The One Where They Think Of Names

541 7 1
                                    

- JAJA'S POV -



Nandito ako ngayon sa dining table at kumakain mag-isa. Kauuwi ko lang galing training sa Ateneo. From here, nakikita at naririnig ko yung Ate ko na nagbababy talk. Yuck!



"Daddy, gusto daw ni Mommy ng ice cream!" baby talk ni Ate kay Kuya.

"Okay po, baby. Sabihin mo sa Mommy mo, magpapadeliver agad si Daddy ng ice cream." baby talk din ni Kuya.



Ganyan ba pag may jowa? Nakaka-cringe naman. Parang ayaw ko na ng jowa. Nakikita ko naman silang naglalambingan noon pero hindi naman kasi naging sila kaya hindi ko sila nakitang magbaby talk dati. Ang lala pala nitong kapatid ko. Hahaha! Kung hindi lang to buntis, kanina pa to asar talo sa akin eh. Ayy! Alam ko na!



...................................





"I love you so much, Mommy!" habang kinikiss si Ate ng marami sa buong mukha.

"I love you so much din, Daddy!" at nagkiss sila sa lips.

"I love you, I love you, I love you!" sigaw ni Kuya habang niyayakap si Ate ng mahigpit.

"Mas love na love na love kita!" sagot din ni Ate.



- (GROUPCHAT) -

Me: Ayan! Kala nyo ha! Hindi lang ako ang dapat maumay. Dapat kayo din kahit wala kayo ngayon dito.

Carly: Aww! Sobrang sweet at cute nila. Nakakakilig gagi!

Sati: Kadiri talaga. Hindi pa din ako sanay dyan kay Jhoana na lumalandi. Dapat pala wag yan lumandi. Nakakacringe.

Deanna: They're cute. I'm so kilig talaga.

Me: Cute dahil hindi nyo araw-araw nakikita. Sayang nga hindi ko navideohan yung pagbaby talk ni Ate kanina para lang sa ice cream. Mas cringe yun. Yuck!

Carly: Ang swerte nila sa isa't isa no? Nakakakilig talaga!

Deanna: Hindi ko talaga inakala na magiging sila pa. I thought mamamatay na lang si Kuys kaka-overthink habang kinakanta yung El Bimbo.

Sati: HAHAHAHAHAHA El Bimbo amputa! Seryoso ka ba?

Deanna: Oo nga gagi! Seryoso. Parang yun yung naging go-to song nya after Ate Jho left.

Carly: Ang hopeless romantic naman pala ni Kuya B.

Me: Hindi mo kasi alam, Carly! Pero kasi kami ni Deanna witness sa kalandian nila nung highschool kayo.

Sati: HOY! Alam din naman namin na Mga Unggoy sila nung highschool ah?

Carly: Tangina ka talaga Sati! Anong Mga Unggoy?!

Sati: M.U. ang bobo mo naman!

Deanna: I have to go na. Tapusin ko lang meeting namin sa USANA then visit ako dyan.

Carly: Sige, visit din ako. Ingat!

Sati: Ako din, sali! Netflix tayo!

Me: Okay! Hindi ko sila sasabihan para surprise ha? Chat nyo ako pag nandito na kayo para makita nyo din naman landian nila. Wag kayong magdodoorbell!!!

Can't Help Falling in LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ