Chapter 39

130 10 0
                                    

DAINE

Nandito kami ngayon sa classroom nakikinig sa tinuturo ng biglang nagvibrate ang phone ko may nagmessage kaya kinuha ko sa bulsa ko at tiningnan si Queen pala.

'Lumabas kayo ng classroom ngayon ni Ehya kakausapin ko kayong dalawa kapag nakalabas na kayo tawagan niyo ko. Nalaman ko na kong sino sila at ito na ang tamang pagkakataon na gumanti ako'

Ito ang text ni Queen kaya bumulong ako kay Ehya.

"Lumabas tayo kakausapin tayo ni Queen" bulong ko tumango naman siya.

"Ma'am, excuse us lalabas lang kami saglit" sabi ni Ehya tumango lang si ma'am kaya dali-dali kaming lumabas pumunta na kami ng garden at tinawagan si Queen.

"Hello, Queen" sabi ni Ehya

"Mabuti at natanggap niyo agad ang mensahe ko" sabi niya

"Queen, ang sabi mo kilala muna kong sino sila?" tanong ko

"Kilala ko na nga at kilala niyo din sila" cold at galit na sabi niya

Alam kong gustong-gusto na niyang maturuan ng leksyon ang kumalaban sa kanya.

"Ano, queen? Sino?" tanong naman ni ehya

"Sina Samantha at Claire" cold na sabi niya

"Queen, sila? Paano?" tanong ko

"Mga traydor sila" galit na sabi ni ehya

Pati rin ako nagagalit si Samantha kagang ni queen ka grupo din namin siya hindi ko aakalain na magagawa niya yun at si Claire ang kaklase namin siya ang sumira sa gown ni Queen noong pageant.

"Si Claire ang nagpapanggap bilang ako siya ang impostora at si Samantha naman ang nag-utos sa kanya na gawin yun. Si Samantha din ang may pakana nitong lahat. Tsk" cold na sabi ni queen

"Ano? Wala talaga siyang utang na loob queen" sabi ko

"Nakatakas ako sa basement na yun at iniwan ko ang isang bangkay na kuhang-kuha ako kaya akala nila patay na ako" cold na sabi ni queen

"Ganun pala ang ginawa mo queen" sabi ni ehya

"Kaya ito na ang araw para makaganti na ako sa kanila" cold na sabi ni queen

"Matapos mo siyang iligtas ganito lang ang gagawin niya sayo? Walang utang na loob ang babaeng yun" galit kong sabi

"Hayup sila queen kaya naman pala ilang araw ng wala si Claire at kasabay mong mawala siya lang pala ang impostora matagal na akong nagtitimpi sa babaeng yun" sabi ni Ehya

Magsasalita na sana ako ng may biglang nagsalita mula sa likod namin.

"Ganun pala ang nangyari kaya ayaw niyong sabihin sa amin ang totoo" sabi ni Jayden at kasama pa si Miguel gulat na gulat kami narinig nila ang usapan namin.

"All this time hindi pala si Marielle ang kasama namin. Si Claire pala ang nagpapanggap bilang si Marielle? Paanong nangyari to?" gulat na tanong sa amin ni Miguel. Hindi kami makapagsalita dahil pa rin sa gulat.

"Matagal niyo na pa lang alam na hindi si Marielle ang kaharap natin. Bakit hindi niyo man lang sinabi sa amin?" sabi ni jayden

"Kailangan itong malaman nina Francis at Zhake" sabi ni Miguel at tumakbo silang paalis.

Paano nila nalaman to? Bakit hindi namin naramdaman na may tao sa paligid namin? Samantala kanina walang katao-tao dito.

"Anong nangyayari diyan? Sina Jayden at Miguel ang may-ari ng boses na yun diba?" cold na tanong ni queen

"Sila nga queen at narinig nila ang lahat ng usapan natin at sasabihin pa nila sa dalawa" sabi ko

"Sorry, queen kasalan ko ang lakas siguro ng boses ko kaya narinig nila" sabi ni Ehya

"F*ck. Sinisira nila ang plano ko wag kang manghingi ng sorry hindi ikaw ang may kasalan kundi sila" cold na sabi ni queen

"Ano na ang gagawin natin queen?" tanong ko

"Sundan mo sila Ehya at pigilan mo hanggang sa makakaya mo hindi dapat nila masabi sa iba ang nalalaman nila alam kong magagawa mo to may tiwala ako sayo na magagawa mo to" seryosong sabi ni queen

"Yes, queen" sabi ni Ehya at tumakbo habang sinusundan sila.

"Sorry, Queen hindi namin sinabi sayo agad na may sumusunod sa amin dahil ayaw namin na madagdagan pa ang problema mo at alam na namin na sila ang sumusunod sa amin kahit saan kami pumunta" mahinang sabi ko

"Ano? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?!" galit niyang sigaw

"Sorry, talaga Queen ayaw na kasi namin dumagdag sa problema mo" sabi ko

"B*llsh*t. Kung hindi pa narinig nina Jayden at Miguel ay hindi ko pa malalaman. Ano ba naman kayo sana man lang sinabi niyo sa akin" galit niya pa ring sabi

"Sorry, Queen noong una naramdaman namin na meron nagmamasid sa amin hindi namin alam ku sino pero kahapon habang pauwi si Ehya ay may sumusunod sa kanya nalaman niya na si Jayden ang sumusunod sa kanya. Para malaman nila kung saan tayo nakatira yun ang plano nila Queen para malaman ang totoo pero hindi nila nagawa sasabihin na sana namin sayo ngayon Queen naunahan lang nila kami" mahabang sabi ko narinig ko na bumuntong-hininga siya.

"Wala na tayong magagawa nangyari na pero sa susunod sabihin niyo agad sa akin ang nangyayari sa inyo kahit kailan hindi kayo dumagdag sa problema ko at inaalala ko lang ang kalagayan niyo" cold niyang sabi

"Yes, Queen pangako sasabihin na namin ang mga nangyayari sa amin. Ano na pala ang gagawin natin? Ngayon na nalaman na nila" tanong ko

"Hindi magbabago ang plano ko may tiwala ako kay Ehya" sabi niya

"Sana nga Queen magawa niya" sabi ko

"Wag kang mag-alala kapag hindi niya nagawa ay may plan B na ako balitaan mo na lang ako kapag nagawa niya o hindi" cold na sabi niya at pinatay na ang tawag bumuntong-hininga na lang ako sana nga magawa ni marie kasalanan kasi namin to hindi agad namin sinabi kay queen.

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon