29.

2.1K 108 4
                                    

NARDA's POV.

I was the first one to wake up. Regina was still fast asleep and ayoko naman siyang gisingin so I just let her be.

I could seriously stare at her for hours, pero not in a creepy way ha! She's just so beautiful .. and perfect. She's everything. Hindi ko parin makalimutan yung sinabi niya sa akin kagabi.

Our first I love you.

" I know you're staring at me, love. " she said habang unti-unti niyang binubuka yung mga mata niya. I felt my heart explode at that endearment she just called me. Puta! Ang aga aga magpakilig oh!

" Sorry ha! Bawal ba tumingin sayo ? "

" Pwede naman. Pero may bayad. " Ang aga-aga pero yung pananalita niya ay mataray na.

" At ano naman ibabaya— " Magtatanong sana ako pero pinutulan naman niya ako. Hays!

" Kiss me sa lips. That's the payment. "

Gusto lang naman pala magpa-kiss. Sana sinabi nalang niya. Hinawakan ko yung baba niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. I placed a soft kiss on her lips and she replied by nuzzling her nose against mine.

Nasa kama parin kami ngayon. Ayaw niya pa daw bumangon e. Wala naman kaming gagawin since off namin. Well, ako lang yung may off at hindi siya pero si Ali ang inutusan niya na magsupervise muna sa office niya.

" Magyayakapan lang tayo hanggang mamaya ? Ayaw mo kumain ng almusal, ganon ? " tanong ko sakanya. Umiling lang siya at hinigpitan ang yakap niya sa akin. " No, cuddle with me lang. " sabi niya, in her whiny voice.

" Baby ka ? Pa-baby, hehe. " pangaasar ko sakanya pero binawi ko agad yun nung nakita ko 'yung tingin niya sa akin. Nakakunot nanaman yung noo niya tapos yung nguso niya parang aabot na ng sahig.

" Joke lang! " I peppered kisses all over her face and it worked, nakita ko yung ngiti niya.

" Narda! Regina! Mag-almusal na kayo! " hiyaw ni Lola sa amin. Kaagad naman akong tumayo sa kama tapos si Regina andon lang, nakahiga. " Tara na, susubuan kita pag tumayo ka! "

Agad din siyang tumayo nung narinig niya 'yon. Sabi ko na e! Pag susubuan ko 'to, gagana talaga. Lumabas na kaming dalawa sa kwarto ko. Si Lola ay nakaupo sa sala habag nanonood ng TV at umiinom ng kape. Umalis daw si Ding dahil may gagawin siya sa school.

Tumingin ako sa lamesa pero wala naman pagkain kungdi prutas.

Tinignan ko si Regina na nakayakap sa bewang ko ngayon. Nakapatong naman yung baba niya sa balikat ko.

" Ano gusto mo kainin, boss baby ? "

" Ikaw. " Nabigla ako sa sagot niya. Mahina kong sinampal yung kamay niya na nakapalupot sa akin. Confusion. Ganon yung tingin niya sakin ngayon. Para bang confused siya kung bakit ko siya sinampal.

Grabe talaga bunganga neto! Pag narinig kami ni Lola e!

" What? I mean .. ikaw? ano gusto mong kainin. " Ay, sorry. Iba kasi nasa isip ko eh. Ayusin mo utak mo, Narda !

" Ah, haha. Um, k-kahit ano gusto mo p-pagluluto kita. " Good Narda, nauutal ka nanaman dahil sakanya.

" I mean I can eat you too .. pero, not now. Maybe later ? " bulong niya sa akin. Her breath touched my neck and it sent shivers down my spine.

Kakaiba talaga to! Umagang umaga napakaharot. Napalunok na lamang ako dahil hindi ko na alam sasabihin ko.

" I'm kidding. " dagdag niya pa bago siya umupo. Pinagluto ko nalang siya ng hotdog tsaka ng spam, pati narin itlog. Hindi ko kasi alam kung ano bet niya kainin sa umaga e. Umupo ako sa tabi niya tapos sinubuan ko siya.

Nakangiti si Lola Berta sa amin. Nang magmeet yung mata namin, nginitian niya ako tapos iniangat niya yung dalawang kilay niya. " Ang sweet niyo naman oh! Alam mo ba Regina, ngayon ko lang nakita si Narda na ganiyan. Tignan mo naman ang ngiti oh! Napakalawak. "

" Ang ganda nga po ng apo niyo pag nakangiti, Lola. Bagay na bagay po sakanya. " Namumula nanaman ang pisnge ko dahil sa mga salita niya. Mas lumawak pa lalo yung ngiti ko at hindi ko namalayan na ginagamitan ko na pala ng tinidor yung kapeng ginawa ko para sakin.

Iba na talaga pag-inlove. Nakakabaliw!

" May gagawin ba kayo ngayon ? " tanong sa amin ni Lola.

" Ah, balak ko lang po dalhin si Narda sa mall. Ida-date ko lang po, if pwede. " Hala! Hindi ko alam 'yun ha. May pa date date pa siyang nalalaman. Pero hindi naman ako nagcocomplain. I wanna spend the day with her.

" Pwede naman. Basta ingat lang kayong dalawa, ha ? " pagbilin samin ni Lola.

Habang nagkwekwentuhan kami, sakto naman na dumating si Ali. Pinapasok siya ni Lola atsaka niyaya niya ito na kumain. Pinaghanda niya sa Ali ng kape tsaka ng tinapay.

" Oh sya! Kain ka muna. " Kinain naman ni Ali yung inihanda sakanya ni Lola.

Bago kami tuluyang pumunta sa mall, dumaan muna kami sa condo ni Regina dahil magaayos siya. Wala kasing kasya sakanya na damit ko huhu! Puro jacket ko lang ata ang kasya sakanya.

Hindi na ako nagdala ng damit dahil may iniwan naman ako na damit sa condo niya. Nauna na siya maligo at magayos. Sabi niya sabay na daw kami pero nahihiya ako kaya siya na muna pinauna ko.

Ang ganda ng porma niya. Nakafloral siya na dress. First time ko lang na makita siya na nakadress at not gonna lie, mas bagay 'to sakanya. Simple lang tignan pero napakaelegant.

" Dapat ganiyan lagi yung suot mo. Ang ganda sayo eh. "

" Pfft, nambobola ka nanaman. "

Mas simple yung suot ko. Naka loose jeans lang ako na pinartneran ko ng simpleng white na tshirt atsaka black na leather jacket.

Inihatid na kami ni Ali sa mall. Ang daming tao ngayon ha. If i'm being honest, medjo kinakabahan ako pero slight lang.

Eto kasi yung first at actual date namin.

Hinawakan ko yung kamay niya at napahinga ako ng malalim.

We're gonna have so much fun.

BOSSITA. [ DARLENTINA ]Where stories live. Discover now