17.

2K 131 35
                                    

NARDA's POV.

Nang pumasok ako kinabukasan, bigla bigla nalang nagfflashback sa utak ko yung nanyari kagabi. Napapakagat na lang ako ng labi para mapigilan yung ngiti ko na kanina pa lumalawak ng lumalawak. Kinwento ko 'yung pangyayari kay Ding pero hindi ko binanggit kung sino yung nahalikan ko.

Buong gabi ako netong inasar tapos kinwento pa niya kila Brian tapos kinwento naman ni Brian ito kay Mara.

Ang bilis talaga kumalat ng chismis.

Pero dahil doon, hindi ako masyadong pinapansin ni Ma'am Regina. Tuwing madadaanan ko siya or tuwing may itatanong ako, para bang iniiwasan niya ako.

Si Ali narin mismo ang kumukuha ng mga documents at files sa office ko at siya narin ang naghahatid ng mga 'to sa opisina ni Ma'am Regina.

Kasalanan naman kasi niya kung bakit bigla kong nahalikan labi niya eh ! Kung binigay nalang sana niya yung wine edi hindi sana ako na out of balance. Silent treatment pa talaga binibigay niya sa akin.

Akala ko pa naman professional siya eh bakit masyado syang apektado sa panandaliang kiss namin ?

Mamamatay na ako kakaisip ko ng ganto kaya hinayaan ko nalang at piniliit ko na hindi siya isipin.

Madali lang naman 'yun kasi nadidistract din yung utak ko pag kasama ko sila Brian at Mara. Madami kasi silang baon na kagaguhan eh.

Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ngayon. Masayang nagkwekwentuhan yung dalawang gaga sa harap ko tapos ako parang wala lang. Nakatitig lang ako sa labas tapos para bang ang lalim ng iniisip ko.

" Huy! Sino ba kasi 'yung nahalikan mo, kwento mo naman oh! " makulit na tanong sa akin ni Mara. Umiling nalang ako tapos ininom ko nalang yung tubig sa harapan ko.

" Ahh.. Hindi kaya si Noah yung hinalikan nyan ? " tanong sa akin ni Brian at muntikan ko nang maibuga yung tubig na iniinom ko sakanya.

Yuck! Disgusting! Hindi ko nga type 'yon eh!

" Speaking of Noah, bhe. Tingin ka sa likod mo oh. " pagturo sa akin Mara. Lumingon naman ako para tignan kung sino yung tinuturo nito. Paglingon ko, nakita kong papalapit sa amin si Noah. Dumapo naman yung mata ko sa babaeng kasama niyang naglalakad. Si Bossita— este, si Ma'am Regina.

Bigla bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko at agad kong tinanggal yung titig ko sakanilang dalawa. Kung hindi niya ako papansinin, ede hindi ko rin siya papansinin ! Sino ba siya ?

" Narda ! " masayang sambit ni Noah habang umuupo siya sa tabi ko. Napansin ko na papaalis na si Ma'am Regina. Nagkatitigan kaming dalawa pero inirapan niya lang ako bago tuluyan umalis.

" Oh, am I bothering your lunch ba ? " tanong ni Noah sa akin.

" Hindi po, ayos lang naman na sumabay kayo sa amin. 'Di ba Narda ? " Sarap talaga sungalngalin ng bunganga ni Brian.  Siya ba si Narda ? Hindi diba !

Wala akong choice kung hindi hayaan si Noah na umupo sa tabi namin. Medjo dinistansya ko yung sarili ko sakanya. Ayaw ko 'to katabi. Hindi kasi siyang kasingbango ni Ma'am— I mean, whatever.

REGINA's POV.

Before I left, sinilip ko muna sila Narda and Noah. Sabi niya hindi daw niya 'yun type so why does she keep smiling at him like that ?

I shook the thoughts away. Hindi ko parin kinakausap si Narda ever since that incident kagabi. I wanna talk to her so badly but I'm afraid na I might do things that I'll regret later on.

How'd she manage to make me feel like this ?

I returned back sa office ko and padabog akong umupo sa table ko. I crossed my arms tapos napakamot nalang ako ng noo dahil sa inis na nararamdaman ko.

Not to be a creep or anything pero I opened my computer up tapos I clicked the site that says CCTV. Geez Regina, what are you doing ? sabi ko sa sarili ko habang hinahanap yung camera sa lunch area.

There, I saw Narda and Noah laughing at eachother tapos across them were Brian and Mara. I hate it. I hated what I was seeing. I hate how she's smiling. I hate how she's laughing.

Padabog ko din na sinarado yung computer tapos isinandal ko yung sarili ko sa chair. My arms were still crossed and then I closed my eyes in hopes to calm myself.

Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.

" You look frustrated, Regina. " sabi ni Ali.

" Why don't you talk to her ? " dagdag pa nito.

" No ! Never ! I'm not gonna waste my time on her. " sumbat ko naman.

" Sinasayang mo na yung oras mo sakanya oh. You're literally watching her sa CCTV. Do you like her ba ? "

Tinignan ko si Ali ng masama sabay irap sakanya na ikinatuwa naman nito.

" Pfft— Why would I like her ? I hate her, Ali. I hate her ! "

No, I was lying when I said that but of course I won't admit it. Bahala ka diyan Custodio.

" Sure, Regina. Sure. " bulong ni Ali habang tinitignan niya ako na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko pero magprepretend na lang siya na naconvince siya.

BOSSITA. [ DARLENTINA ]Where stories live. Discover now