Part 4: Laola Empire

219 14 4
                                    

WANTED: Kung sino man po ang nakakakilala sa username na ito, siya po hinahanap na ng NBI dahil sa sumusunod na case, CYBERBULLYING, HARASSMENT, PAGBNANAKAW NG AKDA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WANTED: Kung sino man po ang nakakakilala sa username na ito, siya po hinahanap na ng NBI dahil sa sumusunod na case, CYBERBULLYING, HARASSMENT, PAGBNANAKAW NG AKDA.  Alam namin na gagawa ito ulit new account kaya pinayuhan ako na EVERY COMMENT at account na gagamitin niya iprint screen para mas maraming ebidensiya mas mabigat ang case na kakaharapin niya. Nanawagan din po ako sa lahat ng BXB writer na binully at hinarass ng isang ito.

Remember: Hindi siya ang unang nakasuhan ko, yung mga admin ng page na nagnakaw ng gawa ko last 2019 ay nahuli namin at napagmulta namin. Paano ba ang process ng panghuhuli? Once na malaman ang pangalan ng taong ito ay idudulog agad namin sa barangay nila para magawan ng report at dito magsisimula ang case. Very easy!

*******

Part 4: Laola Empire

THIRD PERSON POV

Matapos ang trahedyang naganap kay Hakal na ikulong siya ni Surya sa Tangkask at Cardin ay nagkaroon siya ng pagkakataong makabangon muli at ipagpatuloy ang mga bagay na kanyang nasimulan. Muli siya bumalik sa nakaraan upang itayo ang kanyang sibilisasyon na doon lamang maaaring itayo at ibangon ang dapat ibangon. Ngunit sa pagkakataon ito ay mas matalino na si Hakal, alam na niya ang kakahantungan ng paghaharap nila ni Surya kaya't hindi na niya ito hahayaang maulit pa.

Noong bumalik si Hakal sa nakaraang panahon ay nagbalik rin siya sa estado ng paligid na kung saan buhay ang lahat pati na rin si Surya ngunit sa panahon ito ay mahina pa ang kanyang katunggali kaya't ang kailangan na lamang niya ay ibahin ang kanyang kapalaran.

"Maganda ang iyong emperyo panginoong Hakal," ang papuri ni Victor

"Salamat Victor, darating ang araw at ang mundo ay mapapasa atin," ang wika ni Hakal habang nakatanaw sa kalayuan ng kanyang nasasakupan.

"Ngunit kung nagbalik sa normal ang lahat diba? Edi pati yung kalaban mo dito ay nagbalik rin? Baka maulit lang yung nangyari noon?" tanong ni Victor.

Natawa si Hakal, "sa mga panahong ito? Tiyak na mahina pa siya sa daga, huwag kang mag alala dahil ipapa-patay ko na siya agad upang walang hadlang," ang tugon ni Hakal humarap siya kay Victor ay hinimas ang gwapong mukha nito.

Lumuhod si Victor sa kanya at hinalik halikan ang kanyang kamay. "Victor, isa sa magiging heneral ko."

"Isa ako sa heneral mo? Ang ibig sabihin ay marami kami?" tanong nito na may halong pagseselos.

"Oo, isa ka doon ngunit ikaw naman ang nasa aking tabi kaya't huwag kang mag alala," sagot ni Hakal.

"Saan mo naman nakilala ang mga heneral na iyan? Lahat ba sila ay malalakas panginoon?" tanong ni Victor. Tumayo ito at nilagyan ng magarbong robe ang matipuno at magandang katawan ni Hakal.

"Sila ang mga mandirigma na nakatira sa bawat sulok ng mundo. Hindi lamang ako ang biniyayaan ng talento. Pati sila ay biniyayaan rin ng kani-kanilang mga ninuno mula sa mga bituin. Tinitiyak kong lahat sila ay mayroong nag-uumapaw na kakayahan," ang sagot ni Hakal.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 5: LAOLA EMPIRE ARCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon