligtas ang byahe nila. Nang makarating sila sa lobby ng condo ay halos magkayakap sila dahil naka-alalay lang si Beau kay Jhoana. Pinipilit nilang alalayan ang isa't isa kahit na pareho lang silang lasing.


Nang makarating sila sa sa tapat ng pinto ng unit ni Jhoana ay nagsalita si Jhoana kahit na lalasing-lasing na. Alam pa din naman nya ang kanyang ginagawa. Alam nyang kasama nya ngayon ang kapwa lasing na 'the one that got away' nya.


"Beau, dito ka na kaya matulog? Gabi na at lasing ka din naman." pinipilit nyang i-diretso ang salita nya kahit na dahan-dahan.


Hindi pa man nakakasagot si Beau ay nahatak na sya ni Jhoana papasok. Habang nila-lock ni Jho ang pintuan ay tumayo lang si Beau sa likod nya. Nagulat nalang si Jhoana nang pagharap nya ay sobrang lapit na ng binata sa kanya. Para syang nanigas sa kinatatayuan nya ng unti-unting humakbang si Beau papalapit sa kanya habang sila ay nagtititigan, mata sa mata.



"Jho..."

"Beau..."



Walang ano ano ay hinalikan ni Beau si Jhoana. Hindi naman nagpakita nang kahit na anong pagkontra si Jhoana. Imbis ay ipinulupot nya pa ang mga braso nya sa leeg ni Beau na mas nagpadikit pa sa kanila at sa katawan nila.



Palalim ng palalim ang halikan ng dalawa.

Can't Help Falling in LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt