Part 2: Sina Hakal at Surya

234 13 2
                                    

Part 2: Sina Hakal at Surya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Part 2: Sina Hakal at Surya

THIRD PERSON POV

"Kung ganoon ay maaaring mabago ang hinaharap?" tanong ni Surya.

"Oo at ang pagbabago ay gagawin ni Hakal dahil ayaw na niya itong maulit. Ang kanyang pagbangon muli ay tiyak na hindi niya sasayangin," ang sagot ni Enchong habang nakatingin sa pasilidad ng kuweba.

"Kailangan ko pang magsanay para mas maging malakas," ang wika ni Surya na binalot ng pag aalala.

Noong mga sandaling iyon ay binalot ng panandaliang kaba at pangamba ang lahat gayon pa man ay pilit nilang ikinalma ang kanilang mga sarili at lumabas sa kweba para lumanghap ng sariwang hangin. "Kailangan nating unawain na ang lahat ay nababago, maaaring may plano ang tadhana para sa ating lahat. Siguro ay hindi makakatulong sa atin ngayon ang labis na pag iisip, mas makabubuting magpahinga na muna tayo at lamanan ang ating mga kumakalam na sikmura," ang wika ni Rael sabay upo sa ilalim ng isang malaking puno.

At iyon ang set up, ang lahat ay kumilos para maghanda sa pagsabit ng gabi. Sina Enchong at Oven ay nagparingas ng apoy para mailuto ang mga karne at isda na binili kanina. Samantalang dala naman ni Tob ang isang capsule ng emergency kit mula sa future, ito ay kagamitan ni Rouen doon kaya naman tuwang tuwa ito noong ibigay ng kaibigan.

Limang maliliit na capsule ang kinuha ni Rouen, ang unang capsule ay naglalaman ng hygiene kit, tooth brush, toothpaste, shampoo at mga sabon. Isa isa binigyan ang lahat upang makapaglinis ng katawan.

Ang ikalawang capsule naman ay naglalaman ng mga tent na maaari nilang tulugan. Agad nila itong tinayo at nilagyan ng mga gamit na maaaring higaan sa loob lalo't malamig ang gabi.

Nakapaikot sila sa apoy habang kumakain. Dito ay hindi nila naiwasang tanungin si Surya kung paano ito nagkaroon ng kapangyarihan, at paano rin nagkaroon ng kapangyarihan si Hakal. Tinanong din ang binata kung ano ang kaugnayan niya sa hari. Ang lahat ng ito ay sinagot ng binata at sinimulan niya ang pag kukwento sa pagdating ng isang mahalagang bisita mula sa kalangitan.

Narito ang kwento ni Surya..

"Ang ebolusyon ng sinaunang tao ay hindi malinaw sa amin. Basta ang alam lang namin ay isinilang kami sa mundong ito at mayroon kaming mga magulang na luminang sa aming mga pagkatao. Ang sabi sa akin ng aking ama, ang tao daw ay nagmula sa malayong bituin na palipat lipat sa iba't ibang lugar hanggang sa dito nila naisipang manirahan. Pinaganda nila ang mundong ito at tiniyak na akma ito upang matirhan. Ngunit wala namang makapagsabi o makapag patunay kung totoo nga ba ito o baka gawa lang rin ng mga itinuturing naming ninuno. Ngunit karaniwan, ang kanilang mga salaysay ay totoo.

Simulan natin ang kwento sa magkaibigan Mera at Vena. Ang dalawang ito ang pinakamagandang babae sa buong tribu. Halos lahat ng kalalakihan ay nililigawan silang dalawa. Parang magkapatid kung magturingan ang dalawang dilag at lahat ng bagay ay ibinabahagi nila sa isa't isa.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCWhere stories live. Discover now