38

612 22 0
                                    

BOBO PERO HOT NA KILLER SI NDAY

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 38

[Jim's pov]

"Oh cedrick anong ginagawa mo dito?". andito na naman kasi siya at may dalang mga prutas kay inday.pagbaba ko ay nag uusap sila dito sa teraza habang umiinom ng kape.si inday naman ay busy sa pag gupit ng mga pictures ko na ipina develop niya kay bev nong isang araw.gagawa daw sya ng scrapbook namin.damn!i get jealous kapag makita kong may ibang kasama ang babaeng to.
"Binisita lang kita.kamusta kana jim?may mga naalala kana ba?" Nag aalala niyang tanong.gusto kong matawa sakanya.sa totoo lang hindi ko inakalang maging ganito ako kagaling na aktor at napaniwala ko sya na may amnesia ako.kung sabagay mas magaling syang actor.for how many years ay hindi ko manlang nahalata na may tinatago ang traidor na to.
"Wala pa!" Napakamot ako sa ulo ko na parang nalilito na din.
Sayang!sobrang sayang.itinuring ko syang kapatid sa tindi ng pinagdaanan namin ay hindi ko akalaing traidurin lang ako ni cedrick.gusto ko syang sumbatan at hamunin ng suntukan subalit kaduwagan lang ang ganon.
" Tsss.kailangan mo ng maka aalala pare isipin mo ang sinabi ko sayo nong isang araw.diba inday?" tanong pa nito kay inday na ngayon ay busy sa pagkain ng ubas..
"Oo tama cedrick,ayaw naman maniwala yan sa akin na magpagaling". nagtatampo nitong sabi.pakiramdam ko kinausap ito ni cedrick para pagtulungan nila na makaalala ako.
Minamadali na ni cedrick na makaalala ako para ituro ko sa kanila kung nasaan ang mga ebidensya.
"bev padala naman ako ng kape salamat" pakiusap ko ng inihatid niya ang gatas ni inday.
" Sige po sir.may coffeemate po ba?" -bev.
"Wala yong matapang lang please". ganyan naman ako kapag na namigrain ay mas gusto ko ang matapang na kape.
"Yong sobrang tapang bev yong nanununtok para matuluyan na ang lalaking to.bigyan mo din si isabel para pareho sila". wika ni inday.hindi naman halata na galit sya sa akin.
"Hahaha corny mo na inday" natatawang sabi ni cedrick.habang iniinum ang kape.
"Corny ba?hehe nabasa ko lang yon sa facebook". hagikhik niya.sila lang ata nagkaka intindihan e.
"Jim nakita mo ba si john?". tanong ni isabel na kakababa lang.
"Hindi bakit?" mas matino pa ata kausapin si isabel kesa sa dalawang to.
"Sabi kasi niya magpapaprenatal kami ngayon.ngayon ang appointment namin sa Ob gyne ko". pansin ko ngang nakabihis na ito.
" Bakit magpapa prenatal ka?". nakasimangot na tanong ni inday.
"Wala kana don". ayan na naman.mukhang mag uumpisa na naman ang dalawa.
"Waaaaah...wag mong sabihing buntis ka din na bruha ka?". tumayo ito at lalapitan sana si isabel pero agad na hinarangan ko.
"Tabi dyan jim,ang kapal ng mukha mong bruha ka.gaya gaya.sigurado hindi si jim ang ama niyan kundi si john". pilit na itinatabi niya ako pero baka magsabunutan ang dalawang to.
"Inday tama na.makakasama sa baby natin yan". pakiusap ko.
"Ahhh basta jim wag mo kong pigilan." takte natumba ako dahil sa malakas na pagkakatulak niya sa akin.ang lakas naman pala ng babaeng to.
"Sige subukan mong lumapit kung gusto mong tumarak ang gunting na to sa tiyan mo". sabay kuha ni isabel sa gunting na ginagamit ni inday kanina.
"Waaah..cedrick hanapan mo ako ng bato dali"
natarantang utos niya dito sabay hanap din ng bato.
"Oh ito inday flowervase pwede na yan" sabay abot ni cedrick ng flowervase dito.
Bwesit balak talaga ng lalaking to na pag awayin sila ni inday e parehong buntis ang mga to.
"Hindi pwede yan.ang makakatalo sa gunting bato lang." lumabas pa talaga at pagbalik niya ay may bitbit na malaking bato.
"Hahaha.putiks!ang corny mo inday san mo nakuha ang ganyang idea?". natatawang sabi ni cedrick.tsss di ko magets ang pinag uusapan nila.
"Ahm sa facebook din?hehehe.corny ba?wag mong bigyan ng papel kapag maghanap baka matalo ako". bulong ni inday kay cedrick.may alam ba to na hindi ko alam?bakit kanina pa sila nagbubulungan e hindi ko maintindihan.ano ang kinalaman ng papel?
Baka may pinapagawa naman si cedrick na ikapamahamak ni inday.
"Nyaaaa.jim patayin mo nga ang babaeng yan.nakakabwesit na". pagmamaktol ni isabel na halatang hindi din alam ang sinasabi ng dalawa.
"Inday ano ba!ibaba mo yan!putiks naman.tumigil na nga kayo baka mapano ang mga anak ninyo." pagpigil ko sa kanila.asan na ba kasi si john para mapigilan naman ang girlfriend nito.
"Tumabi ka jim papatayin ko talaga ang babaeng yan.walang original.nabuntis lang ako nabuntis din sya?". galit na sabi ni inday.kung nakamamatay lang ang tingin nito malamang kanina pa natumba si isabel.
"Pakialam ko e sa gusto din naming magka baby ni john" sabat ni isabel na ikinatigil ni inday.
"Ibig sabihin si john ang ama nyan?waaah...gaya gaya kayo.baka pati pagpanganak ko gayahin mo din?wag mong sabihin manganganak ka din?" Halos pasigaw na sabi ni inday.
"Gaga!!!!buntis nga ako malamang manganak diba?ano gusto mo ikaw lang?" Mabuti nalang dahil nakita kong bumaba na si john.si cedrick naman ay tatawa tawa pa.
"John alisin mo na yang babaeng yan sa harap ko.mga wala kayong original" galit na sabi ni inday.
'Tsss.sige alis na kami.tara na isabel.ano ba yan ang aga aga pinatulan mo na naman si inday?"
Napipikon na sabi ni john at hinila na palabas si isabel.halatang badtrip ito.malamang dahil dito kay cedrick.
"Sya naman nanguna babes e.anong original??originality yon bobo!". nakasimangot si isabel.
"Pareho lang yon gaga!" Pahabol ni inday.
---------------
[Cedrick's Pov]
Malapit na ako sa bahay ng may maisipan akong daanan.
"Oh ba't ngayon ka lang tumawag?nong isang araw pa kita hinahanap hindi kita ma contact". napipikon na sabi ko habang nakaupo ito sa isang mahabang mesa kasama ang mga kasahan niya sa trabaho. umupo na din ako sa harap nito sabay inom ng beer na nasa harapan ko lang.ang aga aga umiinom.
"Tsss..kamusta na ang pinapatrabaho ko?hanggang ngayon ba ay wala pa ring maalala yang bestfriend mo?" tanong nito na ikinangisi ko.masyado naman atang atat to para makuha ang documento laban sa amin.
"Wala.ano na naman ba ang katarantaduhang ginawa mo na binigyan mo ng mission si inday?"
naasar na sabi ko lalo na ng may nakita akong tatlong babae na kakalabas lang ng kwarto at mga lalaki na naka nbi uniform pa.
"C'mon hindi na natin kailangan si inday.si jim nalang ang pagtuunan mo ng pansin" sagot niya at kinuha ang kopita na may lamang alak.
"Kailangan natin yon dahil sooner or later ay matauhan na si jim baka hindi niya ibigay o baka matuklasan niya ang lahat.wala tayong panlaban sakanya kundi si inday lang". akala ko ba matalino to?kung sabagay ako lang naman kasi ang nakakaalam kung sino ang mas importante sa buhay ng lalaking yon dahil ako ang nakasama niya ng matagal.bestfriends kami ika nga.
"Ganon ba?e buhay naman siya kaya okey lang yan.oh kuha kana ng chicks mo pili kalang sa kanilang tatlo" turo niya sa tatlong babae na parang pokpok ang mga mukha.
"Wag na.kagagamit nyo lang nyan ipasa nyo sa akin". sagot ko.bat ako papatol sa pokpok kung marami naman dyang matino na handang ibigay ang sarili na walang bayad.nakita kong may pumasok na apat na kasamahan nila.
"Oh kamusta na?nakuha na ba ni romeo?" Tanong niya sa mga ito na ang tinutukoy ay ang pinakasikat na druglord sa Quezon city.
"Hindi pa boss,bukas pa daw makukuha ang pera nya sa bangko kaya hinold muna namin ang marijuana." wika ng isang lalaking malaki ang tiyan.pustahan kaka harvest lang nila ng marijuana sa sultan kudarat.andon sa isang isla ang plantation at pagawaan pero walang sino man ang makakapunta don dahil kailangan munang gumamit ng bangka bago makarating don at wala ding nakakapasok don ng buhay dahil marami ang bantay.marami na din kasing kabataan ang na recruit namin para hasain.kadalasan ay mga bata at mahirap.
Oras na pumasok sila ay automatic may 20k kaming ibibigay para sa kanilang pamilya.halos lahat ng mga bata ay ako ang nagpapasok kaya sa tingin nila ay ako ang dapat nilang sundin.
"Siguraduhin nyo lang na wag kayong sumabit nyan"
ma otoridad na sabi niya.dumiretso na ang mga ito at hinatak ang tatlong babae papunta sa kwarto.
"Ikaw ba talaga ang head ng nbi?parang wala kang concern sa bansa mo ah" nakangisi kong sabi sabay kuha sa sigarilyo sa bulsa.
"Hahaha.e ikaw?naging mabuti kabang kaibigan?pareho lang tayo.mag kamag anak tayo diba?"
nakangisi din nyang sabi.
Siya ang nag uutos kay inday para pumatay.siya ang kilala naming si winston na taga nbi.sya din ang tito ko.kapatid ng nanay ko na kaibigan ng tatay ko.ang tatay ko naman ang bestfriend ng pinaka leader ng mga terorista si abdul.ang pagkakaalam ni jim ay
Hindi ito head ng nbi.pwes nagkakamali siya.totoong nbi si winston pero hindi winston ang totoong pangalan niya.kundi si Thomas Ramos.ginagamit niya lang ang winston kapag si inday ang kausap nito para hindi mahuli kapag magsalita si inday.
"Oo naman mabuti akong kaibigan.lagi akong nandyan para sakanya" makahulugan kong sabi.
"Oo nga.noon pa,.lagi kang nandyan para maging spy o magbantay ng mga kilos at galaw niya.hahahaha" nakisabay na din ako sa mga tawa nito.tama nga siya mula ng magkakilala kami ni jim ay don na nag umpisa ang pagiging spy ko sa kanila kaya lahat ng kilos nila ay kabisado ko na.lalo na si jim.
"Kapag makaalala na yon ay e inform mo ako para alam natin ang susunod na plano". sabi nito na nakangisi pa din.
"Oo wag kang mag alala.malapit nang makaalala yon". sagot ko naman at nakingisi din sakanya pero iba ang ibig sabihin ng mga ngiti ko.
Kabaliwan lang ang naniwalang may amnesia si jim.kilala ko si jim at itinuring ko syang kaibigan.pwede niyang maloko ang ibang tao pero hindi ako.mas nauna akong magsinungaling sakanya kaya mas magaling akong kumilatis kesa sakanya.
Alam kong nagduda na sya doon palang sa iniligtas namin si inday sa lumang club.alam ko ding walang aksidente na nangyari.kung inaartihan ako ni jim ay pareho lang kami.alam kong alam ni john na wala itong amnesia pero hindi ko lang alam kung ano ang pagkatao ni john dahil hindi ikinikwento sa akin ni jim. kung may itinatago si john alam kong pabor ito kay jim pero hindi sya sagabal sa mga plano ko.alam ko ding alam na nila na traidor ako.
Kung sa larong baraha,si inday ang reyna,si jim ang hari at si winston ang alas.ako?isa lang akong joker.walang silbi.minsan hindi na pinapansin pero kung sakaling gusto nila akong isali sa laro,panigurado,kung sino ang makakabunot ng joker na to ay sya'ng panalo dahil maliban sa pagiging joker ay ako din ang taga ayos ng baraha at bago magsimula ang laro,alam ko na kung sino ang mananalo at kung sino ang matatalo.

Bobo pero Hot na Killer si IndayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon