23.Hug.

31 1 0
                                    


Hindi nag dalawang isip na pumunta si Skyler sa mansion ng mga Dela Vega at ngayon ay naka tayo sya sa harapan ng napakaling gate.

Nung narinig ni Skyler yung pangalan na binanggit nung Tatay ni Joseph kung sino ang dahilan kung bakit nawalan eto ng bahay ay dali-dali syang umalis at gusto nyang harapin si Scott.

Nagpaalam naman sya kay Joseph nung hinabol sya nito. Bigla kasi na lang syang tumakbo. Sinabi nya kay Joseph na sya ang kakausap kay Scott Dela Vega.

Eto ba yung sinasabi ni Scott sakanya kanina? Kung paano magalit si Scott? At talaga idadamay nya yung mga nanahimik na tao.

*Ding Dong Ding Dong*

Paulit-ulit na pinindot ni Skyler ang doorbell sa napakalaking gate na nasa harapan nya.

Nagulat si Skyler nung biglang bumukas automatic yung gate.

Huminga muna ng malalim si Skyler saka pumasok na sa loob. Hindi na nagulat si Skyler sa nakita nyang mansion sa harapan nya.

Nakita nya na eto sa picture. Di ba nga sumali sya sa private group ng mga fans ni Scott. Eh di nakita nya yung mga litrato ni Scott at kasama etong mansion nito sa mga pictures na naka post dun sa private group.

Naisip tuloy ni Skyler na mamaya mag le-leave na sya sa group na yun.

"Magandang gabi po, Ano pong maipaglilingkod ko po sainyo?"- may sumalubong na lalaki kay Skyler. Naka uniform pa eto na parang Butlers sa mga palabas sa T.V na napanuod ni Skyler.

"Magandang gabi din po, Ka-kaibigan po ako ni Scott. Gusto ko lang po itanong kung nandyan po ba sya?"-magalang din na tanong ni Skyler dun sa lalaking sumalubong sakanya.

"Sumunod po kayo saakin."- nagtataka man si Skyler sa lalaki ay sumunod na lang sya dito.

Naglakad sila sa napakalaking hardin tapos lumiko sa isang napakalaking swimming pool naman ang nakita ni Skyler.

Pinipilit ni Skyler na wag mamangha sa mga nakikita nya dahil sobrang nagagalit sya kay Scott.

"Young Master, May naghahanap po sainyo."- sabi bigla nung kasama ni Skyler na nalaman nyang isa sa mga tauhan ni Scott.

*Splash*

Nalipat ang tingin ni Skyler nung narinig nya yung tunong na yun na nagmumula sa swimming pool.

Nakita ni Skyler na umahon si Scott sa swimming pool at naka swimming trunks lang eto.

"Oh, My Darling~ Why are you here? Namiss mo agad ako?"- malawak na ngising tanong sakanya ni Scott. Lalong nag poker face tuloy si Skyler na tumingin dito.

May binigay na towel yung butler kay Scott. Tinanggap naman ni Scott yung towel at pinunasan ni Scott ang basa nitong buhok.

"Sabihin mo nga... Dahil ba sa pagsauli ko ng mga binigay mo saakin kaya mo binili yung bahay nila Joseph?"- seryosong tanong nya kay Scott. Napatigil naman si Scott sa pag punas ng buhok nya sa narinig nyang tanong ni Skyler sakanya.

"Joseph? Ah ayun ba? Hmm... Ang kulit mo kasi ayaw mong tanggapin yung mga binibigay ko sayo. Kaya ayan... nakita mo kung paano ko magalit."- nginisian ni Scott si Skyler. Mariin na napakagat ng labi si Skyler sa sobrang gigil nya kay Scott.

Sobrang inis na inis na si Skyler kay Scott. Parang gusto nya na lang maiyak dahil sa sobrang galit at inis.

"Bakit kailangan mo idamay yung mga taong nasa paligid ko?! Kung may problema ka saakin... Saakin mo ibunton! Hindi yung kung sino-sino dinadamay mo!"- puno ng galit na sabi ni Skyler. Naawa pa naman si Skyler kay Joseph at sa Tatay nito. Paano kung walang mahanap na malilipatan agad yung Tatay ni Joseph?

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSحيث تعيش القصص. اكتشف الآن