XI

0 0 0
                                    

Matapos ang insidenteng iyon, pansamantalang hindi nagpapakita si Jose dala ng takot at pangamba na baka siya naman ang susunod na humandusay sa kalsada dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa ating karapatan. Inalis ni Jose pansamantala ang lahat ng kaniyang koneksyon sa lahat ng grupong sinalihan niya. Inalis niya din ang koneksyon niya sa mga raliyistang kasama niya. Isang gabi ay napag isip-isip ni Jose na hindi pa natatapos ang laban. Kinakailangan niya itong ipagpatuloy para sa hustisya ng kaniyang kaanak at kaibigan maging ang mga biktima ng karahasan. Gamit ng pluma at papel, ipinagpatuloy niya ang kaniyang pakikipaglaban. Naglabas siya ng mga pahayag tungkol sa diktadurya. Tila hindi na mapipigil ang galit at puot na nararamdaman ni Jose at wala siyang ibang iniisip kung hindi ang makalaya at patalsikin ang diktaduryang Manalo. Dahil sa mga pahayag na inilathala ni Jose, agad itong napansin ng mga tauhan ni Marcos at muli, sinuyod nila ang buong bansa upang mapatahimik ito. Nadakip ng militar si Jose at pilit pinapa-amin na siya ang may gawa ng mga pahayag na maaring magpamulat sa kaisipan ng karamihan tungkol sa nangyayari sa bansa. Ngunti hindi nagpapatinag si Jose. Iba't-ibang klaseng pagpapahirap ang dinanas niya hanggang sa isang gabi, nakahanap paraan si Jose upang takasan ang mga Militar. Baon ang pag-asa at lakas ng loob, pinilit niyang tumakas sa mala-impyernong selda. Nagtagumpay si Jose sa kaniyang pagtakas. Mas naging maingat si Jose sa lahat ng kaniyang kilos at hanggat maari, hindi magpapakita sa kahit sino man.

BANG!: Ikalawang YugtoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant