Chapter One

190 20 7
                                    


July 9, 2012

Ngiting-ngiti si Narda habang naglalakad papalabas ng gate ng NENHS, tuloy ang mga kasabay niya ay nagtataka lalo na si Mara na kanina pa kunot-noong nakatingin sa kanya. Kanina pa ito nag-iisip sa kung bakit parang hibang si Narda habang naglalakad. Kulang na lang mabangga ito sa kung saan dahil mukhang kung saan lang rin lumilipad ang utak nito.

"Bes, bakit ang saya mo ngayon? Mapupunit na ang gilid ng labi mo sa kakangiti oh," puna ni Mara na hindi na nakapagpigil sa sariling kuryusidad.

"Wala," simpleng sagot naman ni Narda. Lumukot tuloy ang mukha ng kaibigan niya.

"Wala ah? Pero kung makangiti ng mag-isa diyan parang sobra pa sa baliw," bwelta kaagad ni Mara sa sagot niya.

Nakalagpas na sila sa gate ng paaralan at tanaw na ang mga traysikel na nakaparada sa labas kaya imbes na sumagot kaagad kay Mara ay hinanap ni Narda ang traysikel na pagmamay-ari ng kapit-bahay nila na si Gardo. Ito ang naghahatid at sumusundo sa kanila sa paaralan araw-araw. 

"Kuya Gardo!" Itinaas pa ni Narda ang kamay para tawagin ang pansin ng kapit-bahay nila ng mamataan niya ito sa di kalayuan. Nang lumingon ito sa gawi nila ay napangiti kaagad ito.

"Narda!"

Lumingon si Narda sa iba nilang kaibigan ni Mara tsaka nagpaalam. "Mauna na kami."

"Sige, Narda."

Kumaway sila ni Mara sa mga kaibigan nila tsaka binalingan uli si Gardo at naglakad papunta sa pwesto nito.

"Ang aga mo naman, Kuya Gardo," sabi ni Mara sa lalaki na may pang-aasar sa tono.

"Ikaw Mara, kung makapagsabi ka naman diyan akala mo naman palagi akong huli sa pagsundo sa inyo. Isang beses pa lang nga yun pero hindi mo talaga makalimutan, ano?"

Natawa si Mara at ganoon din si Narda. Habang tumatawa ay nagpunta sa gilid ng traysikel si Narda at balak sanang ilapag sa loob ang bag niya pero hindi natuloy ng may bumangga sa kanya. Tagiliran niya ang nasaktan ng bumangga iyon sa gilid ng traysikel dahil sa impact.

"Ahh!"

Napahawak siya sa tagiliran niya at ininda ang sakit. Nang makabawi ay hinanap niya ang salarin at natigilan siya sa pangalawang pagkakataon ng araw na iyon.

"Sorry, nagmamadali kasi ako tapos nakaharang ka pa ayan tuloy," sabi ni Regina na siyang bumangga kay Narda.

Nanigas ang panga ng huli at tiningnan ng seryoso si Regina. Pero ang isa? Ni hindi man lang natinag. At hindi din ito naghintay ng kung ano mang sasabihin ni Narda dahil umalis kaagad ito.

Hawak parin ang tagiliran na tumayo si Narda at sinundan uli ng tingin ang papalayong pigura ni Regina. Nakita niyang nagpunta ito sa pwesto ng isang itim na Mitsubishi Montero Sports. Mula sa sasakyan ay lumabas ang driver at pinagbuksan si Regina. Walang imik naman na pumasok ang dalaga pagkatapos.

"Grabe ang yaman talaga nila Regina no? Ang gara ng sasakyan," sabi ni Mara na nasa tabi na pala ni Narda.

"Makapuri ka naman sa sasakyan nila parang hindi niya ako binagga kanina ah," reklamo ni Narda sa kaibigan.

"May kasalanan ka rin naman, bes. Kung hindi ka ba naman haharang-harang sa daan."

"Ako pa ngayon ang may kasalanan? May crush ka siguro kay Regina kaya ka ganyan ano?"

"Sino ba namang hindi, di ba?"

Maang na napatingin si Narda sa kaibigan niya. Parang gusto niya itong batukan ng mga oras na iyon. Mas mahalaga pa pala ang crush nito kesa sa kanya na kaibigan nito.

The Letters I Sent (Darlentina AU) Where stories live. Discover now