19.

2K 140 59
                                    

NARDA's POV.

"Ate! Ang tahimik mo .. Ayos ka lang ba ?" Kumakain ako ng almusal ngayon kasama si Ding. Si Lola Berta naman ay nagwawalis at dinidiligan niya yung mga halaman niya sa labas.

Habang kumakain ako, nagrereplay sa utak ko yung pangyayari kagabi. Ewan ko pero bigla nalang din akong namula at napansin iyon ni Ding kaya tinignan niya ako na para bang nandidiri siya sa akin.

Hindi parin talaga ako makapaniwala na nagawa kong halikan si Ma'am Regina. Sinaniban siguro ako kagabi kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko.

" Hoy! Ano nginingiti mo diyan ate ? 'La! Si Ate nababaliw na oh ! " sigaw ni Ding kay Lola.

Panira naman 'to ng moment oh!

" Alam mo ba Ding.. hindi parin ako makapaniwala.. ang tapang ko pala. "

He looked at with me a confused expression. " Ewan ko sayo Ate. May tama ka nanaman siguro sa utak. " sabi nito sabay kamot sa ulo niya.

Inirapan ko siya atsaka tumayo na rin ako dahil tapos naman na ako kumain. May shift ako ngayon e kaya nagmamadali na din ako. Ayoko ma-late. Baka may lumamon nanaman sa akin.

Magpapahatid sana ako kay Brian pero ayaw naman niya sumagot sa mga tawag ko kaya tinext ko nalang siya.

brian acm 🤢

ayaw mo sumagot ha bahala
ka na diyan sa buhay mo wag
ka na bibisita sa bahay namin 😒
Seen, 7:30 am.

Aba! Sineen-zoned pa talaga ako ng loko na 'to. Mamaya 'to sakin pag nakita ko siya. No choice ako kung hindi magcommute. Sobrang sikip pa naman sa jeep pag ganitong oras tapos ang init pa kaya pagdating ko sa building ay medjo pinagpapawisan ako.

Pagkapasok ko sa loob ay dumiretso muna ako sa comfort room para naman ayusin yung sarili ko. Tumingin ako sa salamin tapos pinunasan yung sarili ko tapos medjo nagretouch na din.

Bigla naman akong nagulat nung bumukas yung isang stall ng banyo. Pagkatalikod ko, mas lalo pa akong nagulat nang makita ko kung sino iyon.

Si Regina.

" What happened to you? You look like a mess, Narda. " It's my first time hearing her say my name and i'll be lying if I said na that did not make me feel things.

" Nagcommute lang po— I mean, nagcommute lang ako tapos.. mainit sa loob ng jeep kaya ayon.. " pageexplain ko sakanya habang kinukuha ko yung lipstick sa loob ng pouch ko. Hindi ko alam kung paano ito gamitin kaya tinignan ko na lamang ito.

" Why are you staring at that lipstick ? Don't tell me na hindi mo alam kung paano gamitin 'yan. " Sorry naman. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganto. Tamang polbo lang ako sa mukha tapos okay na.

Kinuha niya yung lipstick na hawak hawak ko tapos ini-apply niya ito sa labi niya. Pinanood ko na lamang siya tapos nashock ako nung bigla niyang hinawakan yung baba ko at inilapit yung mukha ko sakanya sabay halik sa labi ko.

" That's how you put a lipstick on. "

Shuta ka Regina! Namumula ako at alam ko na napansin niya 'yon dahil bigla nalang siyang napatawa sa akin. Naging speechless tuloy ako at para bang nablanko bigla yung utak ko.

Hahalikan niya pa sana ako pero may biglang pumasok na staff sa loob ng restroom dahilan para magulat kaming dalawa. Agad naman siyang humiwalay sa akin at nagiba bigla yung expression niya.

Naging seryoso siya, ganon.

" Custodio, you have something on your nose. Let me remove it for you. " ang bilis niya magpalit ng topic ha. Nagkunwari siya na may tatanggalin sa ilong ko kahit alam ko na wala namang dumi or something doon.

Kinindatan ako ni Regina at oh my god, biglang nanlambot yung mga paa ko. Ang ganda niya talaga !

" Ah, oh— Thank you po, Ma'am. " Nauutal kong sabi.

" I'll see you at my office then. " bulong nito sa akin tapos umalis na siya ng restroom. Nagkatitigan naman kami ni Ate sa loob tapos nginitian ko na lang siya. Ang sama ng tingin niya sakin ha!

Pagkalabas ko ng restroom nakasalubong ko si Brian. Kakapasok lang siguro niya. Agad ko naman siyang pinuntahan tapos piningot ko yung tenga niya.

" Bakit mo ako sineen ha ? " Hinarangan ko siya tapos inilagay ko yung mga kamay ko sa bewang ko. Tinignan ko din siya ng masama tapos aba, tinawanan niya ako.

" Sorry na! Pinuntahan kita kanina sainyo pero sabi sa akin ni Lola Berta na nauna ka na raw. Sya nga pala, naiwan mo yung baon mo oh. " Iniabot niya sa akin yung lunchbox ko at hinablot ko naman ito sakanya.

Napansin ko na nakatingin pala sa amin si Regina. Nakita ko kasi siya na nakatayo sa bandang sulok tapos nung nagmeet yung mga mata namin, inikutan niya ako ng mata atsaka umalis.

Lagot ako neto.

" Mauna na ako Brian! " Nagpalaam ako sakanya tapos kumaripas ako ng takbo sa papunta sa elevator para maabutan ko si Regina. Tamang tama naman at hindi ito agad sumarado kaya nakapasok pa ako sa loob.

Ang intense ng atmosphere sa loob ng elevator. Nakahalukipkip siya tapos ang tahimik lang niya.

" Inabot lang sakin ni Bri— " Ayan nanaman siya sa ugali niyang maldita.

" I know. " malamig niyang sambit. Dinaig pa yung North Pole sa lamig.

" Galit ka ba ? Lah, nagseselos ka no? "

" No. Why would I be ? " She scoffed as she rolled her eyes at me.

" Grabe ka kasi makatingin eh. Hindi ka talaga galit ? "

" I said hindi nga. You're so stubborn, Custodio. "

Wow ? Ano to ? Last name ulit tawagan namin ?

" Ediwow. Custodio pala ha. Bahala ka nga diyan Vanguardia. " bigla ko namang binawi yung sinabi ko nang tinignan niya ako ng masama.

" What did you call me ? " tanong niya sa akin. Ramdam ko yung inis sa tono ng boses niya.

" Biro lang! Mauna na po ako Ma'am! Have a great day. " I chuckled nervously before exiting the elevator.

Lagot ako sakanya mamaya, huhu.

BOSSITA. [ DARLENTINA ]Where stories live. Discover now