Simula

19 3 2
                                    

Simula.



Hindi ko matanggap ang sinabi ni tita. I am really sick?!!


Hindi!




Hindi yon totoo!!

Kasama ko ngayon ang best friend ko at andito ako nakatambay sa bahay nila.






"Baka naman totoo yung sinasabi ng tita mo," Luh





"Gaga, Hindi ako baliw!" Inis na sabi ko.




"Edi Hindi," mapangasar na sabi niya. Sampalin ko kaya to. Kanina pa

Napahiga na lang ako sa sofa.

"Ang bored naman ng buhay ko" sabi ko.

"Emas, " sabi niya. Tang*na saan Naman niya nakuha yan?!! Tapos Bigla na lang siya ngumiti na parang baliw, feeling ko may naisip na naman to na gagawin namin.





"Ah alam ko na para 'di tayo mabored" nakangiting sabi niya.


"Eh ano?" Tanong ko.



"Picnic" sagot niya. Hmmm okay na rin.


---


Nakahanda na sa isang basket ang pagkain na dadalhin namin, ako na nagbitbit Kakahiya naman wala akong ambag.



Naglalakad na kami sa isang masukal na gubat. Saan ba to papunta.





"Teh saan ba tayo mag pipicnic?" Tanong ko.





"Basta" sabi niya lang sa akin.



--


Mahigit na magiisang oras na kaming naglalakad pero 'di ko pa rin alam kung saan ba kami papatungo, tsaka sumasakit na rin ang paa ko.


"Malapit na tayo" sabi niya.



"Kanina mo pa yan nasabi," inis na sabi ko.



Narinig ko naman siyang tumawa.




"Ito na nga oh" sabi niya tsaka naunang naglakad.





"Putek, balik na lang kaya tayo dumilim na oh" makulimlim na kase, baka umulan mamaya.


Hindi yan.




Naglakad pa siya hanggang sa may mapuntahan kaming isang managing gate.




Barvia's Cemetery




"Tang*na, simenteryo talaga?! " Inis na sabi ko.




Mag pipicnic tapos sa cementeryo, naluwagan ba ng turnilyo ang utak nitong kaibigan ko?!





"Oo, lika na" Sabi niya tsaka hinila ang braso ko, mabilis lang kami nakapasok sa gate akala ko may lock pa eh.




Naglakad lang kami ng lakad at siya naman ay nakahawak pa rin sa braso ko.



Kingina, imbis na magutom ako parang ayoko na lang kumain lalo na sa cementeryo.



Pag meron kaming naapakan na puntod oh di kaya nadadaanan ay nag tatabi-tabi po ako bilang panggalang at para hindi na rin maistorbo ang mga patay.



Bigla na lang tumigil siyang tumigil sa paglalakad.



Huminto kami sa parang bahay. bahay ng patay.




"Shuta kang babae ka! Dito talaga?! Jusko" inis at gulat na bulalas ko dito.


"Lika na" hinila niya ulit ang braso ko.



"Aray ha!" Inis na sabi ko. Kanina pa siya sakalin ko na to eh.



Pumasok kami dito at buti naman ay wala namang patay dito, Tsaka medyo malawak dito meron din na malaking lamesa sa gitna nito at mga upuan.

Kaagad na siyang pumunta dun at umupo, ako naman ay sumunod sa kanya at umupo sa bakanteng silya katabi sa kanya.

"Bakit ba dito mo naisipan na magpicnic tayo, beh nasa simenteryo tayo uy!" Tanong ko dito.


"Mas gusto ko lang dito at least dito tahimik tsaka hindi ako nagiisa" kinilabutan naman ako sa sinabi niya.

"Malamang eh puro kasama mo, patay na!" Inis na sabi ko. Mygod Lord ano bang meron sa kaibigan ko at parang may sinaniban ng kung sinong masamang espirito.

"Lika na nga lang mag picnic na tayo at mas lalong maganda dahil meron kang chismis na ikukwento sa akin. " excited na sabi niya saka inilabas ang pagkain na kakainin namin.

Napaghahalataan na chismosa

---

Dalawang oras ang tinagal namin dito, syempre ang dami ko kayang baon na chismis.

Dahil siguro bored ako napagpasiyahan kong umidlip muna.

---

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng dahil sa kulog at malakas na ulan na ng gagaling sa labas.

Unti kong iminulat ang aking mga mata, nakita ko na madilim na ang paligid, mabuti na lang ay may ilaw sa labas.

Ipinalibot ko naman ang paningin ko sa paligid, andito pa rin ako pero bakit wala na siya dito?

Umalis na siya?

Napatingin naman ako sa inuupuan ko ngayon, andito pa rin ako sa upuan pero yung lamesa kanina, wala na dito iyon, tinanggal ba kase iba na tong nakalagay dito, mukha tong libingan.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone sa ibabaw nito.

Nang buksan ko ito para tawagan si tita para magpasundo dahil sa wala akong dalang payong at madilim na rin dahil gabi na pero ang malas talaga ng araw ko dahil walang signal.

Sasabunutan ko talaga bukas siya, iniwan ba naman ako dito, dagdag pa na gabi na sinong Hindi matatakot.

Sobrang lakas ng ulan sa labas, tapos ang lakas pa ng mga kulog, mygod baka mamaya may sumulpot na multo likodan ko.

----

Ilang minuto na akong nakatambay dito, gusto ko ng umuwi!

Dahil sa bored na ako dito naglibot muna ako dito kahit Hindi na kailangan libutin dahil maliit lang naman dito.

Napatingin ako dun sa bato kung saan nakalagay ang lamesa kanina.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko ang lapida duon, at mas lalo kong ikinagulat ng makita ko kung sino ang nakapangalan dun.





H-hindi!!

The VacationWhere stories live. Discover now