Chapter 37

23 3 0
                                    


Pagmulat ko ng aking mata ay wala na akong katabi umalis na ata siya bigla kong naalala ang nangyari kagabi at napangiti parang bigla akong sumigla bumangon na ako at inayos ang higaan maayos na ang pakiramdam ko ngayon tiningnan ko ang orasan sa harapan ko at napalaki ang mata what? Alas 10 na? Akala ko ay alas syete pa nako! Nako! malalate ata ako sa trabaho ko

Pupunta na sana ako sa banyo upang maligo kaso napahinto ako teka, bakit amoy sunog? Napakunot ang noo ko at napababa sa hagdan upang sundan ang amoy at nanggagaling iyon sa kusina! Kaya dali-dali akong naglakad halos tumakbo na nga ako sa kaba

"PRRRTTT... HAPPY BIRTHDAY JESSA!!!" Nagulat ako sa party popper kasi diretsong napunta sa mukha ko! Tinignan ko kung sino ang nagpaputok at nakita ko si jacko na naka peace sign kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Ang tanga-tanga mo naman magpaputok" sabi ni kyla sakanya at inagaw ang hawak nitong party popper kaya natawa si jacko "Atleast hindi ako tanga-tangang putukan ang loob ng-" hindi niya natuloy kasi sinapok ko siya sa ulo ang bastos talaga

"Ouch, You always hurt me, Isusumbong kita sa boyfriend mo sinasaktan mo ang poging kagaya ko!" Nanlaki ang mata ko at nagulat sa sinabi niya napatingin ako kay kyla na mukhang nagulat rin

Palipat-lipat ang tingin ni jacko samin "Ohhh, HAHA hindi pa niya alam cire? F-O na kayo niyan? kasi hindi mo sinabi? Nako! baka sisisihin mo nanaman ako mamaya ah kasi binulgar ko?" Ang sarap niya talagang sakalin nakakagigil

"Mamaya ka sa'kin" banta ko kaso tinawanan lang ako ng gago

"Boyfriend mo na ang lalaking yun!?" Sigaw sakin ni kyla kaya napatakip ako sa tenga ko bakit kung makapagreact to parang tinatago ko ng matagal ang relation ko kahapon ko lang naman din siya sinagot "Nagkasakit ka lang boyfriend mo na agad?

"Wag kang magalit ky hindi naman matagal eh kahapon lang rin" mahina kong sabi at kumuha ng tubig "Sure ka talaga? Sinagot mo? Bakit? Akala ko ba ayaw mo sakanya? Kasi palagi kang sinasaktan"

"Oo nga ky tsaka susubukan lang naman namin baka mag work out" napahinga lang ito ng malalim at tumango "Okay, sige susuportahan kita pero hindi ang relation niyo alam mo bang magiging reaksyon ni bakla pag malaman niya? Magagalit yun" Oo nga pala pinalibot ko ang tingin sa bahay at silang dalawa lang ang nakita ko

May hinahanap ako kaso wala baka mamaya pa? "Ahmm... kayong dalawa lang?" Tanong ko sakanila "Ouyy... Nag e-expect pupunta yun cire" alam niya pa kaya kaarawan ko? Baka kinalimutan?

"Oo nga pala happy birthday cire! Ito regalo ko buksan mo" sabi niya saka ako hinila at pinaupo sa upuan "Bakit mabigat?" Kunot noo kong tanong pero pa blind-blind lang siya

Nahirapan pa ako sa pagbukas kasi andaming balot at mighty bond pa talaga pinandikit wala talagang trip to sa buhay tinignan ko siya at napangisi lang ito sakin siguraduhin lang niyang maganda to kasi kung hindi makikita niya talaga si satanas

Pagkabukas ko ay napahinto ako sa nakita

"It's a beautiful gift right? Kyla what do you think?" Natawa si kyla habang hawak ang tiyan "BWHAHAHAHA Abnoy ka jacko! A-Akala ko pa naman oven ang regalo mo kasi ang laki ng box at mabigat ka-kaso isa lang pala itong ballpen na may kasamang semento BWHAHAHA" napairap ako sa kalokohan nila

Kaya pala ang bigat kasi may semento at sa bawat butas ng semento ay doon nakalagay ang ballpen "Sesementohin talaga kita makikita mo" galit kong sabi kay jacko at binato siya ng tsinelas kaso tumakbo ito palabas

Si kyla ay tumatawa parin hanggang ngayon nakakastress naman birthday na birthday ko pa naman tapos wala pa dito si sid lalong lalo na si virgo

Sumapit na ang gabi at kumakanta sila tinignan ko ang relo ko at laging tumitingin sa bintana "Wala talaga" bulong kong sabi

Ringing... Nabuhayan ako sa tumawag at akala kong si Vir ito kaso si daddy lang pala sinagot ko na ang tawag at lumabas maingay kasi sila parang ang gaganda ng boses mga sintunado naman

"Hello Anak?" Napangiti ako sa boses niya namimiss ko na si daddy

"Hi daddy, kamusta ka diyan?" tanong ko pero napatawa lang ito "You really changed" napatawa rin ako "Bakit mo naman nasabi?"

"Well, Before hindi pangangamusta ang magiging bungad mo sakin kundi pagkainis kasi tumawag ako" tawa pa niya

Kaso bigla siyang nawala sa linya at sumeryoso agad

"Happy Birthday Anak. Enjoy your day pasensya na at hindi ako nakapunta siguro ay sa susunod alam mo naman may business tayo rito at hindi ko yun maiwanan" Oo nga naiintindihan ko rin

"Pero I think that virgo will take care of you and make your birthday special and happy" napahinto ako sa sinabi niya akala ko ba ay wala na silang communication?

"He approached me yesterday through video call he ask jake for help to communicate me and said that you're his girlfriend na" tawa niyang sabi na may konting pang-aasar kaya namula ang pisngi ko

Ginawa niya yun?

"He also said that he's sorry for what he did and will take care of you like how I take care of you" biglang lumambot ang puso ko sa mga sinasabi niya dati palang talaga ay buto na siya kay virgo sa lahat nang naging boyfriend ko noon ay si virgo ang mas gusto niya

"Once again. Happy Birthday Anak" ulit niyang sabi kaya nagpasalamat ako at sinabihan siyang namimiss ko na siya at alam kong nagustuhan niya yun

"I miss you too. I will turn it off now" sabi niya saka inend na ang phone call napaupo ako sa upuan sa labas at nagmukmok

Where is he.

_

*

His Hatred (Unfolding Love #2) -EditedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ