The One Where They Went Shopping

494 6 0
                                    

- THIRD PERSON'S POV -


Nasa mall sila kasama ang mga kaibigan nila. Wala naman talaga silang kahit anong agenda para sa araw na ito at nanood lang sila ng sine. Napaka-aga pa para umuwi at nagdecide na lang silang mag-ikot ikot at kumain na lang muna para malibang. Gutom na din kasi si buntis at gusto nya na daw ng BFF fries, burger, spaghetti, chicken at pineapple juice. Hindi naman nagreklamo ang mga kaibigan nya dahil sino ba naman ang pipigil sa paglilihi nya.



Naka-maxi dress lang si Jhoana dahil dito sya komportable. Hindi na din kasi sya nakakapagshorts dahil tatlong buwan na ang tiyan nya at medyo halata na rin. Hindi naman nila gustong itago sa mundo ang pagbubuntis at kasal nila pero mas gusto sana nila maging pribado tungkol sa bagay na ito. Hindi naman basta-basta ang mag-asawa dahil PBA star si Beau at PVL star naman si Jhoana. Panigurado ay maloloka ang mga makaka-alam lalo na at hindi naman talaga alam ng mundo ang kanilang nakaraan. Idagdag mo pa siguro na marami ding babae ang na-link kay Beau.



"Alam ko na gagawin natin!" -Carly


"Ano na naman yan, Carlota?" -Sati


"Ikot tayo sa department stores! Tingin tingin tayo ng mga gamit ni baby." -Carly


"Uy, masaya yan! G ako!" -Sati


"Okay din ako dyan. Yung mga gender neutral na gamit, pwede na tayong mamili." -Jho


"Game ako, sasama misis ko eh." -Beau


"I don't have a choice naman na no?" -Deanna



..................................



Nagkasundo-sundo nga silang magkakaibigan na mamili ng ibang mga gamit ni baby. Una nilang pinuntahan ay ang mga damit.



"Jho! Ito oh, maganda. Malambot yung fabric." -Sati


"Ay oo nga. Sige, kuha tayo nyan." -Jho


"Ito Ate Jho mga mittens para sa hands and feet ni baby." -Deanna


"Ito Ate Jho yung mga beanie." -Carly


"OMG, Love! Ayun overalls gusto ko! Tingnan natin!" -Jho


Naglakad sila papunta sa mga damit na itinuturo ni Jho. 


Tawang tawa naman sila Sati, Carly at Deanna sa ipinakitang matchy-matchy na family shirts ni Jho.


"SORRY! DI KO MAPIGIL SA KACORNYHAN NYO HAHAHAHAHAHA!" -Sati


"Mommy, Daddy & Baby amputa! Ang corny mo naman, Ate Jho! HAHAHA!" -Carly

Can't Help Falling in LoveWhere stories live. Discover now