8

698 18 0
                                    


Bobo pero Hot na Killer si Nday

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

Mag aalas sais na ng gabi kaya bumaba na
ako sa kusina para kumain.hanggang ngayon
ay hindi pa nakauwi si sweetheart ko.
"Good evening po maam kain na po
kayo". nakangiting sabi ni beverly sa akin.ang
aga ko namang kumain.ganon kasi sa
probinsya maaga pa kumakain ang mga tao
kasi alam nyo na..
.walang kuryente at sayang din sa gas..yong
inilalagay sa lampara para sumindi.yon lang
ang gamit namin..
Tapos alam niyo na ang kasunod kapag
madilim may lagim.hahaha..ang mga mag
asawa nag aano..nag tototot..kaya nga ang
daming mga anak kasi ang aga na mapatay
ang ilaw...ang lamig pa naman kaya masarap
mag totot...hahaha
'Salamat.o sabay na po kayo beverly wag
kayong tumingin lang dyan"sa tuwing kakain
kasi kami ay nakatingin lang sila sa amin..
"Ayyy busog pa po kami maam kayo nalang
po." todo tanggi niya...wow ang sarap ng
ulam hahaha ang lalaki ng mga alimango at
hipon...
Kain lang ako ng kain.ang dami pang
prutas.iba talaga ang mga mayayaman.
Pagkatapos kong kumain ay naligo muna
ako..
Tapos nanood ng tv dito sa kwarto...ang
galing naman ni sir may sinehan dito sa
kwarto ang yaman yaman...sobrang laki ng
tv.lahat ata ng kwarto ay may malalaking
tv...
"Ohhh mabuti naman at nakabihis
kana"...kakabukas lang ng pinto at pumasok
ang pogi kong ano...ahm..asawa?
boyfriend,sir? Di ko alam basta kasex na nga
lang para sigurado..
"Ayyyy opo sir.hinihintay po talaga kita kasi
magpapasama ako sayo diba?" ..pupuntahan
namin ang nanay ko.sabi daw ni tatay kapag
gabi ang trabaho ni nanay.
"Sige,,,pakitingnan nalang pala sa garahe
kung andon ang limousine hindi ko kasi
napansin e.baka ginamit ni john nong isang
araw kapag andon ay yon nalang ang
gagamitin natin" sabi niya sa akin at
dumiretso na sa banyo.
Siyempre mabait ako kaya bumaba nalang
ako at tiningnan kung andon nga yon.
Hinintay ko nalang siya dito sa sala...
Pagkatapos ng 30minutes ay bumaba na rin
siya mag aalas otso na pala ng gabi.
"Oh andon ba ang limou sweetheart sa
labas?" tanong niya sa akin habang pababa
sa hagdan.
"Wala po sir e" ...sabi ko sakanya.e sa wala
naman talaga.ang nakikita ko lang don ay
ang dalawang malalaking aso na nakatali at
mga sasakyan.mga apat ata na sasakyan.iba
talaga kapag bilyonaryo ka sa amin nga
karusa lang.basta yong nilalagay sa
kalabaw...
"Ganon ba ?baka kinuha nga ni john tara
na." hinila pa niya ako palabas.
"Hindi ka po ba kakain?" tanong ko
sakanya.baka mamaya himatayin pa to o di
kaya mamatay sa gutom e kasalanan ko na
naman.
"Busog ako..kakagaling ko lang sa birthday
party ng barkada ko kaso umuwi ako dahil
sabi mo nga ay pupuntahan natin ang
nanay mo" napangiti ako..wow napakabait
naman pala ng lalaking to...inuuna pa ako
kesa sa bonding nila ng mga kaibigan niya...
"Ohhhh inday andito naman pala yang
limousine ko e akala ko ba wala?" nagtataka
niyang sabi sa akin.hala wala kaya.
"Wala kaya sir..e aso lang naman ang
nandito e" ...as in wala talaga...aso lang
talaga e.maliban nalang siguro kung
langgam ang tinutukoy niya e hindi ko
talaga makikita yon o baka naman kauri ng
lamok???.
Lumaki lang ako hindi ko pa narinig yang
limousine na yan.bakit walang naituro sa
amin ang teacher ko???ano ba kasing
klaseng hayop yang limousine na yan?...~
"E anong tawag mo dito?" napipikon na sabi
niya habang tinuturo ang pinaka mahabang
itim na sasakyan na nasa tabi ng pulang
sasakyan.
"Ahm..kotse po o sasakyan." inosente kong
sabi...hindi naman siguro ako bulag para
hindi makita yang sasakyan diba???
"Exactly!!!ito ang tinutukoy ko na
limousine" pag eexplain niya sa akin tapos
binuksan na niya.
"Hindi mo naman kasi sinabi na sasakyan
pala yang limousine na yan...akala ko
hayop..sana sinabi mo nalang na sasakyan
na kulay itim edi naintindihan ko pa"naiinis
na sabi ko at sumakay na rin sa tabi niya...
Ang dali daling sabihin na kotse may pa
limosine limosine pa siyang nalalaman...
"Oo na sorry na hindi ko naman alam na
hindi mo pala alam ang limo". tapos
nagdrive na siya binuksan naman ng yaya
niya ang gate.
"Nextime kasi sabihin mo ng maintindihan
kou". Nakasimangot na sabi ko...e hindi ko
naman talaga alam ang limo na yan e..bakit
ba kasi walang ganyan sa probinsiya..basta
sasakyan kotse na tawag namin don...
"Saan pala tayo pupunta?". Tanong niya
habang nagdadrive.
Ibinigay ko sakanya ang address.
Napapreno siya ng makita ang ibinigay ko
sakanya.
"Are you serious?dito nagtatrabaho ang
nanay mo?" hindi makapaniwalang tanong
niya sa akin na tumango tango lang ako.
"Oo dyan nga sa hotlegs nagtatrabaho ang
nanay ko." ...anong masama kung dyan nga
siya nagtatrabaho.
"Alam mo ba kung ano ang trabaho ng mga
babae don?" tanong niya sa akin na hindi
talaga makapaniwala
"Oo naman.dancer sa club" ..e ano naman
kung dancer sa club ang nanay ko..magaling
naman siyang sumayaw.
Ilang oras pa ay nandito na kami..pagpasok
namin ay nakita ko ang mga mesa na puno
ng nag iinumang mga lalaki at may mga
bakla pa..sanay naman ako sa disco sa amin
kaya hindi na ako nagulat pa.inexpect ko na
ganito talaga ang sinasabi nilang club.patay
sindi din ang ilaw dito na parang nasa
diskuhan lang sa probinsya.
"Shit!!!wag kang tumingin sa stage" galit na
sabi ni sir...nanlaki kasi ang mga mata ko ng
makita ang tatlong lalaki na sumasayaw sa
gitna tapos hinubad ang
brief...waaaahhhhh... hala kagaya nong
itsura kay sir kaso napatunayan ko ngayon
na malaki talaga pala ang ano ni sir..
Tinakpan niya ang mata ko..
Pero tinanggal ko parin kaya hinila na niya
ako.lumapit kami sa isang waiter.
"Excuse me pare may nagtatrabaho ba
ditong Pilita cruz?" tanong ni sir.
"Opo sir kakatapos lang po ng show niya
nasa backstage na po siya" magalang na sabi
ng lalaki..
Hinila na ako ni sir papunta sa likuran.medyo
mahina na ang music.may mga nakasalubong
pa kaming mga bouncer.
"Excuse me sir bawal po ang pumasok
dito" sabi ng isang malaki ang katawan.
"Gusto lang po niya makausapang nanay
niya" paliwanag ni sir sa mga ito.
"Opo.nanay ko po si pilita cruz"... dugtong
ko sa sinabi ni sir.
"Ohh ano ngayon kung nanay mo basta
bawal kayo dito." pagtataboy pa sa amin
nitong malaking tao..magkasing tangkad
lang sila ni sir kaso mas malaki ang katawan
ng mga ito at nakakatakot tingnan ang mga
muscle...
"Ahhhh.mag aapply po ako kuya bilang
dancer." tiningnan ako ng mga ito.kahit
nakapantalon lang ako at light blue na
sleeveless ay alam ko na ang hot hot ko
tingnan...
"Yan siguro pare ang sinasabi nila na
bagong dancer na ipinasok ni pilita
dito" sabi ng kaibigan niya.
"Ahhh oho..ako nga po yon" sana naman
maniwala ang mga ito.
"Ahhh sya pala,?o sige don siya sa
pinakadulong kwarto"..turo sa amin ng
isang lalaki..
"Salamat po." magalang kong sabi tapos
pumasok na kami ni sir...medyo mahina na
rin ang music na naririnig namin lalakas lang
kapag may magbukas ng pinto na nag
coconnect sa club at dito sa likod.
Kumatok muna kami ng tatlong beses tapos
pumasok.
Nakita ko ang isang babae na nakaupo sa
maliit na silya
.naka panty at bra lang ito halatang pagod
na kakatapos lang sumayaw.. mahaba ang
buhok
Mapupula ang labi.matangos ang ilong at
maganda dahil kamukhang kamukha ko.
"Anong ginagawa mo dito?" parang balewala
na sabi niya at humithit pa ng sigarilyo at
ibinuga at inilagay sa ashtray.
"Boyfriend mo?naka jackpot ka
ah.mukhang mayaman". kinuha niya ang
isang bote ng alak na nasa mesa at ilang
lagok lang ay naubos na niya.
"Nanay kasi gusto ko lang sabihin na patay
na po si tatay." hindi pa kasi niya alam na
kasama si papa at mama sa nalunod na
barko dahil minsan lang siya umuuwi sa
amin.
"sa wakas namatay din siya...edi
wow!!!". galit siya sa tatay ko.matanda kasi
siya ng sampong taon kesa kay nanay
14 years old palang noon si nanay ng
magkagusto si tatay sakanya.sa sobrang
pagmamahal ng tatay ko sakanya ay umabot
sa puntong nerape ni tatay si nanay.kaya
kahit sa akin ay galit na galit siya.
Nagrebelde siya at dito na nga napadpad sa
maynila at dahil bata pa ay walang matinong
trabaho na napasukan kaya heto naging
dancer sa club..34 na siya ngayon pero dahil
maganda at sexy ay hindi mo mahahalata
ang edad niya...mas bata pa nga ata to
tingnan kesa sa akin..
"Grabe ka naman nanay kahit papano tatay
ko din yon" mabait si tatay at mahal na
mahal ako.siguro sobrang minahal niya lang
ang nanay ko kaya nagawa niya yon.at
sobrang nagsisi naman si tatay sa ginawa
niya.alam ko dahil ikinwento.ni tatay sa akin
ang lahat
.magkasintahan naman sila ni nanay noon
kaso hindi lang siguro matanggap ni nanay
na maaga siyang naging ina kaya sobrang
galit kay tatay at iniwan na nga kami.
"Edi sumunod ka sa kanila.umalis na nga
kayo sa harapan ko" galit na sabi niya sa
amin.si sir jim tahimik lang.ayaw niya
sigurong manghimasok sa aming mag ina.
"To naman makasigaw ka sa akin parang
hindi kita nanay a." nakasimangot na sabi
ko.
"Hindi naman talaga kita anak.at wala
akong anak na kagaya mo kaya alis sa harap
ko"...
Magkatabi kaming Naupo ni sir dito sa harap
niya...
"Oh rolando honey!" sabay tayo niya at
hinalikan ang lalaking bago lang
dumating...puno ng tattoo ang katawan.
Bigla akong nanlamig dahil ito ang lalaking
pumatay don sa amo ko dati.parang gusto
kong tumakbo
"Ohhh sino siya anak mo?ang ganda naman
niya..pwede pahiram?" nakangisi pa siya at
may pagkamanyak na tumingin sa
akin...namumukhaan ba niya ako?pero hindi
naman nila ako nakita noon..basta ang lakas
ng pagkatambol ng dibdib ko.sobrang
kinakabahan ako.
"Hindi ko anak yan.at wala akong
anak". todo tanggi na sabi ni mama..
"Relax wag kang pahalata!" .bulong ni sir sa
akin at hinawakan pa ang kamay ko na
nakapatong sa legs (lap)ko at bahagyang
ipinisil..napatingin ako kay sir.alam ba niya
na kakilala ko siya?
"Ang kahinaan mo sa mga sinabi ng nanay
mo ay hindi na kailangan pang ipakita sa
harap niya na nasasaktan ka.ipakita mo na
matapang ka at hindi apektado sa kung ano
mang pag treat niya sayo okey?" nakangiti
niyang sabi...
"Ohhh ano pa hinihintay nyo?layas na sa
harapan ko" .pasinghal na sabi ni nanay kaya
umalis na din kami ni sir.
Napakaliit talaga ng mundo.kinakasama pala
ng nanay ko ang totoong killer ng mga amo
ko noon.

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon