11

227 10 3
                                    

A/N: Time Check ✔ 12:53am. Can't sleep kaya maguupdate nalang ako. Sana hindi maging sabaw. :(

YUMI'S POV.

"Ha? A--ano?" Nauutal kong tanong. Shocks! Tama ba ang pagkakarinig ko ihahatid niya ko?!

"Ah.. You said that mahirap na ang bus diba?" Oo dahil hapon na. Punuan na ang bus ngayon papuntang airport. Tsaka biglaan wala kong pera!

"Naku, Wag na Chad. Wala din akong pera. Uwi nalang tayo." Pag-tanggi ko na lubusang labag sa kalooban ko. Tinanggihan ko siya! Ang hirap kaya!

Nagulat ako ng hilahin niya ko palabas, "Ah.. Ah, Cha--Chad! Teka!" Awa't ko pero parang wala siyang narinig hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse. Binuksan niya ang pinto.

"Get in." Wala na kong sinabi at sumakay nalang, uuwi na kami malamang.

Habang asa biyahe. Eto nanaman ang awkward silence.

"Mm, Chad pano mo nga pala nalaman ang bahay namin?" Curious kong tanong.

"Nagtanong-tanong lang." Sagot niya, Effort naman! Kinilig ako! Ops, bawal kiligin. Bawal magassume. Jusko naman. Ang hirap kase!

Napansin kong iba ang way na dinadaanan namin,

"Chad san tayo pupunta?" Tanong ko.

"Airport."

"Wha--what?!" Gulat kong tanong. Jusko seryoso ako wala talaga akong pera! "Chad, I'm very serious wala akong pera." Seryoso kong sabi. Nakakahiya.

"I'll pay for your tickets. No more buts." Hindi na ko umangal. Nakakahiya man pero kinilig ako kasi para akong isang girlfriend na under! Jusmiyomarimar naman Yumi.

Ng makarating kami sa airport. Sinamahan ako ni Chad hanggang loob.

"Wait for me here." Sabi niya at tumango nalang ako at umupo sa bench.

Finally makikita ko na ang mga kamag-anak ko dahil sa tulong ni Chad. Imbis na siya ang tulungan ko mag-move on siya pa ata itong tumutulong sakin para mas maging masaya ng sobra.

"Hey, here's your ticket. One hour pa bago ang flight natin." Teka.. Natin?! Namin?!

CHAD'S POV.

"Sir, meron pong promo. Ticket for two. Less 50% off po. Ngayong araw lang po ito, baka gusto niyo po i-avail?"

"Uh.. No, Thanks." I answered. Si Yumi lang naman ang bibilhan ko ng ticket.

"Sure po ba kayo, Sir? Ang next flight pa po ng hindi a-avail ng promo is mamayang 9pm." Kung hindi ko i-aavail ang promo, Yumi will wait for too long. Kawawa naman siya.

"Okay. I'll avail the promo." I said and napangiti naman ang babae. Tsk.

Habang inaayos niya ang ticket, may napansin akong familliar na babae na papasok sa ng Cr.

"Mika..." Di ako pwedeng magkamali. Pupuntahan ko na sana siya kaso--

"Sir, ito na po yung tickets. One hour pa po before ang flight." Sabay abot sakin ng ticket. I said thank you at nagmadalaing pumunta sa harap ng comfort room.

Ng malapit na ko, napangiti ako ng lumabas si Mika.. Kaso may lalaking umakbay sakanya.

Shit. Shit. Shit. Di ako pwedeng magkamali. Hindi pwede!

Di ko namalayan, wala na pala sila. Ang sakit. Ang sakit sakit padin lalo ng malaman ko pa na step-brother ni Mike ang napangasawa niya! Fuck this day! Fuck everything!

I decided na puntahan na si Yumi. Mahal na mahal na mahal ko padin siya kaso di ko na alam ang gagawin.

Siguro mawawala ang stress ko kahit sandali kung sasama ako kay Yumi. She's fun to be with anyway.

"Hey, here's your ticket. One hour pa bago ang flight natin." Sabi ko ng makita agad siya na naka-upo sa bench. May ngiti pa sa mga labi niya. At least nagkasilbi ako ngayong araw.

"Natin? Tayo?" She asked. Confused.

"Uh, yes. Inavail ko yung promo kasi ang next flight pa ng hindi aavail ng promo is 9pm." Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Chad this is too much. Okay lang naman na maghintay ako kesa maistorbo kita." She said.

"No, hindi mo ko naiistorbo." Sabi ko at nilingon siya, "Gusto ko lang magrelax. Nakakapagod masaktan ng masaktan. Gusto kong sumaya, Yumi. Help me. Kahit isang araw lang." I can't believe that I'm saying these words! Lalo na sakanya? Sa babae? Kay Yumi? What's happening to me?

Hindi naman siguro masamang mag-brrak down kahit minsan. Naramdaman kong may tumulo ng luha sa mga mata ko. Pain.

"O-oo ba, Chad." Yun nalang ang nasagot niya. She gave me the most cheering smile.
I guess I'll forget Mika. Just for this day. At least. No business, No Mika, No pain, No stress. A day with Yumi. My new found friend.

A/N: Hanggang dito nalang muna. Bibitinin ko muna kayo. Antok na ko. Gusto ko din pagisipan mabuti yung next chapter. :)

Sana nagustuhan niyo. 10 votes for the next chapter!!! ❤ pagbigyan please thank you humaniods! :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When she left. [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon