Chapter 1: Trigger

21 1 0
                                    

Katsuji

Isang nakabibinging busina at sagitsit ng gulong ang aking narinig. Nang mapalingon ako sa gawing kaliwang bahagi kung saan ito nanggaling, nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ang nakasisilaw na ilaw mula sa isang malaking truck na mabilis na paparating sa amin. Ang sumunod nito ay ang nakangingilong pagbunggo ng mga metal kasabay ang matinis na sigaw at saka malakas na pagkaalog ng aming sinasakyan.

Hinihingal akong napabalikwas sa aking kama. Paulit-ulit na lang ang panaginip na iyon. Iyon nga lang ay hindi iyon nangyari sa panaginip lang. It was not simply a f*cking nightmare! Alaala iyon mula sa aking karanasan mismo dalawang taon na ang nakalilipas.

Kuso! (F*ck!) Napamura ako sa isip. I hate this feeling. I hate being this helpless⸺so much that it's killing me!

Wala man lang akong nagawa noon at hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko.

It was my fault. She's gone.

Napalunok ako ng laway at napahigit ng hangin.

Sagitsit ng gulong at busina lang ng isang kotse habang nag-jo-jog ako sa kahangga. Ilang linggo na ang nakalipas at ito ang siyang nag-trigger nito ngayon sa masamang panaginip ko, hanggang ngayon. Ito ang napagtanto ko.

Mga isang buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ang trigger na iyon at ngayon ay para akong kinukundena na naman. Bumalik na naman ang pasaning ito na mahirap harapin.

I am now thirty-three. What really happened seemed a lifetime ago, though. Still, I am not okay. I thought I was. Sa isip ko lang pala iyon. I was and am painfully mistaken. May trigger pa rin na siyang nagpapaalala sa akin sa masakit na nangyari noon.

Pinahid ko ang noong pawis na pawis gamit ang likod-kamay ko. Bumangon ako sa kama upang magtungo sa banyo at maghilamos. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin.

Chikushō! (Oh, sh*t!) mura ko na naman sa sariling wika na Hapon.

Kita ko ang sarili na maputla ang mukha. I didn't look well at this point. I was clearly edgy, bothered, and pained. All of it was intense, with my disturbing thoughts and feelings.

Napakiskis ako ng bagang at napapikit nang saglit ng mga mata. Tumalikod na ako sa salamin upang abutin ang face towel sa kanang bahagi na holder. Dinampian ko ang basang mukha para matuyo.

Gusto ko sanang burahin ang alaalang iyon⸺for good⸺kung puwede lang. Pero alam kong hindi. Hindi iyon maaari. Deep inside me, I didn't want to. My conscience would not let me. I felt it was all my fault.

Yes. I guess it was.

Isa pa, hindi ko rin alam kung paano at kung posible nga bang mawala iyon sa alaala ko sa hinaharap. Ayaw ko naman sa mga doktor.

Nang minsan kasi akong nagpakonsulta ay hindi ko gusto ang timpla ng psychologist na iyon. Hindi na nga ako bumalik kahit kailan at nalunod na lang ako sa kalungkutan at kadiliman nang mahigit isang taon. It then stopped for some weeks... more than a couple months maybe. But then... here I was, back to square one.

The fear, anger, grief, and sadness always visited me, especially in my every waking hour. It was like a loan shark that just would not let me be until I paid my debts.

And hell! Maybe I had not paid all my dues, until now.

The negativities even lingered in me like a parasite that I could not simply shake off. It was eating me inside for a long time that it was distressing and depressing. Sometimes, I even thought it may have been better if I were dead, too. Not only her...

A Way To His Heart - Nobelista ExclusiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon