39

598 19 0
                                    

BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 39

[Inday's Pov]

"Bev?gusto ko maging kambing!" Sabi ko sakanya habang nakaupo kami dito sa sala at nanonood na naman ng favorite naming pelikula.ang ganda kasi ng mga pelikula ng taga india.ang gaganda ng babae pero ang mga lalaki ay hmmp!nevermind.
"Ahh.sige wait lang!ako gusto ko din" pumunta na sya sa kusina para ipaghanda ako.
Pagbalik niya ay dala na niya ang pagkain naming puro damo.hahaha.
Yong salad daw to e.basta may carrots,pipino at mga dahon ang sabaw ay ang maasim na lemon.wala naman atang matamis na lemon e.
Kaya pag sinabi kong kambing ay alam na ni bev yon.dala din niya ang sakanya.
"Ayy ang daya bakit sayo may mga prutas.gusto ko din yan" nakasimangot na sabi ko.
Ang sakanya kasi ay may mansanas,grapes basta marami tapos may sabaw na orange juice.
"Ano yan bev?". tanong ko.
"Fruit salad din" sabay kain niya.hala mukhang masarap.
"Penge!" Hehehe natatakam ako e.mabuti nalang dahil puro prutas ang kinakain ko.dati nong dinala ako ni jim sa restaurant ay ayaw ko ng mga ganito pero mula nang nabuntis ako ay gusto ko na.nasanay na din ako kasi ito ang laging kinakain ni bev pampaganda daw ng balat at pampabata ng mukha.sus!di na kailangan mukha pa akong bata.
"Sige.o ito". sabay abot niya sa akin ng isa pang bowl na may laman ng fruit salad daw.
"Hmmmp!masarap bev hehehe gawa kapa uli". tuwang tuwa na sabi ko.
"Ba't hindi pa kayo nakabihis?" nakasalubong ang kilay ni jim nang pumasok.
Mag aala una na kasi ng hapon at may usapan kaming pupunta kami sa mall ngayon.
"Kayo nalang.dito nalang ako!". bumaba na din sina john at isabel na nakabihis na.
"Inday bihis kana o kakaladkarin kita para magbihis". utos ni jim sa akin na parang bata pero hindi ko sya pinansin at nanood lang uli ng tv.
"Bev magbihis kana alis na tayo". utos niya.agad namang tumayo si bev at pumunta sa kwarto nila ni manang.
"Pa hard to get.akala mo kung sinong reyna." nag umpisa na naman ang fake.made in china.gaya gaya copycat! Na babae.baka pati mukha ng baby namin e gayahin din nila.
"Reyna naman talaga ako.waaahh..sweetheart ibaba mo ako". binuhat niya ako palabas dito at ipinasok sa loob ng van.
"Sweetheart baba mo na ako". hindi pa kasi ako nakabihis naka short lang ako,black tshirt at tsinelas.
"Sabi ko sayo magbihis kana e.ganyan ka nalang". sumakay na din sina manang at bev.si isabel ay sa front seat at si john ang nag drive.
"Sabi sainyo hindi ako sasama e". naiinis talaga ako.
"Bibili tayo ng mga gamit ni baby kaya wag ka ng magreklamo". lagi nalang akong kinukontra ni jim parang malapit na akong maniwala na hindi niya ako mahal.paano kaya niya natanggap na may iba na si isabel at pinsan pa niya?
"Teka lang.bakit hindi ka nagreklamo na si john at isabel na?wag mong sabihin na wala ka ng anesthesia?" Pagdududa na sabi ko.dapat kasi ay magalit siya e.
"H-ha?ahh wala naman akong magawa e.isa pa nauna naman akong nagloko magkababy na nga tayo diba?ano ang gusto mong bilhin sa mall?"
Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.halatang umiiwas ang loko sa usapan.
"May amnesia pa ako.hindi ko pa matandaan kung paano tayo nagkakilala at kung paano kita minahal"
hmmp!bakit pakidamdam ko nagsisinungaling lang sya?pero hindi na ako nagpumilit pa.kung ayaw niyang umamin edi wag.!
Pagdating namin sa mall ay agad kong hinila si bev para kami ang magkasama.nakasunod lang sila sa amin.
"Sa grocery muna tayo gusto kong bumili ng mga prutas.". excited na sabi ko. dati ako lang ang kumakain ng mga pagkain ngayon may kaagaw. ayokong bumili ng mga damit.marami pa ako don na binili ni jim.at sa bata naman ang liit pa ng tiyan ko.hindi ko pa nga alam kung babae ba o lalaki to.
Wala naman silang magawa kaya sumunod nalang sila sa akin.
"Wow!kuha ka ng maraming apple babe.damihan mo sale naman daw oh.gusto ko to". tuwang tuwa na sabi ng bruha sabay lagay ng apple sa cart.ang dami ding tao na bumibili dito.
"Gaga.malamang mall to kaya sale.san ka nakakita ng apple na free?". sabat ko.ang ingay ingay kasi.sobra pa to sa akin.ngayon lang ba to nakapag shopping para malaman na ibinebenta naman talaga ang lahat ng bagay pati pagkain dito sa mall?
"Tumahimik ka bobo" sigaw niya sa akin.may mga tao din na nakatingin sa amin.paano labas na ang dibdib nitong flat.pinatungan lang ng bra.kawawa naman si john walang paglaruan hehehe..paano nalang kaya pag magkaanak sya?may gatas pa kaya to?
"Ikaw ang bobo.wag yan ayoko niyan" sabay kuha ng green na apple sa lagayan.lagay lang kasi sya ng lagay ang dami pang kinuha.
"Ano ba!balik mo yan inday.gusto kong kumain niyan". kinuha niya uli ang mga kinuha ko at ibinalik sa lagayan namin.
"Hindi nga pwede.ayoko niyan.ang mahal mahal e hilaw naman.yong pula nalang kasi ang kunin mo para hinog na" naasar na sabi ko.buti pa tong hinog na mura lang samantalang tong hilaw na apple e tig 25 talaga ang isa.
"Anong hilaw?boba ka talaga.green apple yan". hala balak pa talaga akong ipahiya.hinihila siya ni john pero ayaw paawat.ang dami ng nakiosyoso at nakatingin sa amin.
"Inday tama na yan.tumahimik kana.kunin nalang natin pareho" bulong ni jim sa akin na halatang nahihiya na.kami nalang kasi ang pinagtitinginan ng lahat dito.paano napaka eskandalosa ng bruha.
"HINDI PWEDE JIM.!.teka sandali..hoy!!.bruhang isabel.alam kong green apple yan.hindi naman ako tanga mas lalong hindi bulag.ang akin lang ay ayoko ng apple na hilaw!" Galit na sigaw ko.leche!gusto ko talaga ang apple bata palang ako favorite ko na talaga to kaso nakakatikim lang ako kada december.may mas importante pa kasing bilhin ang nanay at tatay ko kesa sa apple na to.
"Bobo ka talaga.!!!!" naiinis na sabi niya.
"Mas ka.ang tagal kong pinangarap na kumain ng apple araw araw tapos papakainin mo lang ako ng hilaw?" Nakakasama ng loob e.ang tindi siguro ng galit nito sa akin para gawin to.mabuti pa si cedrick e laging hinog ang dinadala.
"Urgh!wag na nga lang ako bibili BWESIT!" galit na sabi niya.
"Tsss.tama na kuha nalang kayo ng red and green apple. sayo ang red inday at sayo naman ang green isabel para wala ng away". suggestion ni jim.kita nyo pinapaburan talaga si isabel.
"Bahala ka.basta sa akin yong hinog na." ayokong maghintay baka ang tagal pa maging pula yang green na apple na yan..mas mabuti na to para makain ko na agad.ilalagay naman sa ref kaya sigurado hindi to mabubulok.
"Hahaha.seryoso ba sila?baka may shooting lang o di kaya ay sa wow mali" sabi ng isang babae sa kasama.
"Hehehe impossible namang seryoso sila dahil kahit nakapambahay ay maganda naman sya at halatang mayaman". nagbubulungan na sila.
"Ahm guys maraming salamat po sa pagpanood tama po kayo shooting po to ng "wow mali" andon po ang camera.abangan nyo nalang po nextweek.". sabi ni john at itinuro ang parang camera dito sa mall.ano ba ang tawag don?cctv ata.
"Hala.hindi naman yon totoong shooting e"
nakasimangot na sabi ko.anong shooting shooting yang sinasabi nila.
Ang dami na kasing tao na nakatingin sa amin.
"Waaah pa picture po.mga bago ba kayong artista?abangan po namin ang movie nyo". hala pinagkakaguluhan na kami at pinipicturan nila.
"Waaaaa..guys may mga artista papicture tayo!"
Ayan nagtakbuhan na sila dito sa amin.ang mas pinagkaguluhan nila ay sina jim at john.ang dami ng tao lahat ata ay pumunta dito sa amin.
May mga nagpapapicture din sa akin kaya tumakbo ako.
"Waaah hindi po ako artista.umalis kayo sa akin.jim nasaan kana?" Tuloy lang ang takbo ko.hinahabol na nga nila ako pero nakatakbo na ako palabas dito sa mall.
Hindi talaga ako artista
Ano ba kasi ang nangyari bakit sinabi nila yon?ang pagkakaalam ko ay bumibili lang kami ng lintik na apple na yon.papunta na ako sa parking lot ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko para hindi ako makasigaw.

Itutuloy

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon