Chapter 3: Stunned

7 0 0
                                    

Reese

"So, kumusta sa klinika mo?" kaswal na tanong ng pinsan kong si Ava.

Nag-sho-shopping kami sa isang boutique later that day. Sinamahan ko siyang mamili ng ilang damit. At ngayong nandito na rin lang ako ay pumipili na rin ako ng para sa 'kin. Maraming magaganda sa racks at pati na sa isinuot sa mga mannequins.

"Same old, same old," kibit na tugon kong umismid nang bahagya.

Nakapako ang mga mata ko sa isang sundress na sinisiyasat ang pagkakatahi at pattern ng ginagamit na tela. Medyo maselan kasi ako pagdating sa mga detalye ng mga bagay-bagay.

Well... siguro nga ay simula ito noong may nangyari sa 'kin sa Japan. Na ayaw ko namang isipin ngayon. Ewan ko ba at hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang lahat ng nangyari noon sa Japan. At lalo na ang isang lalaking taga-roon, in particular.

Double hashtag bitter na naman. Masaklap kasi talaga... dagdagan pang nakakahiya.

Sobra.

"You mean, may mga mental patients ka pa rin?" Sumulyap sa akin ang pinsan ko.

Napatingin ako sa kanya. "Hoy, hindi nakakatuwa 'yan. Alam mo ba?"

Inikot niya ang mga mata. "Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ito ang gusto mong profession. Isn't it difficult to handle that kind of people?"

"You know, that's a good question. Eh, kasi naman parang na-neglect ng mga tao rito sa Pilipinas kung gaano kaimportante ang mental health. Iyon ang observation ko, ha? Dapat na hindi 'yan ikinakahiya o itinatago. Pareho lang 'yan sa ibang mga sakit. It shouldn't be thought as or treated like a taboo na parang ayaw pag-usapan o kaya harapin.

"Hindi mo ba alam na sa bawat dalawang ni-rape na mga babae ay ang isa ay nagkakaroon ng PTSD? O kaya naman isa sa bawat tatlong teenagers na nag-survive sa aksidente ay naapektuhan niyon? People shouldn't take mental health for granted."

"Oo na. Sorry na. So, you really love your job, huh?" anang pinsan kong kumuha ng isang sexy dress na naka-hanger sa rack.

I knew anything would look good on her. It was a given. Magkaedad lang kami at maganda ang pinsan ko sa ina kahit saang anggulong tingnan. Medyo nakaka-insecure nga. Pang-model ang height niya at sexy siya samantalang ako ay sakto lang naman ang height at simple lang kung manamit pero aminado kong sexy rin paminsan-minsan. Pero hindi ako masyadong nagme-makeup, hindi katulad ni Ava.

"Of course, I do. Katulad na lang ng pagmamahal mo sa showbiz. Hindi ba?" pakli ko naman sa kanya.

Lumabi ang pinsan kong endorser at actress. "May point ka diyan. I love people's attention. Gaya na lang ngayon." Ibinulong pa niya ang huling dalawang pangungusap at ngumisi sa 'kin.

Napatingin tuloy ako sa paligid. Hindi nga lang makalapit ang mga fans niya dahil sa security details niya. Kahit ayaw ko ng atensyon ay wala akong magawa kung nais kong makipag-bonding sa pinsan ko na best friend ko rin. Tanggap ko na ito, matagal na. Gayunpaman ay hindi pa rin ako masyadong sanay sa ganito. Mas mahal ko kasi ang pagiging pribadong tao ko.

Kinunan kami ng larawan ng ilang tao pero mas naka-focus sila sa pinsan ko siyempre. Napangiti na lang ako sa pinsan ko, masaya para sa kanya. Kumaway siya na parang pang-Miss Universe ang dating.

Napabuga na lang ako ng hangin.

There she goes again.

"Hindi ka ba naii-stress? Nakakatulog ka pa ba nang maayos kapag naiisip mo ang mga nakakatakot o kaya nakaka-disturb na karanasan ng mga pasyente mo, tapos parang nakasalalay sa 'yo ang buhay nila? Like, whether they'll be happy or not after seeing you? Hindi ba mabigat iyon para sa 'yo?" sunud-sunod na tanong na naman ni Ava.

A Way To His Heart - Nobelista ExclusiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon