17

1.3K 59 0
                                    

Chapter 17

Unedited...

"Hi, ako ba ang hinahanap mo?" nakangising tanong ng schoolmate niya nang pumasok siya sa canteen pero nilagpasan lang siya ng dalaga.

"Kinakausap kita, Miss!" sabi nito at hinawakan siya sa braso.

"Wala akong balak na makipag-usap kaya puwede ba, bitiwan mo ako dahil nagugutom na ako!" pakiusap niya pero mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa braso niya.

"Nasasaktan ako!" Tinutulak ito pero ang lakas ng lalaki.

"Dude, ayaw yata sa 'yo. Baka hindi la niya trip!" natatawang kantiyaw ng kasama na nakaupo sa isang table. Anim silang magbarkada at nang makitang papasok si Yesha, napag-trip-an nilang kausapin ito para makuha ang number dahil matagal na itong gusto ng binata.

"Please, tama na!" pakiusap ng dalaga na nagpupumiglas.

"Ulol! Bitiwan mo na siya, 'tol. Marami na ang nakatingin sa atin," saway ng isang kasama nito kaya binitiwan siya ng lalaki.

"Pasensiya na, Yesha, napagkatuwaan lang, ang ganda mo kasi!" puri nito kaya hindi na umimik ang dalaga at dumiretso sa counter. Alam niyang hindi siya mapapahamak dahil marami ang tao pero natatakot pa rin siya para sa kapakanan dahil likas na tigasin ang grupo nila. Balita niya ay miyembro ng fraternity na sa ibang paaralan sumali. Sa pagkakaalam niya, puwede silang sumali sa kahit ano'ng chapter o paaralan dahil bawal magpatayo ng chapter dito sa Westbridge.

"Wala ka pala e, nakakahiya ka!" natatawang sabi ng kasama na.

Absent si Chummy at may dalawang oras pa siyang vacant dahil wala ang prof nila sa next subject.

Habang kumakain ng chocolate cake, nagsa-scan din siya sa Wattpad. Marami-rami na rin ang nakabasa sa huli niyang update. Napangiti siya sa nag-message sa kaniya. Pasensiya na raw kung hindi ito nakapag-vote at comment sa stories niya dahil medyo SPG. Kahit pilitin nito, hindi talaga puwede dahil makikita ng crush niya. Naka-follow raw kasi sa kaniya ang crush niya at makikita nito sa newsfeed niya.

"Nakakatuwa sila," natatawang sabi niya nag basahin ang ibang comments, binura rin daw nito sa Library dahil minsan ay binabasa ng lola niya, "Wattpader ang lola niya!"

"Mukhang ang lapad ng ngiti natin, a. Ako ba ang dahilan?" nakangising tanong ni Red na nakatayo sa harapan niya bitbit ang tray na may isang hiwa rin ng ube cake, "puwede bang maki-share?"

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? E, nakaupo ka na riyan!" sagot niya nang maupo na si Red.

"Thanks, best!"

"Huwag mo nga akong tawaging best, Red!"

"Ayaw mong maging bestfriend ang poging ito?" kunyari ay nalulungkot na tanong nito. Alam naman niyang dinadramahan lang siya ng binata. Ganito naman ito kapag siya ang kaharap.

"Para ano? Pangongopya lang naman ang habol mo sa akin kaya kinakaibigan mo ako! Huwag ako Red! Baka gusto mo maging Pink?"

Tumawa ang binata, "Alam mo, ang cute mo kapag magalit. Kaya siguro patay na patay ang pinsan ko sa 'yo--"

"Huwag mong ipaalala sa akin ang hinayupak na pinsan mo!"  Nanggigigil na tinusok niya ang cake saka sinubo.

"Wala ka bang gusto sa kaniya? Mukhang magkaroon ng first heartbreak ang pinsan ko ah!"

"Huwag mo nga akong kausapin! Lumipat ka ng ibang table!" pagtataboy niya.

"Suplada naman neto!" napailing na sabi niya, "o, ayan na ang future husband mo."

Papasok si Riffle kasama si Vanilla kaya ipinagpatuloy ni Yesha ang pagkain. Balak pa naman sana niyang magsulat ngayon dahil nasa mood siya kanina pero nawala na dahil sa magpinsan.

The Er*tic WriterWhere stories live. Discover now