02

6 5 0
                                    

[UNEDITED]



HINDI ko pa rin lubos maisip kung bakit andun yung pangalan ko. Baka naman kangalan ko lang yung may ari. Hmm napatango naman ako sa naisip. Baka nga.

Kanina kase, titignan ko pa sana yung mga naka sulat don kaso nahuli ako nung guard, wala naman akong choice kundi.... Dalhin na lang sa akin yung libro or diary basta kung ano man yon. Kinuha ko na, naku- curious talaga ako kung anong na sa loob para bang may sariling isip tong katawan ko na imbis ibalik kung saan ko kinuha iyon eh dinala ko na lang pauwi.

(Bawal gayahin to masama po manguha ng gamit ha :))

Kasalukuyan akong naglalakad papa-uwi ng bahay  ng may nakita akong matanda na nakatingin sa’kin, nasa kabilang kalsada siya pero hindi ko maiwasan matakot lalo na nung ngumisi siya. Ang creepy. Bigla lang may dumaan na isang kotse at naharangan siya ng makaalis iyon nagulat ako ng wala na ang matanda kung saan ito nakatayo kanina. 

Naglakad na ulit ako paalis, ewan ko ba pero nung makita ko yung babae kanina bigla na lang akong kinilabutan.

Hawak-hawak ko pa rin yung libro. Hindi ko na nalagay sa bag kase pinaalis na ka-agad ako nung security guard ng school.

--

Andito na ako sa may pintuan ng bahay namin, ng buksan ko ito akala ko sasalubungin ako ni tita na lagi niyang ginagawa pagka-uwi ko galing school. Hindi ko inaasahan ang maririnig ko pag kapasok ko sa bahay.


Juicecolored, my god bakit may umuungol dun ಥ_ಥ



My virgin ears



Hindi na ako magtataka kung may ginagawa silang milagro dun, or ginagawa na nila ang pinsan ko pero sino yung lalaki?!! Hindi man lang pinakilala sa akin bago sila mag jugjugan diyan.

Huminga ako ng malalim tsaka kinuha ang headset ko sa bag, ikinabit ko iyon sa cellphone ko bago nagpatugtug, finull volume ko iyon para hindi ko maranig ang mga ungol nila diyan, pumunta ako sa may upuan naming gawa sa kahoy actually mahaba iyon at pwedeng higaan, good luck na nga lang sa likod mo.

Maganda rin naman yung pinapatugtug ko, isa sa mga song ni Taylor Swift, ang gaganda ng mga kanta niya pero gusto ko dun yung all to well, sad gurl kase ako charr.

---

Napaigtad ako ng may biglang kumalabit sa akin, napatingin ako sa likod ko at nakita ko si tita na gulat na nakatingin sa akin. Tinggal ko at headset sa aking tenga at nagtataka ko siyang tinignan.

Tapos na pala sila gumawa ng baby.

Nakita ko rin yung ka-jugjugan ni tita na nasa likod niya at wala akong nakikita ni kahit anong emosyon sa mukha nito, pero inferness ang gwapo niya, mukha siyang may lahi, bagay siyang maging model. Okay na rin pala eh kung mabuntis man si tita siguradong gwapo/maganda ang magiging anak nila lalo na may lahi rin si tita.

Nagulat naman ako ng dumako ang tingin niya sa akin Kaya napaiwas ako ng tingin at tumingin kay tita.

"Faye, K-Kanina ka pa diyan" tanong niya, tango lang ang sinagot ko sa kanya. Kita ko naman na para siyang nataranta.

"S-So narinig mo—" Hindi na natapos pa ang sasabihin ni tita ng tumayo na ako.

"Narinig ko tita, tsaka matutulog muna ako, pagod kase ako eh" kiniss ko lang sa pisngi si tita at mabilis na pumunta sa kwarto ko at humiga sa kama. Dahil sa pagod ay nadala na aking katawan para matulog at mamahinga.

---

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling mula sa bintana.

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko at dahan-dahan na bumangon mula sa pagkakahiga.

Ano yun?

Tumayo ako at dumiretsyo sa may bintana, at nakita ko..... Yung matanda na nakita ko kanina.

Ang creepy.

Nakatingin kase siya sa akin na para niya akong kakainin ng buhay.

"Azalea"

Napahawak ako bigla sa ulo ko dahil sa biglang pagkirot nito.

Habang iniinda ang ang sakit ng ulo, parang may sariling isip ito at napatingin sa pwesto ng  matanda kanina.

Wala na siya.

---

ANG Weird na talaga ang nangayayari sa akin.

Kanina dun sa may matanda, nung bigla siyang nawala gaming dun yung sakit sa ulo ko.

Mygadd!!..

Napatingin bigla ako sa pinto ng marinig ko ang pagkatok dito.

"Faye?" Boses yun ni tita.

"T-tita"

"Halika na, faye, kakainin na" sabi niya.

"Susunod na lang po ako"sabi ko.

"O sige" sagot niya. Narinig ko ang yapak ng paa niya papaalis sa pintuan ng kwarto ko.

Napatingin naman ako sa sarili ko dun sa salamin.

Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit, nangangamoy araw na rin ako.

Pero napansin ko parang may sugat sa may bandang nuo ko.

San ko naman to nakuha?

Bahala na nga.

Pumunta ako sa may cabinet ko at kumuha ng pamalit tsaka lumabas sa kwarto at bumaba para pumunta sa banyo.

--

Pagkalabas ko ay dumiretsyo na ako sa may kusina, nakita ko naman na naghuhugas ng plato si tita. Tapos na siya kumain?

Mukhang naramdaman niya ang prisensya ko at napatingin sa gawi ko.

"Oh ikaw pala, faye, kumain kana"sabi niya tumango naman ako, siya naman ay tinapos na ang paghuhugas niya. Aalis na dapat siya kaso pinigilan ko na siya.

"Tita" tawag ko sa kanya.

"Hmmmm" iyon lang ang tanging narinig ko sa kanya.

"Sino yung lalaki kanina" tanong ko.

"Ah eh magiging future uncle mo" naiilang niyang sabi, napa ahh naman ako.

Jowa niya pala eh.

"Kumain ka na diyan" pagkasabi saka siya umalis.

Nagkibit balikat na lang ako tsaka Tinignan ko talaga ang kaldero kung meron anong ulam. Adobong manok iyon. Dahil sa gutom at sa paborito ko ang ulam na yon, dali-dali akong kumuha ng plato at kutsara at kaagad na akong sumandok ng kanin at ulam pagkatapos pumunta na sa lamesa at umupo niya tsaka ko linamutak ang pagkain ko.

Ganto talaga pag gutom na gutom, parang hindi kumain kanina.

Pagkatapos ko kumain, hinugasan ko yung pinagkainan ko tsaka pinatay ang ilaw sa kusina at umakyat papunta sa kwarto ko pagkapasok ay agad akong nahiga sa kama hanggang sa unti unti na akong nilalamon ng antok.

KINABUKASAN.

BORED na bored na ako dito sa bahay, wala naman masyadong ginawa dito sa bahay, mabuti sana kung may pasok kaso wala.



Gaga, kahit naman may pasok nabobored ka pa rin.



Tanginang isip yan, well, totoo naman.


Hmmmm tutal bakasyon naman saan kaya ako pwede mamasyal?


Gusto ko sana yung tahimik, preskong hangin at may magandang tanawin.

Malayo sa siyudad na ito

The VacationWhere stories live. Discover now