Chapter 48

123 8 0
                                    

MARIELLE


Wala kaming pasok ngayong araw may biglaang meeting ang teacher's. Kahapon masama pa rin ang tingin ni jayden kay joshua.

Napagdesisyonan ko na pumunta ng mall ko sa Montello Mall's at nag-ikot ikot na ako lang mag-isa sasama pa sana ang dalawa hindi ako pumayag dahil gusto ko ako lang mag-isa nandito na ako ngayon bumili lang ako ng notebook pero hindi ko binayaran dahil sa amin tong mall.

At lumabas nagugutom na ako papunta ako ngayon sa restaurant namin dito pumasok na ako sa loob. Alam na nila ang gusto kong kainin hindi ko na kailangan pang sabihin pa at nagsimula ng kumain ang sarap talaga sa feeling na ikaw lang mag-isa walang gumugulo na kahit sino at walang maingay.

Tapos na akong kumain at lumabas ikot lang ng ikot ang ginagawa ng biglang may narinig akong umiiyak na bata nilingon ko kung saan nanggaling ang iyak at nakita ko ang isang batang babae na umiiyak kaya nilapitan ko siya.

"Hey, bakit ka umiiyak?" tanong ko

I think she's 5 years old. Tumigil naman siya sa pag-iyak at tumingin sa akin.

"Kasi po nawawala po ako kasama ko po kanina si kuya kaya lang paglingon ko wala na siya" sabi niya

She's cute kaya pala umiiyak siya binuhat ko siya hindi naman siya umayaw.

"Sige, tutulungan ka ni ate para hanapin ang kuya mo. Ano pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya

"Aliyah po ali na lang ang itawag mo sa akin ate. Ikaw po anong pangalan mo ang ganda niyo po" sabi niya

Kaya napangiti ako sa sinabi niya.

"Marielle at ikaw napakacute mo" cold kong sabi

At pinisil ang pisngi niya.

"Ate ganda, naman masakit" sabi niya kaya tumigil na ako

"Ate ganda ang itatawag ko sayo kasi ang ganda mo ate" sabi niya

Kaya natawa na lang ako.

"Okay, how old are you baby ali?" cold kong tanong

"I'm not a baby anymore ate and I'm 5 years po ikaw ate ganda?" tanong niya

Grabe naman mukhang hindi naman siya 5 years old makapagsalita kasi parang hindi bata.

"19" cold kong sagot

"Pareho pala kayo ni kuya" sabi niya

Napansin kong hindi na siya umiiyak at bigla niyang hinawakan ang tiyan niya.

"May masakit ba sayo ali?" cold kong tanong

Umiling lang siya.

"Wala po, ate ganda nagugutom na po kasi ako kanina ko pa hinahanap si kuya" sabi niya

Kung magsalita talaga siya parang hindi na bata.

Ang cute niya talaga.

"Ganun ba. Sige, kakain na muna tayo pagkatapos natin kumain hahanapin na natin ang kuya mo" cold kong sabi

"Talaga po?" tanong niya tumango lang ako ngumiti naman siya

"Thank you po ang ganda niyo na ang bait niyo pa po" sabi niya

Kaya ginulo ko na lang ang buhok niya naglakad ako papunta ng jollibee nag-order na ako at humanap ako ng bakanteng mauupuan at umupo na kami ang saya saya niya.

"Ate ganda, bakit wala po kayong pagkain?" tanong niya

"Tapos na kasi akong kumain kanina" cold kong sagot

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon