Matapos ang pamamaril ng mga kapulisan ay umalis na ang mga raliyista tangan tangan ang biktima ng pamamaril. Umatras na ang lahat ng raliyista sapagkat hindi na nila hahayaan pa na magkaroon muli ng biktima ng pamamaril. Habang paalis sa Batasan Pambansa, agad pinuntahan ni Jose ang biktima ng pamamaril. Laking gulat nito na ang napaslang ay si Greg. Sa ikalawang pagkakataon, nasaksihan niyang duguan ang malapit na tao sa kaniya. Simula noon ay mas umigting pa ang kaniyang pakikipaglaban sa gobyerno.
![](https://img.wattpad.com/cover/322765664-288-k95899.jpg)
YOU ARE READING
BANG!: Ikalawang Yugto
Short StoryRebolusyon ang solusyon sa pagpapatalsik sa puwesto ng mga opisyal ng gobyerno na walang ginagawang aksyon. Ipinagwawalang bahala ang problema ng nasyon para lamang sa mga pansariling intensyon. Mabuhay ang malayang bansa! Patalsikin ang mapang-alip...