15

1.3K 48 0
                                    


Chapter 16

Unedited...

Ang lalim ng iniisip ni Yesha habang naglalakad papasok sa paaralan. Pinag-iisipan niya kung tama lang ba na manatili pa siya rito sa Westbridge next sem o lilipat na ng paaralan? Hindi na siya makakakilos nang maayos dahil kay Riffle. Gusto na niyang umiwas dito at tuluyan nang magpakalayo para hindi na magambala ang tahimik niyang buhay.

"Yesha! Oh my ghad!" tili ni Chummy habang palapit sa kaniya, "You're back!"

"Ang saya mo naman yata?" natatawang tanong ni Yesha. Kahit na madalas siyang naiirita sa bunganga nito, matalik na kaibigan pa rin nito.

"Siyempre! Maliban sa nag-update ang favorite author ko sa Watty, masaya na ako! Ilang days din iyong nawala, ha," pagkukuwento nito habang simasabayan siya sa paglakakad.

"Ah, ipagpatuloy mo lang 'yang pagbabasa mo ng porn stories!"

"Hoy! Hindi a! Wala namang bedscene ang binabasa ko!" depensa nito. As if naman na maniwala siya. Pero kahit ano ang mangyari, hindi siya aamin na siya si Erotica writer. Mahirap na. Baka ipagkalat pa nito ang tunay niyang pagkatao.

"Sabi mo e. Wala naman akonv magagawa dahil hindi ako Wattpad addict!" sagot niya.

"Teka lang, saan ka ba galing? Ilang araw ka nang hindi nakapasok ah. Sina Tita, panay ang tawag sa akin. Pina-blotter na nga nila ang pagkawala mo e!" tanong ni Chummy.

"Nagtampo lang ako kay Mama kaya lumayas ako!" sabi ni Yesha na nakasimangot. She has to act naturally na para bang nagtatampo talaga sa parents niya.

"At kailan mo pa nagawang maglayas, aber?" nakapamewang na tanong nito na tumigil pa talaga sa paglalakad.

"Last day lang, 'di ba? Stop asking me those questions kasi ayaw ko nang pag-usapan! Let's move on! Ang mahalaga, buhay ako at hindi ako napasama sa mga ginahasa ng adik diyan sa kanto, at higit sa lahat, hindi ako napasama sa extra judicial killing, okay?"  Nilagpasan niya ito kaya sumunod na naman si Chummy sa kaniya.

"Naku, huwag kang magpagahasa sa mga adik, wala kang mapapala! Kung mamamatay ka, mas piliin mongmagpabaril sa mga pulis para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay mo. Dahil sa 'yo, magkakaisa ang mga Pilipino at higit sa lahat, may tendency pa na maging bayani ka balang araw!"

"Damn! Enough na nga! Hayaan na 'yang patay na topic!" Nanindig bigla ang balahibo niya. Laking pasalamat niya nang pinakawalan na siya ni Riffle. Ang buong akala niya, uuwi siyang bangkay o hindi kaya, itatapon siya sa dagat para ipakain sa mga isda. Basta ang mahalaga, okay na siya at mas nagkaroon ng time ang parents niya sa kaniya. Akala talaga nila, sila ang dahilan ng pagkawala niya.

"Totoo bang nanliligaw sa 'yo si Riffle?"

"Ba't mo natanong?"

"Wala lang. Dahil kapag ligawan niya ako, sasagutin ko agad! Kaya kapag totoong nanliligaw siya sa 'yo, alam kong kayo na, Yesha!"

"Tumigil ka na nga, Chummy! Walang kami ni Riffle. Isa pa, bakit niya ako liligawan? Tsk!" Kung alam lang nito ang kababuyang ginawa sa kaniya ni Riffle, paniniwalaan kaya siya? Malamang hindi! E, inaasam 'yon ng karamihan.

"Kasi maganda ka! Noong party kina Red, alam kong may something talaga sa inyo e!" tukso nito at siniko siya.

"Something ka riyan!" Uminit na naman ang ulo niya. Iyon ang gabing kinuha ni Rifflle ang pinapainiingatan niyang perlas. Iyon din ang gabing sobrang na-disappoint siya sa binata.

"Yesh? Ang guwapo talaga ng Bautista twins, noh?" tila nangangarap na sabi ni Chummy nang makakasalubong nila sina Riffle at Revolver pero malayo pa naman.

The Er*tic WriterWhere stories live. Discover now