Chapter 13

44 7 0
                                    


Ang allowance ko maliit na mukang kailangan ko na atang maghanap ng trabaho para may pangtustos ayaw kong humingi kay daddy gusto ko maging independent hindi na ako ang dating jessa na gastador at maluho habang lumalaki ako ay nag-iba ang ugali ko

Bigla ko naman naisip ang taong gumugulo sa'kin ano kayang ginagawa niya ngayon ilang araw na pero wala na akong balita sakanya may nabasa pa ako sa article kanina

"Business Typhoon Virgo Luel bautista has a new partner" lahat talaga binabalita basta mayaman at may bago nanaman siyang girlfriend? Bakit iba-iba ng babae to. Ano nalang ang mararamdaman ni hera sa balitang to tiyak akong masasaktan yun ganun din kasi ang nararamdaman ko noon nung nalaman kong may jowa na si dave

Haysst. Bakit ko ba siya iniisip

Nasa sala ako ngayon kumakain habang nanonood ng movie kami sana ni baks ang manunuod kaso may lalakarin nanaman siguro lumalandi lang yun parati kasing nasa bar

Lalakad ako ngayon pupuntahan ko yung probinsya namin sa Oriental si daddy kasi sabi niya ako daw ang mag-asikaso sa tanim at palayan namin doon

Nag pa-rent din siya ng sasakyan para may magamit ako at hindi na magcommute malayo rin kasi

Pumunta na ako nang kwarto para magbihis simpleng white long sleeve polo at highwaist black short lang ang isinuot ko tsaka boots maputik kasi doon

Nagdala nadin ako ng mga extrang damit ko doon kasi ako matutulog ng limang araw maganda kasi doon tahimik, fresh ang hangin at malapit lang din ang dagat

Nasa labas na ang gagamitin kong sasakyan nilalagay ko ang mga gamit sa trunk habang busy ako sa pagpalagay ay tumawag sa pangalan ko

Napatigil ako sa ginagawa at nilingon ang likuran

"Jess" Agad naman tumibok ang puso ko sa boses na narinig

Kanina ay iniisip ko lang kung ano nang nangyari sakanya at eto ngayon nandito siya at nasa likod ko

Anong ginagawa niya dito? at bakit niya alam kung saan ako nakatira

"Where are you going?" Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pag-aayos "Hey, Im talking to you" bakit ang kulit

"Pupunta akong probinsya" sabi ko at napalunok hindi ko siya nililingon nang matapos ay binaba ko na ang trunk at papasok na sana sa sasakyan kaso pinigilan niya ako

"Can we talk?" Anong pag-uusapan namin? Ang alam ko lang ay wala akong matinong sagot na makukuha sakanya kasi puro galit ang nasa isipan niya

"Pwede bang ipagpaliban mo muna yan kailangan ko na kasing umalis pasensya na talaga" kita ko ang pag kuyom ng kamay niya alam kong naiinis siya sakin at wala akong pakialam

Umalis na ako saka pinaandar ang sasakyan wala akong time sa kanya

Ang bahay namin sa probinsya ay simple lang hindi gaanong malaki hindi rin gaano kaliit sementado ito may sarili kasi kaming palayan dito sa katunayan ay may pag-aari rin si virgo dito ngunit malayo-layo lang yun sa'min

"Magandang araw iha mabuti at napasyal ka matagal-tagal ka ring hindi nakadalaw dito. Maayos ba ang pamumuhay mo doon sa syudad?" tanong sakin ni nanay belen siya ang nagmamanage ng palayan namin dito habang si daddy ay busy sa syudad si nay belen rin ang tagapag-alaga sa'kin noon

"Ganun na nga nay matagal-tagal na rin at ayos lang naman ako doon may konting problema lang at teka parang nagbago dito ah mas lalong gumanda ang paligid. Ganyan ba mag-alaga ang nanay belen?" Sabi ko tumawa lang si nanay "Ikaw talaga nako! Halika nga dito namiss kitang bata ka" Sabi niya saka ako niyakap

Tatlo lang tagapag-alaga nitong probinsya namin hindi kasi ganoong malaki simple lang kay mommy kasi to eh pamana sakanya na pinamana din sa'kin habang may ibang pamilya si mommy ay may binigay naman siya sakin at ito nga yun ang probinsya niya

"Maiba ako iha kamusta kayo ni Sir Virgo kayo parin ba?" Bigla naman akong napatigil sa paglalakad at napaubo

"Ayos ka lang iha?" Tumango ako at iniwas ang tingin sakanya

Kilala kasi ni nanay belen si virgo pinapunta ko kasi siya dito noon at pinakilala close nga silang dalawa eh palagi silang nagku-kwetuhan naalala ko pa umuulan noon tapos nagkasakit ako itong si nanay belen tinawagan agad si virgo at sinabing may malubhang sakit ako

Ilang minuto ang lumipas dumating siya at basang-basa ang dami pang gamot na dala-dala halatang nagmamadali humihingal kasi sobrang alaga niya sa'kin noon ngunit ngayon hindi na nagbago na ang pakikitungo niya at kasalanan ko yun

"Wala na po nay belen dati pa" sabi ko habang nginitian siya bumuntonghinga lang si nanay belen biglang nalungkot "Ganon ba?sayang" tumahimik kami saka siya nagsalita ulit "Halika sa kusina para makakakain kana"

"Hindi po ba kayo nagkaproblema rito nay?" Tanong ko habang kumakain "Minsan lalong-lalo na kapag nagkaka-piste ang mga tanim pero nagagawa naman namin ng paraan yun" madami pa siyang sinabi at nakikinig lang ako

Lumalalim na ang gabi at ang hangin dito ay napakasarap amuyin dito ako sa may hardin namin naglalaro noon naghahabulan kami ni kimchi ang aso ko kaso namatay na sobra pa ang pag-iyak ko noon kasi wala na akong kalaro

Pumasok na ako at pumunta nang kwarto natatakot panaman ako dito basta sumasapit na ang gabi tinatakot kasi nila ako noon eh may aswang daw o kaya manananggal nakakakilabot nga pero alam ko namang biro lang ang lahat ng yun

"Iha may blanket kana ba dyan? Malamig dito kapag madaling araw kakailanganin mo ito" completo naman na ang gamit ko sa kwarto

"Ayos na po nay belen completo na lahat"

"Oh sige pahinga ka na gagayak pa tayo bukas sa palayan" hindi na ako sumagot at natulog na mukhang marami akong gagawin bukas.

_

*

His Hatred (Unfolding Love #2) -EditedWhere stories live. Discover now