Chapter Eight

148 14 13
                                    


July 16, 2012

Nagbunga ang puspusan nilang pagsasanay sa matematika at halos lahat ng event sa Math Olympics ay may panalo ang paaralan nila.

Kapuna-puna rin ang naging ranking sa individual event ng mga fourth year dahil hindi katulad ng nakaraan taon ay nakuha ni Regina ang kampyeonato habang runner-up lang nito si Narda.

"Congrats," nakangiting pagbati ni Narda kay Regina habang sabay silang bumababa mula sa entablado kung saan sila sabay na binigyan ng medalya at certificate kasama ang second runner-up sa event.

Napatingin naman sa gilid si Regina at nahagip pa ng paningin nito ang paggalaw ng mga bangs ni Narda na halos mabibilang nalang ata sa daliri ang dami. Sumasabay ang paggalaw nito sa aksiyon ng pagbaba nilang dalawa mula sa hagdan.

"Congratulations din sayo, Narda. But I suppose I win this time," sagot naman ni Regina. Sinadya niyang gamitin ang tono na madalas niyang ginagamit noon kay Narda kapag nagkakausap sila ng hindi inaasahan. A mix of arrogance and confidence.

Natawa naman si Narda dahil doon. Kapag tuwang-tuwa si Narda sa mga bagay-bagay at natatawa ay nawawala ang mga mata dahil sa paniningkit mula sa pagtawa. Naisip tuloy ni Regina ng mga oras na iyon na mukhang aso si Narda sa ganoong kalagayan. A happy dog.

"Hindi ka na makakaisa sa akin sa susunod," dagdag pa ni Narda habang may natitira paring konti sa pagtawa nito.

"Talaga ba? Sa susunod ay tatalunin parin kita, Custodio."

Sa paraan ng pag-uusap nila ay sasabihin talaga ng makakarinig o nakakarinig na nagbabangayan na naman ang dalawa. Normal na bagay na palaging nangyayari kapag nagkakasama ang mga ito. Pero sa ilalim ng mga iyon ay hindi alam ng iilan na wala nang inis o galit na nakakabit sa mga salitang binibitawan ng dalawa. Tanging lokohan na lamang iyon ng dalawang magkaibigan.

Nang tuluyan silang makababa ay nagpalaam din sila sa isa't isa. Kahit nasa iisang team at parehong dinadala ang pangalan ng paaralan ay magkaiba parin ang section ng dalawa. Science section A si Regina habang fourth year section Narra naman si Narda kaya hindi na maiiwasan iyon.

Dahil host school ang NENHS kaya required ang mga estudyante nito na dumalo sa awarding ceremony ng mga contestant. Kaya tulad ng dating gawi ay maayos na naka-arrange sa palibot ng entablado ang mga upuan ng bawat year at section sa paaralangan iyon dagdag narin ang upuan ng mga contestant mula sa ibang paaralan kasama na ang mga kasama ng mga ito na guro.

Pagbalik ni Narda sa upuan niya ay agad siyang binati ng mga kaklase at tinukso narin dahil natalo siya ni Regina. Tuksong walang intensyong manakit. Panunuksong maloko lamang.

"Ay, bessy. Nakaisa sayo si Regina. Talo tuloy si Andrei at Richard sa pustahan," malakas ang boses na sabi sa kanya ni Mara na katabi lang naman niya ng upuan. Hindi pa nga ito nakuntento at nilapit pa nito ang konti ang katawan sa kanya at binalingan siya ng tingin.

"Nagpustahan kayo sa ranking na makukuha namin ni Regina?" di makapinawalang tanong ni Narda. Maloko itong mga kaklase niya pero hindi niya inakala na hanggang sa ganoong level.

""Wait...," pahabol pa ni Narda ng may napagtanto. "Hindi ka sa akin sumuporta?" tinaasan niya ng kilay si Mara habang ang isa naman ay hindi man lang naapektuhan at nagawa pa siyang ngisihan.

"Nung una palang ay alam ko nang matatalo ka. Di na ako umasa kaya kay Regina na ako pumusta," confident pa nitong sagot kay Narda. Bilib na bilib sa sariling desisyong ginawa.

"Huy! Kaibigan mo ako!" pukaw ni Narda sa kaibigang kung saan na napunta ata ang utak.

Ngumisi na naman si Mara sa kanya na ikinainis niya. May pinaparating na naman kasi ito sa ngiting iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Letters I Sent (Darlentina AU) Where stories live. Discover now