There's a guy who likes me but i have no idea.
Hindi ko alam na may matagal na syang pagtingin sa akin.
Noong una ang akala ko ay biro lang pero seryoso pala sya.
And then one day, i decided to confess my feelings to him but the time has change, he likes my friend Julia.
Hindi ko alam pero nasasaktan ako noong nagsabi sya sa akin na nagugustuhan nya si Julia at tulungan ko daw syang ligawan ito.
FLASHBACKS
I'm a volleyball player at our barangay and because of that sport ay nagkaroon ako ng mga kaibigan na naging kasama ko na sa lahat ng mga kalokohan, sa pag-eensayo, sa paggagala at sa pagod sa practice.
I Don't know but iba ang impact ng pagiging volleyball player ko, ng dahil sa sport na ito ay mas natuto akong maging friendly at ma boost ang aking confidence sa iba.
And one person na naging kaclose ko ay si Ahlchevie, He's kinda smart, tall, kind, humble and most of all is handsome.
Ang galing nyang maging kakampi sa laro, talagang sure na sure na panalo sa laro.
Ang laki ng paghanga ko sa kanya bilang isang manlalaro at kakampi sa laro pero hindi ko sya gusto sadyang hinahangaan lang.
Masaya ako tuwing nananalo kami sa bawat laro namin, pero di ko aakalain na magiging masaya at komportable akong kasama sya.
Oo, Lalaki ako pero masaya ako na makasama ang lalaki kaysa sa mga babae.
Naalala ko ng nasa gitna kami ng selebrasyon dahil sa aming pagkapanalo ay nagtanong sa akin si Ron, isa sa mga kasama namin sa grupo at kaibigan ko din.
"Tanungin natin si Jay kung may nagugustuhan sya dito Sa grupo natin HAHAHAHA" tanong ni Ron habang kumakain ng Chichirya
Natatawa nalang ako sa tanong nya.
"Wala naman akong nagugustuhan dito HAHAHAHA tsaka di naman uso sa akin yan" Sagot ko sa tanong nya
"Talaga ba, Jay? HAHAHA eh napapansin nga namin na may kagrupo tayo na palihim na nagkakagusto sayo" Pangungulit nito sa akin
"Bahala nalang sya HAHAHAHA walang problema sa akin kung may magkakagusto man" Nakangiti kong sagot
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain at Nariring kong nagbubulungan sina Ron at James pero isinawalang bahala ko na lamang ito.
Pagkatapos ng aming selebrasyon ay napagdesisyunan ko ng umuwi kaagad dala na din ng pagod sa aming paglalaro.
Habang naghihintay ng trisikel ay may biglang lumapit sa akin at sa sobrang gulat ko ay bigla ko itong nasiko.
"Aray Jay! Ang sakit" reklamo ni Ahlchevie sa akin
"Pasensya na, saan ang masakit? Di ko sinasadya akala ko kasi may kidnapper na lumapit sa akin" paghingi ko ng pasensya
"Ok lang ako HAHAHA di ka naman mabiro, Btw naghihintay ka ng trisikel?"
"Oo, pagod na kasi ako dahil sa laro kanina kaya hindi ko na kaya pang maglakad"
"Sige, sabay Nalang tayo, magtitrisikel na din ako tsaka para makasabay na din kita"
Di katagalan ay may dumating na trisikel at sumakay na kami, tangkang magbabayad na ako pero pinigilan ako ni Ahlchevie.
"Libre na kita Jay" Nakangiting ani nito
Ngumiti na lamang ako at di na nagpatalo pa sa kanya.
Nakakapagtaka lang at nilibre nya ako ng pamasahe sa araw na ito.

YOU ARE READING
Short Stories Compilation
RandomShort stories that are posted in my facebook account. Short poems compilation will be having a separate book to be look organized for the readers.