"Mommy! Goodmorning! Wake up kana po!" Nagising ako sa tili ni Dionne, naramdaman ko din ang paggalaw ng iniigahan ko
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. At doon nakita ko si Dionne na tumatalon sa kama
Pero paano ako napunta dito sa kama? E sa sofa ako natulog kagabi
"Yay! You're awake na po!" Tili na naman niya at niyakap ako
"Morning baby" nakangiti kong sabi
"Good morning po mommy. Get up na po ikaw, nagluto si daddy ng breakfast natin" nakangiting anya at hinila ang dalawang kamay ko
"Wait mo ako baby, mag hihilamos lang si mommy" sabi ko at ngumiti
"Okay po" sagot niya at kinuha ang tablet niya
Ang cute talaga ng batang 'yon. Minsan naiisip ko... Sana sa akin nalang siya nanggaling
After ko maghilamos ay lumabas na 'ko. Nakita ko si Dionne na busy sa pinapanood, nakanguso pa siya
"Tara na baby" sambit ko para mapaharap siya sa'kin
"Carry mo po ako mommy!" Tumalon-talon siya sa kama habang nakataas ang dalawang braso
Ngumiti naman ako at binuhat siya. Pagkatapos ay bumaba na kami
Nakita namin si Shawn na naghahanda na sa lamesa. At nang makita niya kami ay napangiti siya
"Good morning Jo" nakangiting anya
"Good morning" sagot ko pabalik at pinaupo si Dionne
"Nilipat na kita sa kama nang magising ako. Nakita kitang muntik ka ng mahulog sa sofa" bulong niya pagkaupo niya sa tabi ko
Shit nakakahiya sa kanya. Bakit kasi napakalikot kong matulog?
"A-ah ganon ba? Salamat" nahihiya kong sabi
"Daddy wala ka pong work?" Tanong ni Dionne habang kumakain, nasa gilid ko siya
"Nag leave muna si daddy sa work, princess. We're going on a vacation" nakangiting sambit ni Shawn
"Really?!" Excited na sabi ni Dionne
"Yes baby, mag ba-bonding muna tayo. Your mommy is back, mag spent time muna tayo"
"Where's our vacation trip dad?"
"Hongkong baby"
Parang matanda lang kung kausapin ni Shawn si Dionne
"Hongkong?" Tanong ko
"Yes Jo. That's our favorite place, we went there on our honeymoon"
Tumango naman ako at tinuloy ang pagkain ko
"Mommy can you help me po sa pag pack po ng damit ko?" Sambit ni Dionne
"Oo naman baby" sagot ko
"Thank you mommy. Let's go na po sa room ko"
Hinawakan ko naman siya sa kamay at pumunta na kami sa kwarto niya
"Mom pili mo po ako ng outfit ko po" sambit ni Dionne habang nasa closet kami
"Okay baby" sagot ko at pumili ng mga damit na dadalhin niya
Dahil hindi naman daw gaano malamig sa Hong Kong ngayon. Pinili ko ay mga dresses, pants and shirts. Tapos pumili lang ako ng tig da-dalawang pares ng sandals at sneakers para sa kanya
"Done" nakangiting sabi ko pagkasara ko sa maleta niya
"Thank you mommy" nakangiting anya at niyakap ako
"Si mommy naman ang samahan mo mag pack baby" malambing na sabi ko
"Okay mommy" sagot niya
Ngumiti naman ako at pumunta na kami sa kwarto ni Shawn. Nakita namin siya nagbabalot na din ng damit niya
"Dad what time were we going?" Tanong ni Dionne
"Seven in the evening baby" malambing na sagot ni Shawn
"Okay, tulungan ko po mag pack ng clothes si mommy po" sambit niya at hinila ako patungo sa closet ni Shawn
Sa closet ni Eloise nakakabit ang mga damit ko. Ewan ko ba kay Shawn kung bakit doon pa sa closet ng asawa niya, e may cabinet naman sa loob ng kwarto niya
"Mom choose ka po ng clothes po na matchy tayo" sambit ni Dionne habang namimili kami ng damit
"Okay, tulungan mo akong ma-mili baby" nakangiting sabi ko
"Mommy you should wear this po kapag aalis tayo. Para matchy tayo mom" sambit niya at pinakita sa akin ang white floral dress na may design na maliliit na daisy flowers
Nakatungtong siya sa isang upuan kaya abot niya ang mga nakasabit na damit ko
"S-sige baby" alanganin kong sagot, dahil hindi naman sa akin ang dress na 'yon. Sa totoong mommy niya
"We have the same sandals din po mom" anya, bumaba siya sa upuan at nilapitan ang malaking shoe rack. Kung saan nakakabit ang lahat ng mga sapatos ng mommy niya
"This mommy" binigay niya sa akin ang isang pares ng white ankle strap sandals
"Alright. Kailangan mo na maligo baby, mag si-six na" sambit ko at binuhat siya
"Ah Shawn paliguan ko muna siya" sambit ko paglabas namin sa walking closet
"Okay, I will take a bath na din" nakangiting sagot niya
Tumango ako at lumabas na kami ni Dionne. Buhat ko pa din siya
Pagkadating namin sa kwarto niya ay pumasok na kami sa banyo niya at pinaliguan. Pagkatapos ay pinaupo ko muna siya sa vanity mirror niya para patuyuin ang buhok niya dahil i be-braid ko daw siya
"Wow! I'm so pretty mommy" manghang sabi niya pagkakita sa sarili niya sa salamin
Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi
"Mana ka sa'kin" nakangiting sambit ko
Napapansin ko kasi na kamukha ko siya. Wala man lang nakuha sa daddy niya
As in kamukhang kamukha. Tsokolate kong mata ay pareho din kami, makapal na kilay. Matangos kong ilong, at ang maputi kong kutis. Kuha niya lahat
Habang si Shawn naman ay may kulay brown siyang mata. Mahabang pilik mata, pointed nose, makapal din ang kilay. Morenong balat
Baka kambal ko ang nanay nito? Matanong ko nga si nanay
"I love you mommy. Thank you for coming back to us" sambit niya at niyakap ako sa bewang
Hindi ko naman maiwasang maging emosyonal sa sinabi niya
Natatakot ako kapag nalaman niya ang totoo. Paano kung magalit siya sa akin? Naiisip ko palang 'yon ay naiiyak na 'ko
Dahil kahit halos isang linggo palang kami magkasama, mahal na mahal ko na siya
"I love you too baby ko" malambing kong sabi habang inahaplos ang buhok niyang hanggang sa ilalim ng balikat niya
"Jo, you need to take a bath. It's six thirty na" sambit ni Shawn pagkapasok niya sa kwarto ni Dionne
"Okay, baby wait mo si mommy huh?" Malambing kong sabi
"Okay mommy" nakangiting sagoy niya
Ngumiti ako at lumabas na ng kwarto niya para maligo

YOU ARE READING
Pretend To Be A Mother Of His Child (Pretend Series #3)
RomancePretend Series #3 What if there is a child approach you and called you a "mommy" And his father offered you to pretend to be a mother of his child will you agree? Started:09/15/22 Ended:11/06/22