Chapter-4

2K 115 28
                                    

Khell Pov

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, at bumungad sa akin ang sinag ng ilaw.

"Avhell" napatingin ako sa bedside ko.

"Ano ang ginagawa ko dito?" I asked. "Bakit nandito ako sa hospital?"

"Are you okay?— wait tatawagin ko lang ang doctor" she said. Pipigilan ko sana ito pero naka-labas na ito.

Pagkabalik nito ay may kasama na nga itong doctor, agad naman akong sinuri. Nakahawak ito sa kamay ko at bakas ang pag-alala sa kanyang mukha at mata.

"Kailangan niya lang uminom ng gamot dahil delikado ang ulcer nito" baling ng doctor sa akin habang umiiling.

"I'm okay Christell" I said and avertize my gaze.

Nagpaalam na ang doctor na lalabas na at ibibigay na lang daw kay Christell ang resita ng gamot. Tumingin ito sa akin ng masama.

"What?" i said.

"Tsk you ugh— ang tigas ng ulo mo, bakit kaba nagpapagutom" wika nito at napa hilamos sa kanyang mukha. Napanguso naman ako.

"Kasalanan ko bang tamad akong lumabas?" turan ko at tinarayan ito.

"You—" i crossed my arm to my chest. Agad itong umiwas ng tingin. "Never mind" she said. Agad itong naglakad at akmang lalabas nang tawagin ko ito.

"Where are you going?" I asked.

"Bibili ng pagkain mo" sigaw nito pero ramdam mo pa rin ang lamig sa kanyang boses. Lihim naman akong napangiti. Atleast she care of me.

Nang makalabas ito ay napangiwi ako dahil sa sakit ng nararamdaman. Hindi na talaga ako magpapagutom at baka matuluyan ako ng maaga.

Ilang minuto lang ay bumalik na ito at may dalang pagkain, tahimik niya itong nilabas mula sa paper bag, hindi talaga mahilig si Christell sa plastic dahil nakakasira daw iyon sa ozone layer.

"Eat" she said. "Because later we will go home na" ang conyo niya talaga magsalita.

Hindi ko ito pinansin at kinuha na lamang ang hawak nito. Nagsimula na akong kumain dahil sa gutom na rin.

"You have to take care of yourself" she said. Himala at kinakausap ako nito.

"W-why didn't you throw away our wedding picture?" I said out of nowhere, bigla ko na naman kasi na alala ang bagay na iyon noong lasing ito.

Umiwas ito ng tingin at hindi nagsalita. Umupo ito sa couch kaya naman hinayaan ko na lamang at hindi nagtanong pa. Tinapos ko na lang ang pagkain ko at uminom ng tubig.

"Are you okay na? Pwede na tayong umuwi sabi ng doctor" she said with cold tone.

Tinarayan ko ito at bumaba sa white bed. Naka-suot pa rin ako ng pang-professor na uniform.

Hinayaan lamang ako nito sa aking gagawin. "I'll wait you outside" saad nito at nauna nang lumabas. Inayos ko na lamang ang sarili ko at agad na rin lumabas. Hinanap ko ito ngunit hindi ko nakita kaya naman naglalakad na lamang ako hanggang sa makita ko ito sa cashier, nagbabayad pala.

Hinayaan ko lang ito sa kanyang gagawin at napatingin sa mga tao dito sa hallway ng hospital.

"Let's go Avhell" she said. Nandito na pala sa tabi ko hindi ko man lang napansin. Nauna itong naglakad habang nakasunod ako sa kanya.

Nang makarating kami sa parking lot ng hospital ay nag-alinlangan pa akong pumasok sa kotse nito. Gabi na rin pala.

"Get inside Avhell" she coldly said. Para akong aso na nakasunod sa sinabi nito.

My Wife Is A Professor(GxG)Where stories live. Discover now