2

289 4 1
                                    

YUMI'S POV.

"Yumi, Narinig mo na ba ang bagong balita?" Excited na tanong ni Tasha, Umiling ako bilang sagot. "Weh? Akala ko pa naman updated ka padin sa ultimate slash forever crush mo since college!" Chad. Oo, Si Chad ang taong mahal na mahal simula pa lang 1st year college.

"Si Cha-chad?"

"Oo naman, Sino pa ba? Nako, Ikaw talaga!" Sabi niya sabay iiling-iling.

"Masaya na sila ni Mika, Tanggap ko nanaman yun noon pa." sabi ko, hays Oo, masakit pero nasanay na ko, basta ba masaya si Chad masaya nadin ako. College pa lang, gustong gusto ko na si Chad.. Parati nga akong nagpapa-pansin sakanya, pero snobber kasi siya.

Flashback.

"Hi Chad!" Bati ko ng maka-salubong ko siya sa corridor, pero hindi niya ko pinansin, tinignan niya lang ako. What's new? Sino nga ba ako? Ako lang Si Yumi Ocasion, Nobody sa school, Nerd pero walang eyeglasses, Sadyang mahilig lang talaga ako mag-aral.. Eh sino ba ang crush ni Chad, Siyempre Si Mika Jepsen, Ang most hottie chic ng school, Kuko lang ata ko nun e. Pero kung ugali ang paguusapan, Mas lamang naman ako dun! Ako Loyal ako kay Chad, siya pa-iba iba ng lalake. Hays. Pag niloko niya si Chad ako ang makaka-harap niya! (akala mo naman matindi)

Recess.

"Mr.Dominguez." napa-tingin naman ako sa tumawag kay Chad, andito kami sa cafeteria ni Tasha, medyo malapit kami sa upuan ni Chad, para naman maganda ang view. Hahaha.

"Yes?"

"Pinapatawag ka po ni Ms.Jepsen sa Gym." pagkasabi nun bumagsak ang mga balikat ko, Oo, nililigawan na ni Chad si Mika, Ang sakit lang.. pero anong karapatan ko? Nagmamahal LANG naman ata ako. LANG. :(

"Sige, Susunod na agad ako."

After nun, kumalat na sinagot na nga ni Mika si Chad, Perfect couple pa nga ang tawag sakanila, Sabagay, Totoo naman.. Maganda tas Gwapo, Mayaman tas Mayaman, Hot tas Sexy, Odi sige sila na.

Parati silang magkasama noon, Hindi sila napag-hihiwalay, Nag-bago nadin si Mika.. Wala na! Wala na kong lamang, siguro utak nalang? pero matalino din naman si Mika, lamang lang ako ng isang basa. Hays :(

Hanggang sa Grumaduate kami, Chad padin ako. Solid. Ang saya nga ng view nung graduation, Pinakilala ni Chad si Mika sa mga magulang at kapatid niya, Ang saya siguro ng feeling nun no? Ang sarap sarap, para sigurong nakahiga si Mika sa cloud 9 nun.

End of flashback.

Hanggang sa mag-kahiwalay hiwalay na, pero ako parati ko padin nakikita si Chad, minsan kasi napapadaan ako sa company nila, May pinsan kasi akong nagtratrabaho dun. Small world diba? Naging close ko nga ang pinsan ko na yon e, para lang makapunta ko dun. Ang desperada ba? Atleast sa ganung paraan lang, Wala kong balak mang-agaw kasi alam ko namang wala akong maagaw e. Grabe, tuwing pupunta ako sa Company nila Chad, nadadaanan ko ang office niya, Nakikita ko siya na parating seryoso sa mga ginagawa niya, Mas gumagwapo siya. Pero pag may mga pagkakataong ganun, Sinisigurado ko na hindi niya ko nakikita.

Kung siya, Chairman ng company nila. Ako? Writer ako sa isang publishing company, kadalasan nga ang mga na susulat kong story eh pang-broken hearted, pero Thanks God naman kasi maraming tumatangkilik nito. Ayoko magpa-kilala sa fans ko, Oo, May fans ako... pero ang tawag nila sakin ay Chayu, Oo pinag-halong pangalan namin ni Chad yan. Hanggang dreams lang naman ako, kaya okey na yun.

Hindi din ako lumalabas sa Media, nanatiling tago ang pagkatao ko. Ayoko magpakilala, Nahihiya ako, Wala akong lakas ng loob, sapat na nailalabas ko ang saloobin ko sa pamamagitan ng pagsusulat, Sila ng bahala kung anong iimagine nila na itsura ko. Gusto ko ng payapa e, Tahimik.. pero masaya.

"Masaya? Di mo pa talaga alam ang balita. Tsk tsk." nabalik ako sa ulirat ng mag-salita ulit tong si Tasha, Dakilang chismosa talaga to since college.

"Eh ano ba ang balita na yan?" tanong ko, sabay harap ulit sa laptop ko, nag-iilustrate kasi ako ng story na pinapaayos sakin.

"Break na sila, Girl!" Napa-tingin naman ako kay Tasha. Break na sila? Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ika-lungkot, dahil kung ano man ang rason alam kong masakit para kay Chad, alam ko namang hindi magagawang lokohin ni Chad si Mika.. "Di ka ba masaya?" Umiling ako. "It's your time to shine, Ano ka ba!" sabay hampas niya sa braso ko.

"Ano ka ba. Kung nasasaktan si Chad, hindi ako magiging masaya."

"What the hell! Masyado ka talagang martyr no? Hay nako! Wala ka talaga." pag-suko ni Tasha.

"Oo, walang wala lalo na pag-dating kay Chad."

"Oh, Halika ka nga! Nag-aaya si Albert mag-bar. Ang laki daw kasi ng tip ng boss niya sakanya!" Aya niya sakin, Hindi naman ako mahilig pumunta sa mga ganon, Ang ingay ingay na nga ang usok usok pa, tapos may mga nagme-make out pa sa kung san san, Ew lang. Ay Oo nga pala, Si Albert ang boyfriend ni Tasha, 5 months na sila. Buti pa ang babaeng to luma-love life, Ay.. Natatandaan ko tuloy yung parating sinasabi ni Tasha 'Pano magkaka-love life kung hindi ka kumakalawa diyan sa lunga mo' Natawa na lang ako. "Uy ano na? Lets go na!"

"Alam mo namang wala akong hilig diyan, Tasha." sabi ko, sabay ayos ng mga paper na nakaka-kalat. Nakaka-pagod mag-construct ng story, lalo na kung wala ka pa namang experience sa Love. Yung happy na love? puro broken nalang yung akin, kaya puro ganun ang nasusulat ko.

"Hindi tayo magtatagal promise. Sige na, malapit na din naman birthday ko e." Sabi niya sabay puppy eyes. Nagpacute pa ang loka.

"Sandali lang talaga tayo dun ha?" Mukhang mapapasubo talaga ko e.

"Oo, Promise."

SA BAR.

"Tasha, Ano ba tong pinasuot mo sakin. Ang ikli naman ng dress na to!" Sunod sunod kong angal.

"Hay nako! Bar tong pinuntahan okey? okey lang yan! Lets go party!" Aya niya, tsaka ininom yung Drinks na nasa table, Alak yun alam ko e. Never pa kong naka-inom nun e.

Nakaka-hilo ang amo'y dito, Nakaka-sofocate ang usok. Ano ba yan!

"Yumi, Are you okey?" tanong ni Albert.

"Oo, C-cr lang ako ha?" Pa-alam ko sakanila. Tumango nalang sila.

Halos abutin ako ng siyam siyam para maka-punta sa Cr, Ang dami kasing tao.. Hindi madaan sa salitang 'excuse' kailangan banggain mo na talaga para makadaan ka. Mga lasing na kasi.

Napa-tigil ako sa paglalakad ng may makita akong isang pamilyar na mukha.. Si Chad ba yon?

When she left. [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon