11

3 3 0
                                    

Umuulan ng malakas, mahangin ng malakas, at eto ako na I-stranded sa isang lugar kasama ang asungot.

Andun na sana ako sa bahay at masayang nagbabasa pero panira itong bwesit na to, augh! Pano na ako makakauwi niyan!!

"Hoy asungot! Asan ba tayo ha?! Saka ano bang nakain mo at dinala mo ako rito?!! Nakahithit ka ba—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya "shut up will you?! You talk to much! Ang sakit sa tenga,"  irita na sabi niya.

"Aba sa akin ka pa naiinis?! Sino bang nagsabing pumunta tayo rito ha?! Saka ikaw nagdadala sa akin dito Tapos maiirita para kang tanga! "

"Ako pa ang tanga ah—" "Oo!!" Galit na ako. Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan kung mate-text ko si niko pero walang signal!! Putik!

Flashback~

Aalis na dapat ako ng may humatak sa akin at dinala ako kung saan.

"Kaizer!!!" Sigaw ko rito pero para siyang bingi at Hindi man lang natinag sa sigaw ko.

"Ano ba?! " pinipilit ko ng tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin pero sadyang malakas siya at Hindi ko matanggal-tanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

Naglakad lang kami ng naglakad at ako at kumakawala sa pagkakahawak niya kasi gusto ko ng umuwi.

"Kaizer bitawan mo na ako!" Don ay humarap na siya sa akala ko bibitawan na niya ako pero nanlaki ang mata ko nung buhatin niya ako na parang sako ng bigas.

"Ahhh!! Kaizer!" Kumawag-kawag pa ako wala na akong pake kung bitawan man niya ako pero gusto ko na talagang umuwi!

Nagulat ako ng paluin niya ang pwet ko na para bang bata ang pinalo niya.

"Manahimik ka nga ang ingay mo saka ang likot mo ano ka kiti-kiti? " Inis na sabi niya.

At don Hindi na ako na ako nagreklamo pa at nanahimik na lang, lupa lang ng dinadaanan namin ang nakikita ko.

‘di ko nga alam kung saan kami patungo e. Bahala na lang siya sa sarili niya kung sumakit ang balikat niya sa pagkabuhat sa akin. Karma niya yan.

Habang naglalakad siya naramdaman ko ang na parang may tubig na tumutulo.

Umaabon ba?

Patuloy parin iyon hanggang sa unti-unti ng lumakas ang tulo nito. Shit.

"Kaizer ibaba mo na ako!" Binaba naman niya ako pero bago pa kami makahanap ng masisilungan ay bumuhos na ang ulan, at parehas na kaming basa!

My god!!

Nakahanap naman kami ng abandonadong bahay kasi mukha na itong luma saka mukhang wala ng nakatira. Agad kaming pumunta roon at pumasok.

Wala ngang tao na narito.

Merong kama pero parang may namatayan naman diyan sa kama, may lamesa rin saka yung mga gamit ang gulo-gulo parang dinaanan ng bagyo, meron ding fireplace dito.

Gusto ko ng umuwi!

Naalala ko bigla na may dala-dala pala ako cellphone, Sana lang hindi 'to nabasa.     ᕕ( ཀ ʖ̯ ཀ)ᕗ

Kinuha ko ito sa bulsa, pasalamat at Hindi naman siya ganon na nabasa pero ng buksan ko ito upang tawagan si niko.

Walang signal!!!!!

Masama kong tinignan si Kaizer na ngayon ay parang may hinahanap.

Kasalanan niya to kung bakit andito kami at na I stranded sa lumang bahay na to!

End of flashback~

"Maghanap ka na lang ng lighter o kaya posporo, o kung wala naman maghanap ka ng pwede nating gamitin para makagawa ng apoy, lumalamig na," walang emosyon na sabi niya at mukhang may hinahanap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The VacationWhere stories live. Discover now