4

6.6K 129 0
                                    

"Oh my gosh, I missed Hong Kong!" Excited na sambit ni Dionne pagkalabas namin ng airport

"Let's go, naghihintay na ang sundo natin" sambit ni Shawn na nakahawak sa bewang

"Shawn pakialis ang braso mo. Kumukota kana ah, kanina ka pa nakahawak sa bewang ko" bulong ko sa kanya

"Remember, We pretend, Dionne is always curious" bulong niya pabalik

"Tss. Hindi naman niya kita ah, kaya bitaw na" masungit na sabi ko

Alam kong feeling close ako sa kanya. Pero sa tuwing ginagawa niya 'yon ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko

"Fine" sambit niya at inalis ang braso sa bewang ko

Doon ay nakahinga ako ng maluwag

"Saan tayo mag i-stay?" Tanong ko habang nasa biyahe kami, nakasakay kami ngayon sa limousine niya

"May bahay tayo dito sa Hong Kong. We will stay there for five weeks" seryoso niyang sabi

Five weeks? Ang tagal naman

"Mommy I'm sleepy po" humihikab na sambit ni Dionne

"Wait baby" sambit ko

Tumayo ako at akmang pupunta na ako sa likod para iladlad ang nakatuping kama, nang pigilan ako ni Shawn

"Ako na" sambit niya at tumayo

Tumango naman ako at pinasampa na sa kama si Dionne. Pati ako ay sumpa na din para tapikin ang hita niya. Nakasanayan ko ng gawin 'yon dahil kapag pinapatulog ko siya ay tinatapik ko siya, hanggang sa namalayan ko nalang na pati ako nakatulog

Nagising ako sa yakap ni Dionne sa akin. Napangiti nang makitang tulog pa din siya

Napagod sa biyahe, hindi din siya natulog nang nasa eroplano kami

"We're here" sambit ni Shawn

Tumango naman ako at dahan-dahang hinaplos ang pisngi ni Dionne

"Baby gising na. Nandito na tayo" malambing kong sabi at hinalikan siya sa pisngi

Napangiti ako nang umungot lang siya at mas lalo akong niyakap. Mukhang gusto pa niyang matulog

"I'll carry her" sabi ni Shawn at binuhat si Dionne

Nauna naman akong bumaba, namangha nang makita ko ang malaking bahay. Modern house, nakita kong may swimming pool sa taas ng bahay

"Let's go inside" malamig na sabi niya at nauna ng pumasok

Anong problema non?

Napailing nalang ako at sumunod sa kanila. Pagkapasok namin ay agad na bumungad sa amin ang malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng living room

"Welcome back, Maam, Sir" sambit ng isang babae, mukhang siya ang caretaker ng bahay

"Raiza, get our luggage" sabi ni Shawn at naunang umakyat habang buhat si Dionne

Hala, tinopak na. Hindi man lang ako tinawag

Sinundan ko sila, hanggang sa makarating kami sa isang white na pinto. Pagkabukas ay bumungad ang kulay pink na kwarto

Favorite talaga ni Dionne ang kulay pink

Nilapag niya sa kama si Dionne at kinumutan. Ako naman ay nakasandal lang sa pinto. At akmang magsasalita na ako nang tuloy-tuloy siyang lumabas ng kwarto

Anong problema niya? Siguro 'yung kanina...

Napabuntong hininga nalang ako't sinundan siya kung saan siya pupunta. Nakita ko naman pumasok siya sa isang kwarto kaya pumasok na din ako

Pretend To Be A Mother Of His Child (Pretend Series #3)Where stories live. Discover now