24

1.4K 61 0
                                    


Chapter 24

Unedited...

"Ano ba ang gusto mong kainin?" tanong ni Riffle habang nakaupo sila sa sala.

"Dilis tapos may kamatis, sibuyas at labanos," sagot ni Yesha.

"Magpapabili lang ako sa katulong mamaya kapag makapamalengke siya," sabi ni Riffle, "ano pa?"

"Wala na."

"Hon?" malambing na tawag ni Riffle at tumabi sa kaniya.

"Ano? May kailangan ka?" Nagsisimula na siguro siyang maglilihi. Mahigit dalawang buwan pa lang naman ang tiyan niya kaya hindi pa halata.

"Sabi nila, ang mga buntis, mataas ang libido?" malambing na sabi ni Riffle saka inakbayan siya.

"Ang iba lang pero hindi ako," panunupalpal ni Yesha.

"Bakit? Wala ka bang nararamdaman?"

"Meron naman kaso sa tuwing nakikita kita, pinapaalala ko na ang sarili ko na masakit ang umasa!" seryosong sabi ni Yesha. Siya lang yata ang may asawang hindi niya ma-enjoy kahit na gaano pa ito kaguwapo at macho.

"N-Nahihiya lang ako magpa-checkup pero para sa 'yo, magpapatingin ako."

"Huwag ka nang mag-abala pa, mapapagod ka lang."

"Alam mo--"

"Ano?" sabat ni Yesha at pinandilatan ang asawa.

"W-Wala. May kakailangan ka pa ba? Baka gusto mong ibili kita ng burger sa labas," sagot ni Riffle. Sarap talaganb murahin pero hindi niya kaya. Baka mapahamak pa ito at madamay ang anak niya.

"Angel's burger!" pagalit na sagot ni Yesha.

"Ba't ka galit?"-Riffle

"Hindi ako galit. Sinasagot naman kita a!" sagot ni Yesha kaya napabuntonghininga na lang si Riffle.

"Yesh? Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" malungkot na tanong ng lalaki. Bakit sa libu-libong babae sa mundo, na-inlove pa siya sa babaeng hindi man lang kayang suklian ang pagmamahal niya? Naging asawa lang niya dahil pinikot niya ito. Karma na nga siguro niya.

Napasulyap si Yesha sa katabing asawa. Wala naman siyang problema sa mukha at katawan nito. Sa katunayan, si Riffle at g tipo ng asawang puwede mong i-display sa mall dahil tiyak na dudumugin ng kababaihan. Pagdating sa pera, mayaman ang pamilya nito kaya kahit paano, matutulungan sila. Sa nakikita niya, masipag at mapagmahal naman ito. Ano pa nga ba ang hindi niya nagustuhan dito?

"Mabilis lang talaga siyang sumabog," bulong niya. Isa pa, nagsimula sila sa pilitan. Kahit crush mo pa ang isang tao at kapag na mabigla ka, umiiba rin ang timpla ng utak mo.

"Susubukan ko pa, Riff," sagot niya. Pagod na rin naman siyang makipagtalo rito. Ume-effort naman si Riffle kaya bibigyan niya ito ng chance lalo na't magkaka-baby na sila.

"Thank you," sagot ni Riffle na hindi pa rin na-satisfy. Nakaka-disappoint lang dahil para siyang nangangalimos ng pag-ibig sa asawa.

"Walang kuwentang buhay 'to!" galit na sabi ni Revolver nang pumasok at natumba pa. Lasing ito.

"Ano bang--" Yesha

"Huwag kang lumapit, hon." Mabilis n pinigilan siya ng asawa dahil lalapitan sana niya si Revolver, "dito ka lang sa tabi ko, hayaan mo siya."

"P-Pero natumba siya," nag-aalalang sagot ni Yesha na nakatingin sa kakambal ng asawang ngayon ay nakatayo na.

"Walang silbi kayong mga babae! Dapat sa inyo ay patayin na!" sigaw ni Revolver at sinipa ang mga gamit na nakaharang sa daraanan niya.

The Er*tic WriterWhere stories live. Discover now