Chapter 67

10 1 1
                                    


MARIELLE


Isang oras kaming pumili at umikot sa mall kumain na din kami at nakabili na din ako ng ibibigay ko kay ali ang daming binili ko at hindi puwedeng wala akong ibibigay kay zain.

"Tara na, uwi na tayo zain" sabi ko

Tumango siya at lumabas na kami ng mall marami siyang dalang paper bag siya yung humawak lahat ng paper bag at ako wala dala kahit isa.

"Nakita mo ba si francis? Nandito pa ba siya?" tanong ko

"Nasa loob pa siya ng mall nasa bandang exit" sagot niya

Habang naglalakad kami.

Tsk.

Nandito pa siya hanggang ngayon? Patuloy niya kaming sinusundan?

"Siguraduhin mo zain, na hindi niya tayo masusundan" sabi ko sa kanya

"I know, queen" sabi niya

Pumasok na ako ng kotse niya at nilagay niya ang mga dala niyang paper bag sa likod ng kotse niya at pumasok na sa driver seat at mabilis na mabilis niyang pinaalis ang sasakyan.

"Sinusundan niya pa ba tayo?" tanong ko

"Hindi ko siya nakita hindi ko din nakita ang sasakyan niya sigurado akong hindi na siya nakasunod pa sa atin queen" sabi niya

Mabuti kung ganun hindi ko maintindihan si francis kung anong pumasok sa utak niya at sinundan niya ako.

Tsk.

Gabi na, 7:00 pm kami lumabas ng mall at inaantok na ako sumandal ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata.

"Matulog kana muna queen, gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo" sabi ni zain

Kaya ginawa ko ang sinabi niya natulog ako.

May naramdaman akong may tumatapik sa akin kaya napamulat ako ng mata nakita ko si zain nasa labas na siya nakabukas ang pintuan ko naramdaman kong merong jacket na nakabalot sa katawan ko.

Sigurado akong kay zain to naka-dress pala ako at malamig na dahil gabi na. Inayos ko na ang sarili ko at tiningnan sa cellphone ko yung oras.

9:00 pm na isang oras pala akong tulog lumabas na ako at nakita ko nasa kamay na pala ni zain ang lahat kong pinamili kinuha ko sa kanya lahat at nilagay ko muna sa baba at isa na lang ang natirang paper bag sa kamay ko.

Atsaka binigay sa kanya nagulat naman siya hindi niya tinanggap.

"Zain, kunin mo na nangangawit na ang kamay ko" sabi ko

At kinuha niya naman ngumiti ako.

"Para sayo yan zain. Masaya akong nakasama kita ngayong araw. Sige, mauna na ako mag-ingat ka. Goodnight" sabi ko

Atsaka kinuha ang mga pinamili ko sa baba at tumalikod lumakad na ako papasok sa mansion. Nandito na ako sa labas ng pintuan ng mansion at lumingon ako kay zain binuksan niya na ang paper bag.

Ngumiti lang ako at tuluyan ng pumasok na sa loob.

Isang silver watch ang binigay ko sa kanya bagay na bagay yun sa kanya.

Nakita ko sila nasa living room.

"Queen, nandito kana pala. Ginabi kayo yata?" tanong ni ehya

"Ang dami mo yatang dala baby girl?" tanong ni cel

Umupo ako sa sofa at nilagay sa mesa ang mga paper bag.

"Kaya nga, I don't know why para sa inyo yan" sabi ko

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Where stories live. Discover now