6

188 4 3
                                    

YUMI'S POV.

Andito kami sa department store, sa section ng clothes for kids. Dito ko nalang na pili pumunta para maraming mapagpipilian.

"Eto bagay sayo 'to!" sabay tapat ko ng damit kay Andy, nagka-spark (hindi literal) naman yung mga mata niya..

"Ang Ganda!" Sigaw niya, tapos niyakap niya yung damit.. Well, siguro nga first time niya magkaka-ganun. Napangiti ako sa na iisip ko, Napaka-munting bagay pero sobra sobra na ang saya na naidudulot sa mga batang katulad niya.

"Andy, ibalik mo na yan.. Wala tayong pambili." Nahihiyang bulong ni Noel, pero sapat na para marinig namin ni Chad dahil katabi lang namin siya.

"No Noel, I will take care of the bills." sabi ni Chad. Ngumiti naman si Andy.

"Nako, Nakakahiya na po." Sabay yuko ni Noel.

"Wag kana mahiya. Simula ngayon ituring niyo na kong parang totoong kuya." sabi ni Chad, kaya napa-tingin sakanya si Noel at ngumiti, "At siyempre, Si Yumi.. Ituring niyo na din siyang Ate." Dagdag ni Chad, teka... Tumakbo ata yung panga ko! Kinikilig ako! Shet!

"Yehey! Sana mama at papa nalang." sabi ni Andy sabay pout. Agree ako sakanya! Ay, Ang kete.

"Hahahahahaha. Sige na, pumili na kayo ni Ate Yumi." Sabi ni Chad, kaya naman wala ako sa sariling napagalaw para maghanap ng damit para kay Andy.

Naka-pili na kami ng damit para kay Andy, pati nadin sapatos.

"Hindi naman babagay sakin 'to," sabi ni Andy, kasalukuyan kaming naglalakad papuntang Boys section, para kay Noel.

"Ha? Bakit naman?" Nag-alalang tanong ko.

"Dahil panigurado, bukas madumi na 'to. Wala naman kaming permanenteng tirahan." sagot niya, at parang maiiyak na. Napa-iling ako. Kawawa naman sila.

"I have an idea!" biglang singit ni Chad at kinuha ang cellphone niya mula sa bulsa, "Hello Tita? Are you free today? Really! Pupunta ako diyan at may mga kasama ako, Yeah. Okey, See you!"

"Sino po yun tuya?" tanong ni Andy pero ngiti lang ang sinagot ni Chad.

"Tara na bayaran na natin 'to at may pupuntahan tayo." sabi ni Chad kaya pumunta na kami sa counter at binayaran na ni Chad, dapat ako magbabayad pero pinilit niyang siya na daw.

*

CHAD'S POV.

Ng marinig ko yung sinabi ni Andy, na-awa ako. I want to help them buti nalang na-alala ko yung Tita kong gusto mag-adopt ng child. Si Tita Monica, Hindi kasi sila magka-anak ni Tito.

"Chad kaninong bahay to?" curious na tanong ni Yumi ng makababa kami ng kotse, Yep! Andito kami sa bahay ni Tita.

"Andito tayo sa bahay ng Tita ko. Si Tita Monica." simpleng sagot ko sakanya, tumango lang siya at binuhat si Andy.

"Chad! You're here!" Salubong ni Tita Monica sabay yakap sakin. Ang tita kong paborito ako. "And you're with?" tanong niya sabay tingin sa dalawang bata at kay Yumi.

YUMI'S POV.

Ng salubungin si Chad ng tita niyang aphrodite. Oh my, nahiya ang puti ko sa puti niya. Napaka-ganda! Nakalimutan ko, kinakabahan talaga ako. First time kong makakameet ng relative ni Chad. Isang Dominguez pa!

"Tita, this is Yumi." Pagpapakilala ni Chad, lumapit naman ang tita niya at bineso ako. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.

"Good afternoon po. Hehe, Nice to meet you ho mam." Magalang na bati ko kahit naiilang at hiyang hiya na ko.

When she left. [On-going]Where stories live. Discover now