IX

1 0 0
                                    

Sa pag-usbong ng mga miyembro ng kolektibong grupo na tumutuligsa sa Rehimen ay siya naman din pag-usbong ng mga militar mapa-troll o armado na handang protektahan ang mapang-abusong rehimen. Nagkatipon-tipon at naghanda na ang mga sasabak para sa isang malakihang protesta sa Batasang Pambansa kung saan ang pangulo ay magtatalumpati sa harap ng mga opisyal ng gobyerno. Kinabukasan ay sama-samang nagtungo sina Greg at Jose kasama ang iba pang raliyista sa Batasang Pambansa upang isagawa ang malakihang protesta. Handa na ang lahat ng kagamitan, handa na din maging ang mga kapulisan. Naghiwalay ng grupo si Jose at Greg upang pamunuan ang ibang raliyista. Agad naging marahas ang mga kapulisan upang mapaalis ang lahat ng mga raliyista at hindi kalaunan ay narinig ang sunod-sunod na pagputok ng baril. Hindi tiyak kung sino ang magpaputok at kung mayroon man natamaan ng bala. Ilang segundo lamang ay biglang may humandusay sa grupo ng mga raliyista. Inilikas muna nila ang sugatang biktima bago umatras at hindi na ipagpatuloy ang protesta.

BANG!: Ikalawang YugtoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora