Chapter Two

104 20 0
                                    


July 10, 2012

"Grabe talaga si Coach. Hindi pa ata tayo papahingahin kung hindi pa napaluhod sa sobrang pagod si Ivy kanina," saad ng kasama ni Narda habang papalapit ito sa kanya.

Inabutan niya naman ito ng isang plastic bottle na may lamang tubig bago niya ibinalik ang sariling atensyon sa pagpupunas ng pawis niya.

"Sinisigurado lang ni Coach Klaudio na nasa tamang pangangatawan tayo kapag nagsimula na ang municipal meet," sagot na lang ni Narda habang nakatingin sa malayo. Iniisip niya ng mga oras na iyon kung paano niya aayusin ang preformance niya sa basketball bago ang meet.

"Nga pala, bago ang meet natin sa 23, hindi ba may math quiz bee kang sasalihan next week? Ang busy mo namang tao," pang-aasar ni Jinny na siyang inabutan niya ng water bottle kanina.

"Yun na nga eh. Gusto ko sanang mag-backout kasi abala ang team sa pag-prepare para sa meet kaso baka may masabi na naman yung isang estudyante sa science section," sagot ni Narda. Naalala na naman ang palaging iritadong mukha ng taong tinutukoy niya.

"Si Regina, siya ang tinutukoy mo di ba?" natatawang pangongompirma ni Jinny sa kanya. Nang hindi siya sumagot ay natawa naman ito. "Nahiya ka pang pangalanan yung tao eh siya lang naman itong hindi mo kasundo. Lahat ng mga nasa science section, maliban sa kanya, ay maganda ang pakikitungko sayo."

"Bakit kaya, no?" nagtatakang dagdag pa nito.

"Hindi niya lang siguro ako gusto bilang tao. Baka may nakita siya sa akin na hindi niya nagustuhan," pagbibigay paliwanag na lang ni Narda. Kung posible ay ayaw niyang pag-isipan ng masama si Regina. Hindi sila magkasundo. Sa parteng iyon palang ay wala na siyang karapatan na husgahan kaagad ito base sa pakikitungo nito sa kanya.

"Alam mo masyado kang mabait. Hindi sa lahat ng oras maganda ang ganyan kasi minsan iyan pa ang magiging kahinaan mo. Aabusihin ng iba ang kabaitang ibinibigay mo sa kanila, gagamitin laban sayo."

"Alam ko naman pero naniniwala lang ako na may dahilan din naman si Regina."

"Bilang rivals, ang bait mo sa kanya. At sa tingin ko hindi niya deserve ang ganoon mula sayo."


"Custodio, pinapatawag ka ni Ma'am Javier sa opisina niya."

Mabilis pa sa alas quatrong napabaling ang atensyon nina Narda at Jinny sa pinagmulan ng boses na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

"Miss President!" Isang malapad na ngiti ang ibinungad kaagad ni Jinny kay Regina ng magtama ang mga mata nilang dalawa. Hindi pa ito nakuntento na tumayo pa ito at lumapit sa pwesto ni Regina. Pinunasan pa nito ang palad na namamasa dahil sa pawis gamit ang damit nito tsaka inilahad iyon sa harap ng dalaga.

Si Narda naman na nasa likuran nito ay napailing na lang. Niligpit niya ang iba niyang gamit at nilagay iyon sa bag niya tsaka tumayo at binitbit iyon.

Tumingin uli siya sa dalawang nasa malapit at nakita niyang tinanggap naman ni Regina ang pakikipagkamay ni Jinny pero sadyang kita sa mukha nito na hindi sana gusto ng isa na gawin iyon pero parang inobliga na lang nito ang sarili na para bang parte pa iyon ng pagiging SSG president nito.

"Pupunta na ako, Regina. Salamat sa pagpapaalam sa akin tungkol dito," sabi niya dito.

"You don't need to thank me. Napag-utusan lang ako."

At ayon, tulad ng mga mga naunang pangyayari, tinalikuran kaagad siya, sila, ni Regina at mabilis itong lumayo mula sa lugar na iyon.

"Nandidiri ba yun sa akin? Bakit umalis kaagad?" Takang tanong ni Jinny. Hindi na lang kumibo si Narda dahil alam niya na siya ang dahilan bakit hindi nakakatagal si Regina sa mga ganitong lugar. Lugar kung nasaan din siya.

The Letters I Sent (Darlentina AU) Where stories live. Discover now