Chapter-6

1.9K 113 18
                                    

Khell Pov

Dumaan ang mga araw at nakalimutan ko ang nangyari. Hindi rin ito nagsasalita. Parang umiiwas ito. Dapat ba akong maniwala o hindi?.

Ano ba ang totoo?. Naguguluhan man ay pilit ko yon inalis sa isipan ko. Bukas ay kailangan na namin mag-hiking ng mga bata.

Inayos ko na lamang ang mga folder dito sa mini table ko sa kwarto at mga papel na nagkakalat, nag linis na rin ako kahit wala naman lilinisin dito. Lalo na at may pumupunta dito buwan-buwan para lang i-sanitize itong mansion.

Nilabas ko na rin ang bag ko na kailangan sa pang-hiking, inayos ko ang pagkakatupi sa damit ko para magkasiya lahat. Nagdala na rin ako ng kumot at makapal na comforter at ang isang bag ko naman ay naglalaman iyon ng malaking tent. Inayos ko rin ang ang iba pang pangangailangan sa hiking.

Lumabas ako ng kwarto nang maabutan ko ito sa sala at nakaharap sa kanyang laptop. At himala ata.

Tumingin ito sa direksyon ko pero agad rin umiwas ng tingin. Para kaming bumalik sa una na walang imikan at tanging cold treatment lang ang namamagitan sa amin.

Yung gusto kong magpaturo sa kanya ay hindi na natuloy.

Tinungo ko ang kusina at kumuha ng bread, nilagyan ko rin iyon ng butter nang matapos ay naabutan ko pa rin ito sa sala at busy sa harap ng laptop nito.

Parang hindi na ako sanay sa pagitan naming dalawa. Mas bet ko pa yung kinausap niya ako kahit masungit, matalim ang tingin o malamig ang pakikitungo. Sa ganyang emosyon ay malalaman ko pa.

Pagsapit ng hapon ay ganon pa rin, nakatutok lang ito sa harap ng laptop at kumakain ng pizza habang ako naman ay nanuod ng tv habang kumakain ng waffle.

"You distracting me" singhal nito, hindi ko ito pinansin at nanuod ako ng netflix. Mas nilakasan ko pa ang volume. "Avhell Khell Cameron" singhal nito. "Damn!" she cursed.

Hinaan ko naman ang volume ng tv at tinignan ito ng masama. "Minumura mo ako?" inis na wika ko.

"Hindi" saad nito at binalik ang tingin sa laptop. "Tsk"

Tinuon kong muli ang tingin sa tv. "Ay pota—" I cursed. Tanginang multo to masiyadong nanggugulat.

Napatingin ako sa gilid ko, i gulp when our eyes met, ang sama ng tingin nito sa akin. "You're so loud" she said. "I can't focused"

Tinarayan ko ito pero agad rin akong napasigaw. Ano bang multo to. Hindi ko tinapos iyon at naghanap ng bago.

Nanuod na lamang ako ng Chainsaw massacre. Mas bet ko pa brutality kaysa sa multo na nanggugulat.

"Seriously? You can watch that arghh—" wika nito na tila nandidiri pa.

"Edi huwag ka manuod, ito ang gusto ko eh"

"That kind of brutality scene?" singhal nito.

"Eh ano naman? Maganda nga to"

"Yeah! You're so loud and distracting me here"

"Doon mo sa kusina ipagpatuloy or maybe sa room mo" wika ko, malamig na naman ang tingin na pinukol nito sa akin and shaking her head. Tanda na hindi nito gusto ang sinasabi ko.

"Brat" she said. Biglang tumaas ang dugo ko sa sinabi nito.

"Ano?"

"I said brat" ngumuso ako at hindi ito pinansin, tinuon ko ang mata ko sa tv habang kumakain pa rin ng waffle.

Kahit magulo pa ang buhay ko dahil sa babaeng alagad ni elsa basta may waffle ay gaganda ang mood ko. Wala naman akong pakealam jan lalo na sa lalaking iyon. Pake ko sa kanila?.

My Wife Is A Professor(GxG)Where stories live. Discover now